Chapter 21: Divulge II / Diana Jane

6K 170 0
                                    

Diana's POV

Annyeong everyone! My name is Diana Jane Carter ang nakakatandang kapatid ni Jayce Drew Carter. Well, hindi dapat talaga ako uuwi ng pinas kung hindi ko malalaman na umatake ang mga kalaban ni papa, well namin na rin dahil magkakapamilya kami.

Noon ko pa talaga alam ang tungkol dito. Ang tungkol sa mundong pinasok namin at ang panganib na dala ng mundong ito. Bago ako umalis ng pinas para makapag-aral sa states ay trinain na ako ni papa. Hindi ito alam ni Jayce. Bilang ate niya, ayoko sanang maging mafia siya pero huli na ang lahat.

Bumalik si Jayce dito at hiniram ang kotse ko. Nandito pa rin kami ng papa ko sa library dahil may gusto siyang sabihin sa akin.

"Diana anak. Nakapili ka na ba?" Pinapili na ako ni papa kung ipupursue ko bang maging isang doctor o itetake over ko ang kumpanyang tinayo niya

"Hindi pa po. Sorry." Actually nakapagdesisyon na ako pero aayusin ko muna ang lahat bago ko ito sabihin kay papa.

~|~|~
Camille's POV

Pumunta ako sa mall pero pakiramdam ko may mga sumusunod sa akin. Nagtingin-tingin pa rin ako ng pwede kong gift kay sweetheart. Pero hindi pa rin ako mapalagay dahil may mga sumusunod sa akin at wala pa rin siyang text or tawag sa akin kaya umuwi na lang ako.

Naiiyak na ako dahil sa pag-aalala kay Jayce. Tanghali na at hindi pa rin siya tumatawag o mag text man lang. Ilanh beses ko na siyang kinocontact pero wala pa rin.

Biglang tumunog ang doorbell at dali-dali ko itong binuksan. Nakita kong nakatayo doon si Jayce at niyakap ko agad siya. "Ano bang ginawa mo kanina at hindi kita macontact?" Humarap na ako sa kanya at hahalikan ko na sana siya ng napansin kong may cut siya sa gilid ng labi niya.

"Napano yan?" Pagalit kong tanong sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok sa loob ng condo ko at umupo sa couch.

"Wala to. Wag mo itong intindihin."

"Bahala ka. Basta alam mo namang pinagkakatiwalaan kita."

Kukunin ko na sana yung first aid pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Wait lang sweetheart. May mahalaga akong itatanong sayo." Tinignan ko siya sa mata niya at nakita kong seryoso siya.

Umupo na lang ulit ako sa tabi niya at humarap sa kanya. Nakatitig lang kami sa isa't isa ng mga ilang segundo bago siya nagsalita.

"Totoo ba? Totoo bang anak ka ng may-ari ng Crystal Academy?" Nagulat ako sa tanong niya. Pa-paano niya nalaman ang school ni mama? Akala ko ba tinago na ni papa lahat.

"Totoo bang anak ka ng may-ari ng Chrade Group of Companies?" Pinapakinggan ko lang siya. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko alam kung sasabihin ko na ba ang totoo sa kanya.

Nanatili lang kaming tahimik. Binabalanse ko pa ang magiging reaction niya kung sasabihin ko na ang totoo.

"Sweetheart, I'm sorry." Yan na lang ang nasabi ko sa kanya.

"So totoo nga?" Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi?" Tumingin na ako sa kanya.

"Dahil baka hindi mo ako tanggapin." Alam ko ang lame ng reason ko. Pero yun lang ang naisip kong pwedeng irason.

"Mas tatanggapin nga kita eh. Siyempre mapapakinabangan kita dahil mayaman ka." Nagulat ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya ng nagtataka.

"W-w-what did you s-say?" Ayan na yung mga luha kong pinipigilan kong tumulo.

"Kapag mayaman ka edi marami kang---" hindi ko na siya pinatapos at sinampal ko na siya. Akala ko pa naman siya na ang lalaking hinahanap ko. Hindi pala.

"Get out." Hindi ma siya nagdalawang isip na lumabas ng condo ko. Gago ka Jayce. Akala ko iba ka sa mga nanligaw sa akin nung nasa Crystal Academy pa ako, isa ka lang rin pala sa kanila.

-End of Chapter 21-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now