Chapter 13: Spin the Bottle

8.6K 245 0
                                    

Camille's POV

Nagising ako sa isang unafamiliar na kwarto. Tinignan ko ang paligid ko at inaalala ang mga nangyari bago ako nakatulog.

Sa pagkakaalala ko magkasama kami ni Jayce papunta sa bar ni Young. Ibig sabihin malaki ang chance na nasa kwarto ako ni Jayce.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita ko na 9:30 pa lang ng gabi. Gaano ako kahaba natulog??

May naririnig akong ingay sa may baba nitong building na ito kaya napagpasyahan kong bumaba para makita kung ano ang nangyayari.

Pagkababa ko nakita ko ang buong Crows pati na rin si bespren na nagiinuman.

"Huy Camille! Join ka na sa amin!" mukhang hindi pa tinatamaan ng alak si Paul dahil diretso pa sa magsalita.

Nakita ko ang pwesto nila. Bale nakapalibot sila sa mesa at may mga pagkain at alak sa gitna. Parang may nilalaro sila dahil may bote silang iniikot.

Tumabi ako kay bespren Bridget at tumingin siya sa akin. "Umiinom ka nito?" sabay taas niya ng isang bote ng alak.

"Hindi pa pero patikim nga." sabay hablot ko sa boteng hawak niya at ininom ko lahat yun.

Ang asim?! Ganito ba talaga ang lasa ng alak? Maasim pero masarap din pala.

"Kasama na si Camille sa laro ah!" si Khyel yan. Kung titignan mo sila ngayon medyo matino pa sila at parang ready pa makipag inuman.

Iniikot na nila yung bote at tumapat kay Khyel. Hindi ko alam ang gagawin kaya hinihintay ko lang sila.

"Okay ganito ang rules Camille. Kapag magtatanong dapat sagutin mo kung hindi ko sasagutin iinumin mo ang isang bote ng alak."-John

Okay. Kinakabahan tuloy ako dahil hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko kapag nalasing ako. Pero ang kj ko naman kung hindi ako sasali kaya bahala na.

"Sige game." Challenge Accepted

"Dahil kay Reveck tumapat sinong gustong magtanong?" tinaas ko naman ang kamay dahil sobrang curious na ako.

"Hoy! Ano bang nararamdaman mo sa bespren ko?" Diretsong tanong ko kay Khyel.

Kinuha ni Khyel yung bote sa gitna at nilaklak yun. Torpe Alert!

"Ganyan ka na pala Reveck! Ang torpe mo naman." pag-aasar ni Joules sa kanya.

"Tuloy lang sa laro." Nainip na siguro si Ronn kaya siya na ang nagikot ng bote. Unlucky sa akin tumapat yung bote.

Bago pa sila nagtanong kinuha ko na yung bote sa gitna dahil in case na hindi ko masagot yung tanong nila may maiinom agad ako.

"Ako na magtatanong." Nag-volunteer na si bespren na magtanong. "Huy wag mahirap bespren." Bulong ko sa kanya dahil kinakabahan na ako sa kung anong pwede niyang itanong.

"Wag kang mag-alala bespren, I got this." Mas lalo pa akong kinabahan ng tumawa si bespren after niyang magsalita.

"Ito yung tanong ko. Meron ka na bang gusto ngayon? Yung parang nabihag niya ang puso mo."

Ang cheesy ni bespren ah! Nabihag ang puso keme pa ang sinabi.

Napaisip ako sa tanong niya nakita ko naman na naghihintay sila ng sagot ko maliban dun sa kanina pang walang pake sa amin na si Jayce.

"Meron na." Yun lang ang sinagot ko dahil yun lang naman ang tanong niya.

"Sino bespren? Bakit hindi ko alam yan. Ang daya mo naman!" Sabi na eh. Mangungulit itong si bespren.

"Mamaya na Manager. Kapag turn niya na ulit dun mo tanungin."sabi ni Young kay bespren.

"Tama ka diyan Rhode. Akalain mo yun may utak ka pala." Hindi na lang pinansin ni Young yung sinabi ni bespren kahit tumatawa na ang ibang Crows.

*Fast Forward*

Naka-ilang bote na ba ako? Nararamdaman ko na rin ang tama ng alak. Umiinom ako habang naglalaro kami kaya tinamaan na ako.

~|~|~
Jayce's POV

Sa totoo lanh umaasa na akong sana ako yung gusto no Camille ngayon. Wala namang masama dun diba.

Nakita kong parang tinatamaan na siya ng alak. Pero tuloy pa rin siya sa pag-inom. Iba talaga itong babaeng ito.

Nagpatuloy naman sila sa paglaro habang ako tinitignan lang si Camille.

"Huy buddy, matunaw yan si Camille." napansin na rin siguro ni Khyel na nakatingin ako kay Camille.

"Mawalan ka ng forever kapag yan natunaw." Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagtingin kay Camille.

Tunapat ulit kay Camille ang bote. At tinaas naman ni Khyel ang kamay niya.

"Sino yung gusto mo ngayon Camille?" Yung mga tulog kanina, nagising dahil sa tanong ni Khyel. Tang*na! Ganun ba nila gusto malaman kung sino ang gusto ni Camille ngayon.

Dahil may tama na rin si Camille tumawa muna siya bago siya sumagot.

"Yung gushto ko *hik* ngayon? Yung *hik* ano, yung ano *hik* yung narinig kong *hik* kumakanta. Ang *hik* ganda ng *hik* boses niya. Nakaka *hik* inlove."

Parang bang na-trigger akong hanapin yung lalaking yun at patayin siya at sabihing 'Gago ka! Inagaw mo sa akin si Camille.'

Lahat ng Crows nakatingin sa akin.

"What's your problem idiots?" nagpipigil sila ng tawa kaya napatayo ako sa upuan ko para sana makauwi na.

"Pero alam niyo *hik* ba kung sinong *hik* tinitibok ng *hik* puso ko ngayon?" Napatingin naman ang lahat kay Camille. Ibig sabihin hindi pa siya tapos sa sinasabi niya kanina.

Lahat naghihintay ng sagot niya pero napansin naming nakatulog na siya. Putang*na! Bwisit! Gusto ko siyang tanungin pero masyado na ring gabi kaya tinigil na ang laro at nagkanya kanyang uwi na.

Ihahatid ko na sana siya sa condo niya. Pero naalala ko na naka-bike lang pala kami nung pumunta kami dito. Shit!

"Buddy!" Pagtawag pansin ni Khyel sa akin.

Binato niya sa akin ang susi ng kotse niya.

"Dito na lang ako matutulog. Ihatid mo na yang si Camille." Nagpasalamat na lang ako kay Khyel at akmang aalis na ako pero nagsalita pa si Manager.

"Hoy *hik* Captain! Kung may *hik* mangyayari man *hik* sa inyo ni bespren *hik*, galingan mo!"

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Manager pero alam ko sa sarili ko na maaga pa para duon.

Hinatid ko na si Camille. Pagdating namin dun sa unit niya inihiga kobna siya sa kama niya. Hinalikan ko na siya sa noo niya. "Good night Camille."

Umalis na ako sa condo niya. Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi niya hindi ko alam kung paano siya ia-approach bukas.

-End of Chapter 13-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now