Chapter 37: Revelation

5K 113 10
                                    

Ang mga susunod na pangyayari ay tungkol kina Kerwin at Diana.

****
Camille's POV

Lumabas na ako ng locker room ng Crows at pinuntahan ko naman ang Tigers na nasa gym pa rin.

"Oh Camille! Buti naisip mong bumalik." sabi agad sa akin ni Kuya Pao.

"Siyempre ako pa ba Kuya Pao."

"Mukhang may dapat kang kausapin ngayon." tinuro ni Kuya Je yung nasa likod ko. Alam ko namang si Jayce yun at wala akong balak pang lingunin siya.

"Hayaan mo lang siya Kuya Je. Nag-usap na kami niyan kanina." pag-aassure ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paglapit ni Jayce at ang pag-akbay niya sa akin. Tumango lang ito sa mga Tigers at ganun din ang ginawa ng mga tigers sa kanya.

"Pwede ko bang hiramin si sweetheart?" sinikuan ko siya dahil sa pagtawag sa akin na sweetheart sa harap ng Tigers.

"Sus! Sayo naman na yan hindi mo kailangang hiramin. Go." Agad naman akong hinila ni Jayce papuntang parking lot at isinakay sa kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" Agad kong tanong sa kanya ng mabuksan niya na ang engine ng kotse.

"Iuuwi na kita sabi ni Kuya mo. At kaming dalawa ang may lakad." agad niyang sabi at pinaharurot na ang kotse.

~│~│~

Diana's POV

Nandito ako ngayon nag-dadrive papuntang mall. Sobrang boring na sa bahay at puro kalaban namin ang pinag-uusapan.

Walang roof ang sasakyan ko kaya medyo nabubuhol na ang buhok ko dahil sa hangin. Bigla na lang akong may naramdaman na tumusok sa leeg ko at duon na nagdilim ang paningin ko.

"Pinasabog niyo? Mabuti naman.... Sige na gawin niyo na ang trabaho niyo." Narinig ko ang mga linyang niyan sa isang matandang lalaki.

"Mukhang gising na ang prinsesa ng mga Carter."

Agad kong tinignan ang mukha niya at ito siguro ang tatay nung boss nilang napatay na namin.

"Kailangan mo?" Walang respeto kong tanong sa kanya. Kailangan mo bang respetuhin ang taong maari kang patayin ngayong oras na ito.

"Hindi mo alam kung anong kailangan ko? Wow!" Patawa pa niyang sinabi yan sa akin.

"Malamang! Magtatanong ba ako kung alam ko? Wow talaga." Mukhang napikon ang gago at sinampal ako bigla kaya nagdura ako ng dugo.

Ngayon ko lang napansin na nakatali pala ako sa isang upuan at madaming mga lalaki dito sa kwarto. Ang old school naman ng mga ito, hindi na lang sa iba ako pinaupo yung product na ng technology.

"Gusto mo bang unahin ko yang bata sa tiyan mo?" Nagulat ako sa sinabi niya. Paano nila nalaman ang tungkol sa magiging anak ko? Hindi nga alam ito nina papa at Jayce.

"We have connections kaya nalaman namin." Pagmamalaki pa niya.

Hindi ko na lang siya sinagot dahil ayaw kong isama sa gulo ang anak ko. Ayaw kong mamatay siya dahil sa akin.

Umalis na ng kwarto yung matandang yun at mga tauhan niya na lang ang nandito. Mukhang mga baguhan lang ito dahil hindi ko sila mapangalan maliban sa isang ito.

"Pssst. Edwardo po pangalan niyo diba?" Edwardo Cordero ang pangalan niyan. Napasama lang sa mga tauhan ng mga Ferros dahil kailangan ng pera para sa mga anak niya. Baka magpaawa lang ako dito tulungan na ako nito.

"Oo ako nga, anong kailangan mo?"

"Diba po ang mga anak ninyo ay nag-aaral pa at dito kayo kumukuha ng pang-aral nila, sa tingin niyo matutuwa sila kapag nalaman nila ito, sa tingin niyo matutuwa sila kapag namatay ka dahil---"

"Hindi ko kailangang malaman yan. Alam ko na yan." Mukhang guilty na siya.

"Bakit hindi na po kayo umalis dito? Mag ba---"

Bigla niya akong sinuntok sa mukha. Nalasahan ko na ang dugo sa gilid na labi ko.

"Hoy! Sabi ni boss dalhin daw siya sa kanya."

Agad nila akong tinanggal sa pagkakatali ko at pinatayo. Kanina pa ako nahihilo dahil sa sampal at suntok pero ang pinakadahilan ng pagkahilo ko ay ang anak ko. Kahit anong oras ngayon ay matutumba ako.

"Iwan niyo na lang siya jan." Binagsak nila ako sa isang upuan duon. Nandito na talaga yung amo nila. Ang bata bata pa nito, sayang ang pagiging binata. Tsk! Tsk! Tsk!

"Narinig namin ang pagbubuntis mo. Congrats!" Kumuha siya ng alak at itinaas ito bilang pag-congrats.

"Pero hindi ka rin dapat nagsasaya bilang tagapagmana ng mga Carter."

Biglang may binigay na kung ano yung isa niyang tauhan at lumapit sa akin.

"Gusto mo bang maging maayos yang anak mo? Inumin mo ito."

Ipinakita niya ang mga gamot at agad ko itong tinanggihan. Alam ko naman kung ano yan.

"Ayaw mong inumin." Kumuha na siya ng isa at pilit itong pinapainom sa akin.

"Iinumin mo ito o isusunod ko ang kuya ni Camille?" Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"Boss. Nanjaan na ang mga Carter." Agad siyang umalis sa tabi ko at kumuha ng baril. Akala ko ay babarilin niya ako pero agad itong umalis sa kwarto.

"Hindi pa tayo tapos." Huling linya pa niya bago umalis ng building na ito.

"Talagang hindi pa." Hindi ko na kinaya ang hilo ko kaya biglang lumalabo ang paningin ko.

"Jane. Jane." Iyan ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

-End of Chapter 37-
Yieee! Naka publish nanaman ako. Sorry kung late konti.

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now