Chapter 4: Unexpected Meeting

10.8K 312 9
                                    

Camille's POV

Patalon-talon akong pumunta sa classroom habang nakikinig ng kanta. Napansin ko agad si Bridget at ang kanyang mga dark circles sa ilalim ng mata niya.

"Good Morning Bridget!"

Kinawayan niya lang ako. At sinubsob ang ulo niya sa desk.

Ano bang problema nitong babaitang to?!

~|~|~
Bridget's POV

Maaga akong pumasom ngayon sa school dahil kailangan ko talaga.

Pumunta na ako sa Headquarters ng basketball team, pero phota ano ang nakita ko dun.... si Khyel!

Si Khyel lang naman mga kaibigan. At hindi lang si Khyel ang nakita ko, nakita kong may kasama siyang babae!

Oo! Grabe lang kasi! Ang harot harot! Ang lantong bwisit!

Nakita niya ako pero nagpanggap akong hindi ko siya nakita at naglakad na ako papunta sa classroom.

Sinubsob ko ang mukha ko at nagsimulang timulo ang mga luha ko.

~|~|~
Camille's POV

Hindi ko muna papansinin si Bridget baka kasi may problema.

Natapos ang maghapon ng walang pansinan between sa amin ni Bridget at walang nagparamdam na kahit isa sa basketball team.

Hindi na ako nagpaalam kay Bridget na aalis na ako ng classroom.

Tumatakbo na ako papunta sa gym dahil anlayo ng room namin sa gym.

Habang tumatakbo ako biglang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko yun, pero mukhang minamalas ako ngayon dahil may nakabangga akong lalaki at natumba kaming parehas.

Nakita ko yung mukha niya. Gwapo siya.

Tumayo na siya at naglakad na papalayo sa akin.

Aba! Pagtayo ko binato ko yung cellphone ko sa kanya at dahil sobrang galing ko sa mga bagay na kailangan ng sharp shooting ayun tinamaan siya. Kaso sa likod lang.

"What's your problem?" Pa-cool niyang sabi sakin. Yung kaninang sinabi kong gwapo siya, binabawi ko na yun.

"YOU! You're my problem!" Tinuro ko pa siya niyan ah!

"What did I do?"

Maang-maangan pa siya ah!

"Hindi mo ba alam yung dapat kong gawin kapag may babaeng nahulog? Tulungan mo siyang makatayo!"

Lumapit siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pagtapos niya akong tingnan mas nilapit pa niya yung sarili niya sa akin.How dare you!!

"Kapag ba nahulog yung lalaki dahil sa babae pero ang dahilan ng pagkahulog niya ay gayuma. Tapos nalaman ng lalaki na ginayuma lang siya. Sa tingin mo magugustuhan ng lalaki yung ginawa nung babae?"

After niyang sabihin yun, tumalikod na siya at naglakad na papalayo.

Speechless! Yun talaga! Wala na akong masabi sa mga sinabi niya.

Hindi ko namalayan na malapit na mag-start yung try-out para sa bagong member ng volleyball club.

OMG! Yun palang nag text.

Kinuha ko yung phone ko at nakita ko ang text ni Bridget.

From: Bespwen Bridget

Bespwen sorry at hindi kita pinansin ngayong araw. Ikwento ko na lang bukas.

Buti naman at nag-sorry na siya dahil hindi ko na siya bespren kung pina-abot niya pa ito bukas.

*****Gym

Hinihintay na lang naming mga nag try out ang results. Buti na lang at nakahabol pa ako.

Kasalanan 'to lahat ng kupal na lalaking yun eh!

"Lahat ng tatawagin ko ay pasok sa aming team."

Nagulat ang lahat dahil ibig sabihin ng sinabi ng Coach ay higit pa sa isa ang makakapasok.

"Lopez, Vici, Chrade, Hill at Manuel. Congratulations pasok kayo sa aming team. Bukas pumunta ulit kayo dito para makapag practice na kayo."

OMG! Nakapasok ako! Yehey! Dream come true na!!

-End of Chapter 4-

Yes! End na po ng story. Dream come true na eh! De joke lang.

Please leave a like and your comment.

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now