Chapter 31: Kerwin Victor

5.1K 144 4
                                    

Camille's POV

"Sweetheart gising na." Nararamdaman ko ang mga halik sa aking pisngi kaya nagising na ako.

Nandito ako ngayon sa condo ko kasama si Jayce. Ops! Walang nangyari sa amin. Actually sa sofa sa living room siya natulog.

Matapos niya kasi akong ihatid dahil lasing na lasing ako at dahil gabing gabi na dito ko na siya pinatulog.

"Sweetheart. Pahinging tubig." sabi ko sa kanya nang makaupo ako. Sobrang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak ito.

Bumalik siya sa kwarto ko ng may dala ng isang basong tubig. Agad ko naman ito kinuha at humiga ulit.

"Sweetheart. Okay ka lang?" Umiling ako sa kanya dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

"Sige. Matulog ka muna jan. Magluluto muna ako ng breakfast natin." Tumango na lang ako sa kanya. Naramdaman ko namang lumabas na ito ng kwarto ko kaya natulog ulit ako.

Nagising ako at agad na tumingin sa wall clock na nasa loob ng kwarto ko. Tanghali na pala, napahaba yata ang tulog ko.

Narinig kong parang may nagtatawanan sa sala kaya agad akong tumayo at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto.

Sobra ang pagkagulat ko sa kung ano ang nakita ko rito. Hindi pala ano, kundi sino.

"Good Morning Princess." Agad niya akong nilapitan at niyakap. Namiss ko ang mga yakap na iyon. 5 years din kaming hindi nagkita.

"I miss you Kuya." sabi ko habang nakasuksok ang ulo ko sa dibdib niya. Naiiyak na rin ako dahil ilang taon na talaga kami hindi nagkikita.

Matapos ang yakapan session namin dun ay doon ko lang naramdaman ang presensiya ni Jayce.

"Kuya si--"

"Yes si Jayce yan. Nagkakilala na kami." Natigilan ako sa sinabi ni Kuya. Ayoko niya nga na may mga lalaking umaaligid sa akin.

"Kuya kung---"

"Alam ko ring nakitulog lang siya dito. Huwag kang mag-alala Princess."

Mukhang maayos naman ang pagkakakilala ni Jayce sa kuya ko dahil walang tensyon na bumabalot sa amin ngayon.

Si Kerwin Victor Chrade ang gwapo kong kuya. Nag-aral siya sa u.s. pero kahit tapos na siyang mag-aral ay hindi pa rin ito umuuwi dahil gusto niyang duon na lang magtrabaho. Hindi naman ito tinutulan nina mama at papa pero nakakamiss lang kasi talaga siya.

"Do you want to go somewhere? Yung mag-eenjoy ka?" Tanong nito sa akin.

"Gusto ko sana kuya magliwaliw. Punta tayong mall maglaro ng arcade ganun." Sagot ko sa kanya.

"Sige, maligo ka na para makadami ka ng laro." Agad naman akong tumakbo para makapag-shower at makaalis na kami dito sa condo ko ng pumasok sa isip ko si Jayce.

Bumalik muli ako sa sala at nakita kong mukhang malalim ang pinag-uusapan nila pero wala akong pake kung ano man iyon kaya kinuha ko agad ang atensyon ni Jayce.

"Sweetheart. Sumama ka sa amin ah! Magpadala ka na lang ng damit mo tapos dito ka na lang rin maligo." sabi ko dito. Para naman mag get to know each other sila ni Kuya.

"Huwag kang mag-alala Sweetheart on the way na yung damit ko. Gusto mo sabay pa tayong maligo." sabay tawa silang dalawa ni Kuya. Aba! Mukhang sila pa ang magkapatid ngayon!

"Hoy! Maligo ka na Princess. Bilisan ang pagkilos jusko!"

"Opo!" Mabagal kasi talaga ako kumilos at alam kong wala kayong pake duon.

~|~|~
Kerwin's POV

Hello Guys! Kerwin Victor nga pala kuya ni Camille. Nag-aral at nag-stay ako sa U.S. ng ilang taon.

Malamang sa malamang minumura na ako ngayon dahil bakit pa ako umalis duon kung maayos naman na ang buhay ko dun at kung ano ano pa.

Ang goal ko kaya bumalik ako dito ay iyon sa isang schoolmate ko dun sa U.S. sinabi niya kasi na uuwi siya dito kaya pupuntahan ko. Special siyang schoolmate dahil siya ang naging kasa-kasama ko nung bago lang ako sa U.S.

Papunta ako ngayon sa condo ni Camille. Sinabi na nina Mama lahat sakin ang mga pakulo ni Camille.

*ding dong* *ding dong*

Bumukas ang pinto at isang lalaki ang bumungad sa akin.

"Diba ito ang unit ni Camille Chrade?" Pasungit kong tanong dun sa lalaki.

"Oo, anong kailangan mo sa asawa ko?" Aba't sasagot pa ito ah.

"Sino ka ba?" Tanong ko dun sa lalaki. Mukhang mapapa-away ako ng maaga dito ah!

"Jayce Drew Carter. Sino ka rin ba?" Natigilan ako sa narinig ko.

"Bakit natigilan ka? Alam ko ang gwapo ng pangalan katulad ko." Aba pota! Carter, ibig sabihin....

"Kamag-anak mo si Diana?" Napasigaw ako sa tanong ko.

"Pwede ba sir kung sisigaw lang kayo lumayas na kayo dahil tulog pa ang asawa ko. At oo, ate---"

Hindi ko na siya pinatapos. "Kerwin Victor Chrade nga pala. Kuya ni Camille." Nilahad ko ang kamay ko para makipag-shakehands.

Lumaki bigla ang mata niya. Tinanggap niya ang shake hands ko at nakipag bro hug.

"Kuya ikaw pala yan. Sorry kung naging ganun ang pagpapakilala ko sayo." sabi niya sa akin. Agad ko namang sinabi na ok lang.

Nagkakwentuhan kami ni Jayce tungkol sa kanila ni Camille at sa ate niya. Mas mapapabilis ang paghahanap ko kay Diana dahil na rin sa kapatid niya.

"Totoo bang sinugod na kayo?" Gusto ko nang itanong ito sa kanya kanina pa.

Umayos muna siya ng upo bago tumingin ulit sa akin.

"Oo kuya, busy na rin si ate ngayon dahil balak niya atang ituloy ang pagiging tagapagmana. Bakit kuya? Naramdaman mo na rin ba yung nararamdaman ko ngayon?"

"Ang mawala ang taong mahal mo? Kaya ko naman siyang ipagtanggol dahil hawak ko naman ang agents namin pero.... wala ako sa lugar para manghimasok sa buhay niya dahil---"

"Wala na kayo?" Nagulat ako sa sinabi niya. Lahat ata ng nangyari sa U.S. alam niya.

"Hindi naging kami." Yun naman talaga ang totoo. May namagitan pero walang label o kung ano man.

"Ang bagal mo naman pala kumilos kapag---"

"Shut up Jayce!" Natawa na lang kaming dalawa.

Ang daldal pala nitong si Jayce.

-End of Chapter 31-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now