Chapter 35: In order for you to live

4.6K 119 4
                                    

Camille's POV

Nalaman ko na ang meron sa pagitan nina Ate Diana at Kuya Kerwin. Ang komplikado rin ng relasyon nila.

Nabalitaan ko rin na nagising na si Jayce at nagwawala ito dahil gusto niya na daw akong makita.

Pero napagdesisyunan kong hindi muna magpakita sa kanya dahil sa nangyari sa kanya. Bumalik ulit ako sa school ni Mama para tuluyan ng hindi ko siya makita.

"Hoy!" sabi ng isang lalaki. Nandito ako ngayon sa school ni Mama.

Nilingon ko ito at ganoon na lang gumuhit ang ngiti ko ng malaman ko kung sino ito.

"CAMILLE VAYNE CHRADE! Ilang taon kang hindi pumasok dito at malaman laman kong lumipat ka sa ibang school." sabi ni Kuya Russel. Si Kuya Russel, pinsan ko. Kuya Sel ang tawag ko sa kanya dahil ang haba ng Russel.

"Sorry Kuya Sel. Ganun talaga. Kumusta kayo dito? Sina Kuya Pao? Kuya Je?"

"Ikaw Camille! Ako ang nandito pero iba ang hinahanap mo." With matching paawa eyes pa. Tinawanan ko lang siya sa ginawa niya.

"May nabalitaan ako, pero mas maganda kung version mo ang maririnig ko."  Ito ang isa sa mga naging dahilan kung bakit close kami ni Kuya Sel. Kahit anong istorya pa ang sabihin mo sa kanya

"Ano naman yung nabalitaan mo kuya at kailangan mo pang pakinggan yung version ko?"

Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad. "Yung perplex mong lovelife."

Napakunot ang noo ko sa kanya. May mga words nanaman siyang nalaman na nagustuhan niya.

"Complicated is not the right word. Perplex is much better." Ngumiti ako ng mapait sa kanya.

"You don't have to narrate right away." Kahit chismoso talaga itong si Kuya may care pa rin siya.

"Hayaan mo na kuya ikekwento ko na sayo yung version ko."

Sinabi ko naman sa kanya yung nangyari sa amin ni Jayce. Yung mga pinagdaanan na namin. At yung dahilan kung bakit ako bumalik dito.

"Edi dapat hindi ka umalis dun. Why?"

Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din siya. Tinagnan ko siya ng sobrang confuse.

"Kasi dapat lumaban kayo."

"Mamamatay ang isa sa amin kapag lumaban kami. Mas malala pa kung dalawa pa kaming mamamatay kaya mas pinili ko na lang iligtas ang sarili ko dahil kapag ligtas ako, alam kong okay lang siya."

Niyakap ako ni kuya ng marinig niya iyon. Hinahagod niya rin ang likod ko.

"Sige na. Pumunta ka na sa klase mo. Mag training pa kami." Pagpapaalam niya sakin.

"Sige kuya." Nagsimula na akong maglakad ulit papunta sa klase ko.

~|~|~
Kuya Sel's POV

Tinignan ko ang cellphone kong kanina ko pa hawak-hawak.

"Okay ka na?" Agad kong tanong sa kanya.

"Salamat Chrade." Agad niya ring binaba ang tawag at inilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa ko.

~|~|~
Third Person's POV

"Sir, hindi na po pumapasok si Ms. Camille sa Karasei. Mukhang--"

"ALAM KO!" sigaw ng isang lalaki.

Lumabas na ito at naiwan ang lalaking galit na galit.

"Una si papa, ngayon naman si Camille. Lahat na lang ba kukunin mo?!" At inihagis nito ang baso ng alak.

"Sawa na akong maging mabait. Uunahin ko na ang taong nabubuhay sa loob ng ate mo."

-End of Chapter 35-

Yan po muna yung update ko for today. Thank you po!

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now