Chapter 39: Monthsary

4.9K 122 6
                                    

Camille's POV

Dito na ulit ako tumira sa mga magulang ko para daw safe ako. Ang baby nga pakinggan eh.

"Camille! Gumising ka na jan! Anong oras na oh!" Putik naman! Inaantok pa talaga ako. Wala namang pasok eh!

"Mamaya na Ma! Wala naman pong pasok eh!" Nakaupo na lang ako ngayon at natulog ulit. Ang galing ko diba, natutulog akong nakaupo.

"Kung hindi ka pa bumangon jan, papaalisin ko na itong si Jayce." Napatayo agad ako sa higaan ko pero bago ako bumaba ay nakita ko ang mga nakakalat na tie dye roses. (Author: Sa mga hindi nakakaalam ng tie dye roses ito po yung itsura niya.)(Maraming salamat sa info kuya sel.)

Napangiti ako sa nakita ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napangiti ako sa nakita ko. Nang makalapit ako sa pinto ay may nakadikit na note duon. Hindi ako pwedeng magkamali, galing kay Jayce ito.

Good Morning Sweetheart,
   Happy Monthsary! I love you so much. Bago ka bumaba maligo ka na dahil mag dedate tayo. Napaalam na rin kita kay Tita at Tito. Nanjan na ang susuotin mo. Ako namili niyan Sweetheart, kung ayaw mo yung pinili ko ikaw na bahala mamili basta hindi ka sexy tingnan.

I love you sweetheart!

-Your Sweetheart

Bakit ang sweet niya sa akin? Gusto kong maiyak ngayon dahil sa ginawa niya. Sobrang swerte ko sa kanya.

Tinignan ko muna yung piniling damit ni Jayce na susuotin ko. Maganda naman pala yung pinili niya.

Naligo na agad ako at nag ayos ng sarili ko. Nang sa tingin ko ay okay na ako ay tumayo na ako at binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pintuan ay may mga roses pa ring nakakalat dito. Lumabas na ako ng kwarto at tumungo na sa hagdan na kung saan ay nakita ko si Jayce na nakatayo na doon.

Sobrang gwapo nito ngayon. Hindi na mawala ang mga ngiti ko sa labi ko at nakita ko rin ang matamis niyang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Good Morning Sweetheart." Agad niyang bati sa akin ng makababa ako sa hagdan.

Kiniss niya ko muna siya bago batiin din ng good morning. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papuntang sala kung saan nakaupo sina Kuya, Mama at Papa.

"Hihiramin ko po muna si Camille." Pagpapaalam niya sa pamilya ko.

"Dalawa lang naman ang gusto ko hijo..." tumayo si papa at lumapit sa aming dalawa.

"Iuwi mong ligtas ang anak ko at..." pinalapit niya si Jayce at may binulong.

After ng bulungan nila nakita ko ang nagpipigil ng tawa si Jayce at si Kuya.

"Sige po Tito." Nagpipigil pa rin siya ng tawa habang nagsasalita.

"Paano po alis na po kami." Tumango na lang silang tatlo at hinila na ako palabas ni Jayce.

Pinapasok niya agad ako sa loob ng kotse niya at nang makapasok siya ay pinaandar niya agad ito.

"Sweetheart saan tayo pupunta?" Kanina ko pa ito gustong tanungin sa kanya dahil mula paggising ko ay may surprise agad siya.

"You'll see." Tiningnan niya ako at hinalikan pa niya ang kamay ko at agad ding ibinalik ang tingin sa daan.

Matapos ang halos isang oras na byahe ay nakarating na kami sa....

"Huy Sweetheart! Bakit nandito tayo sa Airport?" Halos pasigaw kong tanong sa kanya.

-End of Chapter 38-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now