Chapter 28: Ipagpatuloy

6.3K 153 3
                                    

Camille's POV

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil biglang napauwang ang kanyang labi. Natatawa ako sa reaksyon niya ngayon.

"Huy! Okay ka lang?" Natatawang sabi ko sa kanya.

Mukhang hindi niya ako pinansin at bigla na lang niya ako hinalikan. Sino ba ako para hindi gumanti sa halik na binibigay niya? Binigyan niya ako ng not-so-long kiss. Nakadikit pa rin ang aming noo.

"I love you sweetheart." Nakangiti na ito nang sabihin ang mga salitang iyon at nakita ko pa ang pagtulo ng luha nito.

Pinunasan ko muna ito gamit ang thumb ko at inilagay ko ang mga palad ko sa mga pisngi niya.

"Sorry." Iyon lamang ang nasabi ko sa kanya.

"I don't accept your apology dahil wala ka naman talagang kasalanan."

"I love you sweetheart." sabi nito sa akin.

"I love you too sweetheart." sagot ko sa kanya.

Lumabas na kami ng headquarters at saktong nandito si bespren.

"G-good morning Captain." nahihiyang bati nito kay Jayce.

"Good Morning Bridget, what can I do for you?" Nakataas na kilay na tanong ni Jayce.

"Is it about Reveck?" Biglang naningkit ang mga mata ni Bridget. Gusto kong matawa sa reaction ni Bridget.

"Hindi Captain! Bakit ko naman yun hahanapin? Wala akong pake dun Captain." Sunod sunod na sabi niya. Natatawa na ako kaya hindi ko na napigilan.

"Then, what is it?" Nakangiting tanong ni Jayce. Feeling ko may alam ito sa nararamdaman ni Reveck at ni Bridget.

"Bakit ang buong Crows wala ngayon, even Khyel?" Biglang natigilan kaming dalawa sa tanong niya.

"Nag-inuman kami kagabi. Nasa bahay ko sila." Mukhang satisfied na ito sa sagot ni Jayce.

"Sige pala Captain. Salamat." Tumalikod na ito sa amin at naglakad na palayo.

"Alam mo sweetheart, buti na lang hindi tayo ganyan." Napatingin ako sa sinabi niya.

"Naghihintayan." Sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin.

"Halika na. Punta na tayo sa room natin." Hinawakan na niya ang kamay ko kaya nagsimula na kaming maglakad.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad kami pero wala kaming pake kung anong klaseng mga tingin ang binibigay nila sa akin.

Malapit na kami sa room kaya huminto muna kami sa paglalakad at humarap sa isa't isa.

"Sweetheart. May bago ka daw kaklase?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Bakit mo natanong? Pero meron sweetheart."

"Sweetheart, wag mo siyang lapitan ah." Sabay halik sa mga kamay ko. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jayce.

"Si Kyle? Mabait siya sweetheart."

"Kailan kayo nagkakilala?" Biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Since nung lumipat siya dito. Yun yung the day after nung sa condo."

"Basta sweetheart wag ka ng lumapit sa kanya ah." Dahil ayokong mag-away nanaman kami dahil sa bagay lang na yan, tumango na lang ako sa kanya.

Nagsimula muli kaming maglakad at pinapasok na niya ako sa classroom ko. Walang teacher sa amin kaya medyo maingay ang klase.

"See you later." Hinalikan niya lang ako sa noo at pumunta na rin siya sa klase niya.

"Yiiiiiieeeee!" Ayan nanaman ang mga kantsaw sa akin ng mga kaklase ko.

"Ikaw ah! May Kyle ka na nga tapos may Captain ka pa." sabi sa akin ng isa kong kaklase.

"Sus! Magkaibigan lang kami ni Kyle." sabi ko sa kanya kasi totoo namang magkaibigan lang kami.

"Eh kayo ni Jayce?" Bigla akong natigilan sa tanong niya. Ayoko namang sumagot sa tanong niya dahil..... Ughhh! Ewan!

"Hay nako bespren. Purket may Jayce ka na, kakalimutan mo na ako." Gaga talaga itong bestfriend ko.

Hinug ko na lang ang bestfriend ko. "Bespren. Bakit mo pala natanong yung biglaang pag-absent ng Crows?"

Kumawala muna siya sa pagkakayakap. "As their manager, dapat alam ko kung bakit sila absent. Baka yun pala tumatakas sila sa mga training nila."

Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. "Sus! In general mo pang tinanong. Alam ko namang si Khyel lang ang hinahanap mo eh."

Bigla kaming nabawiklas ng biglang pumasok ang aming adviser.

"Good Morning." sabi nito habang naglalakad papunta sa table sa harapan.

"Good Morning Mam." Ganting pagbati namin sa kanya.

"Dahil malapit na ang inyong intramurals, may mga estudyante ng magtatanong kung anong activities ang sasalihan ninyo. So I want you to be active this coming intramurals. Is thay clear?"

"Yes Mam!"

"And about the booths...." biglang na-excite ang mga kaklase ko dahil may mga pabooths pang nalalaman.

"Ang sa inyo ay marriage booth. So mag usap-usap na kayo. Okay?"

"Yes mam!" Ayan na ang mga babaeng nagdadasal na sana'y maikasal siya sa kanyang sinisinta (Author: Yuck!)

Umalis na si Mam sa room namin dahil may susunod pa daw itong klase.

Biglang tumayo ang aming class president at kinuha ang aming atensyon. Pinag-usapan namin ang mga dapat gawin sa marriage booth. Mabuti na lang ay nakikinig ang lahat maliban sa taong ito na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.

"Kyle! Wake up!" tawag ni president lay Kyle. Agad naman niyang iniangat ang kanyang ulo.

"What?" Walang gana niyang tanong.

"Okay ka na ba dito?" At pinakita ang mga nakasulat sa board. Naka sulat dito ang lahat ng mga pinag-usapan namin.

"Kayo na bahala. Kasi alam ko namang magiging maganda ang kinalalabasan niyan." Sagot niya at lahat kami ay natulala sa sagot niya. Kailan lang niya kami nakilala tapos ibibigay na niya ang tiwala niya sa amin.

"Lalo na kay Camille. Alam kong maganda ang kakalabasan ng booth natin kung siya ang maglilead sa atin." Lahat naman napatingin sa akin. Lahat sila nagulat maski ako. I was like WTF!

"Yieee!" Ayan nanaman ang mga kantsaw nila sa amin ni Kyle. Ngumiti na lang ako sa kanila.

"Okay! Listen! Camille ikaw na lang dito. Baka tumulong sa atin si Kyle kapag ikaw ang nandidito." Napatingin lahat kay president.

"Mr.President ikaw na lang. Hayaan mo na kung---"

Hinila na nila ako sa harap at ibinigay na ang whiteboard marker. Wala na akong magagawa.

-End of Chapter 28-

Hayst! Sorry po kung ngayon lang po ulit ako nakapag-ud. Mag expect po kayo na ganito na yung ud ko.

Thank you po sa mga nagbabasa pa rin ng If I Win, You're Mine. Keep on voting guys! Arigato!

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now