Chapter 5: Conflict in Responsibility

10.3K 310 17
                                    

Camille's POV

Sobrang saya ko dahil part na ako ng volleyball team ng Karasei High.

Nagkaayos na rin kami ni Bridget. Hindi na niya kinwento kasi daw masyadong personal. Hinayaan ko na lang siya dahil baka about sa family niya yun.

Habang naglalakad ako papuntang school may napansin akong computer shop. Actually hindi yung computer shop mismo kundi yung mga taong nasa loob nito.

Tiningnan ko ang aking orasan at nakita ko rito na 6:20 pa lamang ng umaga ngunit marami ng tao sa loob ng computer shop na ito.

Dahil na intriga ako kung ano yung ginagawa nila, pumasok ako.

Pagpasok ko palang, ayun pinagtinginan na agad ako. Ganun na ba ako kaganda para pagtinginan ng lahat. Chaaaar.

"Hello. My name is Simon Jerald. Tinatawag nila akong Kuya Simon. Welcome dito sa Overdose ang sinasabing pinakamagandang computer shop sa buong division."

Ang bait naman niya! Yung itsura niya, pwede na. Parang taken na kasi si Kuya Simon eh.

"Pasikat ka nanaman Simon." Natawa ako dun sa sinabi nung lalaki.

"Hoy Kuya Simon buong team saan pwedeng umupo." Sabi nung lalaking kakapasok lang sa shop.

Wait lang! Yung grupo ng mga lalaki, SILA YUNG BASKETBALL TEAM!

Isa-isa silang bumati sa akin pero may natatanging lalaking hindi ako binati. Tiningnan ko lang siya, parang familiar kasi yung face niya.

Eh! Nevermind! Tiningnan ko na ulit yung orasan ko at nakita kong malapit na mag-seven nagpaalam na ako kay Kuya Simon dahil kailangan ko pang mag-review para sa Consumer Chemistry namin.

Habang nagrereview ako, nakita ko si Bridget na papasok ng room at normal ang mood.

"Hindi ka ba nagreview last night?"

Grabe ah! Hindi man lang siya nag 'Good Morning'.

"Naglaro lang ako kagabi."

"Ayan! Unahin mo yang paglalaro mo ng League of Legends! Maganda yan! May mararating ka sa buhay!"

Tingnan mo 'to parang nanay ko kapag nandito ako sa school.

"Opo. Sorry na 'nay" Patawang sinabi ko sa kanya.

Tinuloy ko na lang yung pagre-review hanggang sa dumating na yung teacher namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng may kumatok sa room.

"Mam Good Morning po! Mam pwede po bang i-excuse si Miss Chrade? Pinapatawag po siya ng Principal."

Nakita naming lahat kung paano niya muntik sigawan yung bata, pero hindi niya ito tinuloy dahil nalaman niyang yung principal ang nagpapatawag sa akin.

"Pati na rin po pala si Miss Velasco."

Aakamang tatayo na ako pero pinigilan ako ni Bridget.

"Ok Miss Chrade and Miss Velasco, you can now go to Principal's office."

Ayun na sabay na kaming tumayo ni Bridget at umalis na ng room.

"Bridget bakit mo ako pinigilang tumayo kanina?" tanong ko sa kanya.

"Kasi yung teacher na yun ayaw niyang tumatayo ang estudyante niya kung hindi pa niya sinasabi." Muntik na pala ako kanina.

Nakarating na kami sa Principal's office at nakita namin ni Bridget ang isang lalaking mid 40's.

Bigla akong kasi wala naman akong ginawang masama sa kanya. Ngayon ko nga lang siya nakita eh!

"You may sit down."

Umupo kami ni Bridget sa tapat nung lalaking mid 40's.

"Pinatawag ko kayo dahil mayroon akong good news sa inyo."

Nagkatinginan kami ni Bridget at binalik rin ang tingin kay Mr. Principal.

"Dahil nalaman kong bestfriend mo si Camille, Bridget, gagawin ko siyang manager ng basketball team."

Nagulat ako dahil makakasama ko na si Bridget parati pero naalala kong part na ako ng volleyball team.

"Uhm Sir. Player na po ako ng volleyball team ng school. Ok lang po ba yun?"

Napaisip sandali si Mr. Principal.

"Ok lang naman yun basta i-manage mo lang yung time mo. Dalawa naman kayong manager eh."

Ehhhhhh!!! What!!!!! Managing time is my worst talent.

-End of Chapter 5-

Wahhhh!! Nakaisa nanaman ako. Sobtang saya ko kasi finollow back ako ng cras ko!!

Please leave a like and your comment.

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now