Chapter 8: The Bet

9.2K 274 5
                                    

Camille's POV

"If I win, be my slave for a week."

"Okay."

Yun lang. Okay lang ang sagot niya?

"What if you win?" Siyempre parang unfair kasi para sa kanya kung wala siyang makukuha

Ngumisi ang gago bilang sagot niya sa tanong ko.

"Mamaya ko na pag-iisipan, kapag nanalo ako." Kung titingnan mo siya, hindi mo makikita yung basketball sa kanya.

(After 5 minutes)

10 seconds na lang ang natitira at hawak niya ang bola.

At lamang ako ng isa. Alam kong nakakagulat pero lamang talaga ako.

Nasa three-point line siya at nakatingin sa mga mata ko. Binabasa niya siguro ang susunod kong kilos.

"If I win, you're mine."

WHAT?! Natulala ako sa sinabi niya kaya nakapasok siya. Buti na lang at mabilis akong naka-response at nahabol ko pa siya.

Nang i-shoot niya na ang bola, iba-block ko sana pero huli na ang lahat. Na-shoot niya at nahulog kaming dalawa.

Nasa taas ko siya at nasa ibaba niya ako. AWKWARD!

"Like I said, If I win you're mine." After he said those words he suddenly kiss my lips. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Akala ko mabilisang kiss lang 'to pero naramdaman ko ang unti-unting paggalaw ng kanyang mga labi.

Tinugon ko ang halik na binigay niya. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Naramdaman ko pang ngumiti siya kaya napatigil ako.

Bigla ko siyang tinulak pero malakas siya kaya ayun nasa taas ko pa rin siya.

Naiilang na ako sa posisyon namin. Pero ayun nakangiti pa rin siya sakin at nakatingin sa mga mata ko.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya, para kumonti itong nararamdaman kong ilang sa kanya.

"I can be your slave not just for a week but for a lifetime."

Lumaki bigla yung mga mata ko at tiningnan siya sa mga mata niya. Ano na dapat ang sasabihin ko?!

~|~|~
Bridget's POV

Hinihila pa rin ako ni Khyel.

"Huy! Khyel! Nasasaktan ako!"

Hindi niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa paghila sa akin.

Isinandal niya ako sa wall at inilagay ang kamay niya sa magkabilang side ng mukha ko.

"Ano bang problema mo?"

Nakatingin lang siya sa mga mata ko at makikita mo ang pagiging seryoso niya.

"Hindi mo pa ba napapansin?"

Nagsalita na rin siya sa wakas. Pero hindi ko alam kung ano yung pinagsasasabi niya.

"Ang ano ha?!"

Sinabunutan niya ang buhok niya dahil sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Putang ina! Akala ko alam mo na?! Ganun ka na ba kamanhid?"

Huy! Ang hard naman niya!! Hindi ako manhid dahil mabilis akong makaramdam ng mga nangyayari.

"Ah! So hindi mo nga alam."

Lumapit siya sa akin at konti na lang ang pagitan ng mga labi namin.

"Ngayon alam mo na?"

Hindi ko pa rin maintindihan kung ano yung gusto niyang iparating.

"A-ano b-b-ba i-i-itong gi-gi-ginagawa mo? Tinatawag nila tayong aso't pusa tapos ganito yung ginagawa mo."

"Hindi mo pa rin talaga makuha kung bakit kita inaaway o inaasar kapag nakikita kita. Hindi mo pa rin alam kung bakit ko binabaling ang mga tingin ko sa ibang mga babae."

Iling ang sagot ko sa kanya. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya.

*school bell sound*

Parehas kaming tumingin sa pinto at humiwalay na siya.

"Una na ako Khyel."

Wala na akong ibang gagawin kaya tumakbo na ako sa classroom.

Bakit ba kasi 30 minutes ang break time at hindi ko na atenan yung classes ko before break time!

Oh My Gosh! Babagsak na ako nito!

-End of Chapter 8-

Natapos ko itong chapter na ito after kong mag post test. I feel so proud.

Please follow me ->

And please leave a like and if you have any questions sabihin niyo lang.

HAVE A NICE DAY GUYS!!

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now