Chapter 17: My Suitor

8.1K 204 0
                                    

Camille's POV

2 weeks ng ganito si Jayce. Sobrang sweet niya sa akin. Tinotoo niya yung sinabi niya na liligawan niya ako. Bale sa loob ng 2 weeks na iyon mas lalo ko pa siyang minahal. Araw araw niya akonv binibigyan ng bulaklak. Isang orange at isang red rose. Tinanong ko sa kanya kung anong ibig sabihin nung orange rose pero ngiti ang sinagot sa akin.

Hatid sundo rin siya araw araw, hinihintay niyang matapos ang practice ko para sabay kaming umuwi.

Naglalakad na ako papuntang school ng walang kasama. Oo, hindi ako hinatid ngayon ni Jayce. Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Ang biglaan niyang pag-iwas dahil ako itong si pakipot at mas pinapatagal ang panliligaw niya sa akin.

Pagkapasok ko ng school may isang red carpet ang nakalatag. Tinignan ko lang ito at dumaan sa gilid dahil malay ko ba kung may bisita pala ang school ngayon kaya may paganto-gantong nalalaman.

~|~|~
Jayce's POV

Flashback (The night before)

"Captain bakit mo kami pinapunta dito ng 6:00 ng gabi?" tanong sa akin ni Hunter.

"Do you have a fcking problem Hunter?" para naman siyang nabuhayan ng dugo dahil sa sinabi ko.

"Ano ba yun buddy?" tinabihan ako ni Reveck.

"Alam niyo naman na nililigawan ko si Camille. Gusto kong sanang..... s-sumagot na s-siya sa a-akin. Help Me."

Tinignan ko sila at sobrang seryoso nila. Nag-iisip na agad ng pwedeng plano.

"Kantahan mo kaya Captain?" opinyon ni Beech.

"Too common."

"Ano bang binibigay mo sa kanya Captain? Yung araw-araw mong bimibigay sa kanya. Nanliligaw ka naman kaya alam kong may paganyan ka." tanong naman sa akin ni Johnson. Easy Question.

"Orange Rose, it symbolizes that she js my first love and my forever. And Red Rose of course."

Nag-snap ng kamay si Johnson na parang may naisip na magandang plano.

"Bakit hindi mo kaya bigyan ng maraming orange roses si Camille. Yung iba't ibang tao dito sa campus bibigyan natin nun tapos sasabihin natin na ibigay kay Camille."

Napaisip ako sa sinabi ni Johnson. Maganda siya pero...."Johnson, It's also too common."

Lahat sila nagtawanan. "Tilted ka dun Johnson ah!"...."Wawa ka naman Johnson. Rejected!"...."Tang*na niyo buti ako may suggestion na kayo?"-Johnson.

"Shut the fck up Morons!" Agad naman silang tumahimik. Ang ayaw ko sa lahat ay kapag seryoso ako at sila ay nagtatawanan lang.

"Alam ko na buddy." sabay lagay ni Reveck sa balikat ko ang kamay niya.

"Paghahalu-haluin ko lang yung mga idea kanina at idea ko." Hinihintay ko lang ang sasabihin niya.

"Ganito buddy. Bukas ng umaga may red carpet jan at..."

End of Flashback

Nandito na ako sa rooftop. Dito ang idea ni buddy at nagustuhan ko kaya sinusunod ko na lang siya.

May hawak akong gitara ngayon dahil tutugtog ako malamang alangan namang ihampas-hampas ko 'to.

Sinabihan na rin namin si Manager tungkol dito para naman maging maayos ang kinalalabasan nito.

~|~|~
Bridget's POV

Oh. My. Fckin. Gosh. Late na ako mga bes! Magagalit sa akin si Captain kapag lahat nawala sa plano dahil lang na late ako.

Saktong pagdating ko ay ang pagpasok ni Camille sa loob ng school. Agad ko naman siyang tinabihan. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi niya pinansin ang red carpet na nilatag ni Captain para sa kanya.

"Huy bespren! Good Morning! Bakit nakasimangot ka ang aga aga?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya.

"Kasi si ano eh.... si ano hindi ako sinundo sa condo!" Haha! Kung alam mo lang bespren!

"Si Captain? Hayaan mo na. Ay bespren alam mo naman ang papunta sa rooftop diba?"

Pagibang topic ko. Baka mamaya biglang pumutok ito dahil sa galit.

"Bakit bespren?" pagtatakang tanong niya sa akin. "Hinahanap ka nung teacher natin sa Music. Punta ka daw dun. Ewan ko ba kung bakit." Tinaasan niya ako ng kilay. Ang hirap naman iuto itong si Camille oh!

"Hindi na kita sasamahan. Mauna ka na dun. Naghihintay yun sayo." Hay! Bahala na kung maniwala siya sa akin o hindi.

Mukhang wala siyang nagawa at pumunta sa rooftop. At nasa red carpet na rin siya. Yatta! Panahon na para itext si Reveck. "Hoy. Tan**na mo! Papunta na jan si bespren." Text ko kay Reveck. Alam ko ang lakas ko magmura at wala kayong magagawa jan.

-End of Chapter 17-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now