Chapter 33: XXX

4.8K 126 2
                                    

Jayce's POV

"Tell me the direction ate." Nakalayo na kami sa mall at wala pa naman ni isang sumusunod na kalaban sa amin.

"I'll tell the direction going to our house. Camille is safer if she's here."

"Turn left sa susunod na kanto. 200 meters. Now!"

Agad akong nag hard left. At bakas sa mukha ni Camille ang takot. Wag na wag lang nila hawakan kahit na dulo ng buhok ng asawa ko at makikita na nila ang impyerno.

"Tumingin ka sa side mirror mo. May mga sumusunod sa 'yo! Ayan walang map awareness!"

"Shut up pwede ba! Saan na kami pupunta ngayon?" Kanina pa ako paikot ikot dito. Nakatulog na nga si Camille dito sa tabi ko.

Nagbigay na siya ng directions at nagsimula na ring magpaputok ng baril yung mga nasa likod namin.

Hindi na ako makapag-drive ng maayos dahil sa mga putok ng baril nila.

"Huy! Anong gagawin ko? Saan na?" Sinabi ko kay ate na kanina pa tahimik.

"May eskinita jan sa right mo" Tinignan ko ang daan pero wala akong makita.

"You're 500 meters away."

"400....300....200....100....50 turn."

Agad akong nag turn ng right at nakita kong nawala na ang mga sumusunod sa amin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Nakarating kami ng bahay ng natutulog pa rin si Camille. Triny ko siyang gisingin pero ayaw niyang magising kaya binuhat ko na lang siya papunta sa kwarto ko.

"Sleep well sweetheart. I love you." Hinalikan ko siya sa noo at iniwan ko na siya sa kwarto.

Ng makalabas ako sa kwarto nakatayo na si ate duon at nakapamewang.

"Someone wants to talk to you." Atsaka nagsimulang maglakad.

"Who?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad pa rin.

"Camille's dad. He's in our dad's library, he's waiting for you since nung binibigyan pa kita ng directions." Nakarating kami sa library. Hindi ako nakakaramdam ng kaba dahil wala naman akong ginawang masama para kabahan ako.

Pagkapasok ko duon ay nakita kong nag-uusap sina papa at ang tatay ni Camille.

"Good afternoon po." Bati ko sa dalawang nandito ngayon sa silid.

"Maupo ka iho." Agad naman akong sumunod sa sinabi ni papa.

"May mahalagang sasabihin sa iyo si Mr. Chrade." Agad ko namang binaling ang tingin ko sa papa ni Camille.

"As you can see, magkaiba ang mundo niyo ni Camille. Nasa panig kami ng batas at kayo ay umiwas dito. Ayokong masaktan ang anak ko dahil lang sa kapabayaan mo. Dahil dito---"

Ayoko ng marinig ang susunod na mga sasabihin pa ni Mr. Chrade kaya tumayo na ako at yumuko sa harapan niya.

"Sorry sir. Hindi ko po kayang bitawan ang anak niyo sa mga oras na ito. Hayaan niyo po akong ipakita sa inyo kung gaano ko kamahal ang anak ninyo at kung paano ko siya aalagan." Nakayuko pa rin ako sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam mo na ba ang sasabihin ko hijo? Aba'y ang galing mo naman pala magpredict ng future kung ganon." Napakunot ang noo ko at umayos na ng tayo.

"Ang gusto kong sabihin ay ang ating mga pamilya ang magpapatumba sa kalaban ninyo. Para sa ganon ay wala ng hahadlang sa inyong dalawa." Biglang kumislap ang mga mata ko. Totoo ba ito?

"Pero kapag ang anak ko ay nasaktan, pasensiyahan tayo Jayce. Wala akong ibang gagawin kundi ang ilayo siya sa iyo. Ganoon na rin sa kuya niya. Alam kong may namagitan sa kanila ng ate mo." Mukhang hindi ka nga makakatago ng sikreto kay Mr. Chrade.

"Opo sir, hinding-hindi ko po pababayaan ang anak ninyo."

"Mabuti iyon. Ikaw na ang bahala sa kanya."

"Yes sir." Tumlikod na ito sa amin ni papa.

"Sa susunod na natin pag-usapan ang kasal ng mga panganay nating anak Richard."

What?! Kasal?! Nina Kuya Kerwin at Ate?!

"Sige Geffrey. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo."

Umalis na ng bahay si Mr. Chrade at kasabay ng pag-alis niya ang pagpasok ni Ate Diana sa library.

"Daddy, you need to explain that fcking marriage!"

-End of Chapter 33-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now