Chapter 27: I want you back

5.8K 157 0
                                    

Camille's POV

"Sweetheart." Ang boses na iyan ang hinahanap-hanap ko sa mga nakaraang araw.

Tumayo na siya at humakbang papalapit sa akin pero humakbang ako patalikod. Nagbabadya nanamang tumulo ang mga luha ko. Mukhang napansin niya iyon kaya mabilis siyang lumapit sa akin.

Hahawakan niya sana ang pisngi ko pero winaling ko agad ang kanyang kamay.

"Sweetheart. Pwede ba tayong mag-usap?" Halata ang nginig sa mga boses niya. Hinarap ko siya at nakipag eye contact ako.

"Ano yun?!" Pagtatapang-tapangan ko sa kanya.

"About dun sa mga sinabi---"

"I don't need your apology. Your apology will NEVER be accepted. Aalis na ako major ang una kong class." Balak ko na talagang umalis duon dahil tutulo na ang mga luha ko.

Aalis na sana ako pero bigla akong napako sa mga sinabi niya.

"I want you back." Natigilan ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya napayuko na lang ako.

Hinarap ko siya at sinabing...

"Baka yarou!(Stupid Asshole) Sa tingin mo ganoon lang kadali ang lahat?! Aba Phota! After mo akong hindi pansinin ng ilang araw tapos ang sasabin mo ngayon gusto mong maging tayo ulit. Watashi wa anata o nikumu ga, watashi wa anata o aishite iru.(I love you but I hate you)."

Wala akong pake kung hindi niya maintindihan yung mga sinasabi kong ibang language.

"Let me explain."

"Ano namang gusto mong iexplain, na nangangailangan mo ng pera kaya gusto mong maging tayo ulit?" Alam kong masasakit ang mga salitang binitawan ko pero masisisi niyo ba ako kung sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Kung pera ang habol ko sayo bakit hindi ko na lang nilapitan ang Crows?! Naisip mo ba yun Camille?!" Sumigaw na siya kaya nagulat ako.

Ganun na ba ako kabobo? Bakit hindi ko iyon naisip? All this time yung alam kong tama ay mali?

"Nanggaling ako sa isang mafia family. Nalaman ko lang ito noong araw na pumunta ako sa condo mo dahil nag-aalala ka sa akin. Bago ako makapunta doon ay dinukot ako ng kalaban naming mga mafia."

Tumigil siya. Hinihintay ko siyang magsalita ulit. Lumapit muna siya sa akin.

"Kaya ko nasabi ang mga bagay na iyon ay para layuan mo ang mundong matagal na akong nabibilang ngunit huli na ang lahat. Noong isang araw, inatake kami ng kalaban naming pamilya. Kasama ko ang Crows noong araw na iyon. Walang nasaktan sa amin at napatay din ang leader ng kalaban naming pamilya. Alam kong mahirap paniwalaan pero Camille..."

Hinawakan niya ang kamay ko at nakipag eye contact sa akin.

"Lahat ng sinasabi ko ngayon ay totoo. Sana'y mapatawad mo ako sa mga nasabi ko noon."

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Nanatili pa rin akong gulat sa mga sinabi niya.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin Jayce."

Bigla niyang iniharap ang mukha ko sa kanya. Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa mga titig niya sa akin. Halo halo ang emosyong nakikita ko sa mga mata niya.

"Hayaan mong magsimula muli tayo. Kaya kung hahayaan mo ako..."

Bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Camille Vayne Chrade, pwede bang manligaw muli sayo?"

Tinignan ko muna siya. Ngumiti ako sa kanya at....

"Bakit kailangan mo pa ulit natin magsimula kung pwede naman nating ipagpatuloy ang sinimulan natin?"

-End of Chapter 27-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now