Chapter 42: Happiness is not forever

4.7K 102 3
                                    

Camille's POV

Kararating ko lang dito sa bahay galing sa celebration namin ng Monthsary ni Jayce. Agad akong pinapunta ni Dad sa office niya dahil may mahalaga siyang sasabihin.

"How's your trip Princess?" Agad niyang tanong sa akin ng makaupo kami sa aming upuan.

"Na-enjoy ko dad. Thank you sa pag-allow sa akin na pumunta ng Maldives." Ngumiti sa akin si dad at may kinuha siya sa drawer niya.

Isa itong registration form ng isang school sa.....

"Dad bakit may registration form ka from one of the schools sa U.S?" Kinuba ko ito sa kanya at binasa ko ang school na nanduon. Wow! Kent State University.

"Because matatapos ka na sa high school mo, naghanap na ako ng school for fashion designing sa U.S. that school is--"

"One of the top 20 school in U.S." Nasa papel pa rin ang tingin ko ay napakalaki na ng ngiti ko sa labi.

"Jan ka mag-aaral sa college mo. Siyempre you need to live in U.S." Biglang napawi ang mga ngiti ko sa fact na sinabi ni papa. Naalala ko bigla si Jayce.

"I think you and Jayce should talk first." Tumango ako sa kanya at ibinalik sa kanya ang registration form. Nagpaalam na ako kay papa na babalik na ako sa kwarto ko para makapag-pahinga na.

Kinuha ko agad ang phone ko at dinial ang number ni Jayce pero busy. Mas lalo akong nalungkot. Totoo nga ang sinabi nila na sa bawat saya na mararamdaman may kapalit agad na lungkot.

~|~|~
Jayce's POV

"Yes sir. I'll be there in 5 minutes." Matapos kong ibaba ang tawag ay umalis agad ako sa bahay.

Nakarating agad ako sa bahay ng pinakamamahal kong babae at agaf akong dumeretso sa opisina ni Mr. Chrade.

"Good Evening sir." Agad kong bati sa kanya pagkapasok ko sa opisina niya.

Pinaupo niya agad ako. "Hijo, may gusto akong i-offer sa iyo."

Tumayo siya at lumapit sa akin. "Kapag napatumba na natin ang inyong mga kalaban ay mag tetrain ka sa with my agents." Hindi pa rin ako nagsasalita at hinihintay ang mga susunod pa niyang mga sasabihin. Pero maganda ang binibigay niyang offer, not bad.

"Pero kailangan mo munang malayo sa anak ko." Napatingin ako bigla sa kanya at nakita ko kung paano niya salubungin ang mga tingin ko.

"Pupunta siya ng U.S. at dun mag-aaral ng college." Hindi ko inaasahan ito. Ang pagitnaan kami ng pangarap niya at ang offer ni Mr. Chrade.

"Nakita ko ang pag-iba ng mukha ng anak ko kanina ng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa bagay na kailangan niyang tumira sa U.S. at ayokong ikaw ang maging dahilan para bitawan niya ang kanyang pangarap." Ayokong bitawan ni sweetheart ang mga pangarap niya ng dahil sa akin lang pero ayoko rin namang malayo siya sa akin ng matagal. Hindi ko alam kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag wala ako sa tabi niya.

"Here's the deal. If you let Camille go to U.S. then you'll start your training and when she came back...."

-End of Chapter 42-

Patapos na po yung story. Last 2 chapters na lang. Sorry kung lame yung ending. Triny ko talagang gandahan yung ending.

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon