Chapter 23: The Enemy's Son

5.9K 146 0
                                    

Jayce's POV

Todo iwas ang ginagawa ko kay Camille. Tuwing lalapit siya bigla na lang ako tatakbo sa opposite direction. Mga ganung mga bagay ang ginagawa ko sa ngayon.

Nandito ako ngayon sa headquarters. Nandito ang lahat including si Camille. Hindi ko siya pwedeng paalisin dahil part siya ng team. Hindi ko na lang siya tinitignan para mapigilan ang sarili kong ikulong siya sa bisig ko.

"I need your attention!" sigaw ni coach sa lahat kami luminya sa harap niya.

"The week aftet next week will be the qualifier matches for the Inter-High Competition."

Wala pa ring nagsasalita sa amin. Hinihintay pa rin namin yung susunod na sasabihin ni Coach.

"The day after tomorrow will be the first game of Camille.Pupunta tayo doon at susuportahan natin si Camille. Is that clear?"

"Yes Coach!" Sigaw naming lahat.

"Okay dismiss. And you Camille..."

Humarap na si Coach kay Camille.

"Come with me with your coach after classes."

"Yes coach." Matamlay niyang sagot.

Hinila na siya ni Bridget palabas dito sa headquarter.

~|~|~
Camille's POV

Andito na kami ngayon ni Bridget sa ilalim ng puno ng mangga. Malapit lang ito sa building namin kaya makikita pa rin namin kung may pumasok ng teacher o wala pa.

"Bespren." tawag ko sa kanya.

"Oh?"

"Kumusta kayo ni Khyel? Hindi ata kayo nagpapansinan."

Umiwas siya ng tingin sa akin. "Huwag muna natin siyang pag-usapan bespren. Gago rin yung lalaking yun eh."

Hmmm? May hindi siya kinukwento sa akin!

"Ang unfair naman bespren kung hindi ka magkekwento."

"Pwede bang wag muna. Ayaw ko talaga siyang pag-usapan."

Bahala na. Baka hindi pa talaga siya ready.

"Huy bespren halika na. Punta na tayong classroom."

Tumayo na kami at naglakad papuntang classroom. Pagpasok namin magulo ang lahat. Hindi mo aakalaing classroom ito ng STE.

"Huy. Nanjan na si Mam." Agad naman kaming napaayos ng klase at umupo sa kanya-kanyang upuan.

"Good Morning Mam." Siyempre mauuna kaming mag-greet.

"Good Morning. I am here with your new classmate. Come here."

"Good Morning. My name is Kyle Jhin Ferros. Nice to meet you all."

"You can now sit."

Mukhang mabait yung bago naming kaklase. May pagka-anghel yung mukha niya eh.

**(Fast Forward)

Sa sobrang lungkot ko pumunta ako sa rooftop ngayong lunch break namin. Humiga ako at sinaksak ang earphones ko.

Nang papalapit na ang tulog ko naramdaman kong may nagtanggal ng isang earphones ko kaya napamulat ako bg mata bigla.

Nakita ko yung bago naming kaklase na nasa tabi ko at nakahiga rin.

"Alam kong gwapo ako hindi mo na kailangang sabihin."

Aba! Phota!

"K po."

Kukunin ko na sana ang earphones ko sa tenga niya pero pinigilan niya ako.

"Maganda yung kanta. Gusto kong pakinggan."

Pinakinggan ko naman kung ano yung kanta. Sht! Chasing Cars! Naiiyak nanaman ako. Tumutulo na ang nga luha ko. Nakakainis lang. Bakit hindi ba ako biniyayaan ng talent na pigilan ang mga luha ko.

Narinig niya siguro yung paghikbi ko kaya napaupo siya bigla.

"Camille ok ka lang?" sabay kuha niya ng handkerchief niya at ibibigay sana sa akin pero hindi ko ito tinanggap.

"Napuwing lang ako."

Aalis na sana ako ng rooftop pero bigla niya akong hinila at pinasandal sa wall.

"Camille Vayne Chrade." Nakatingin lang siya sa mga mata ko.

"Bakit Kyle Jhin Ferros?" Pagmamaldita ko sa kanya.

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Tinitignan niya lang ako sa mga mata ko. Dapat pa ba akong magsalita?

"I know now kung bakit nainlove si Carter sayo."

Umalis na ako ng rooftop dahil narinig ko nanaman ang pangalan ni Jayce. Pagbaba ko ng rooftop ay saktong nakita ko si Jayce na naglalakad papunta sa direksiyon ko.

"Jayce...."

Nilagpasan niya ako. Nilagpasan niya lang ako. Grabe bakit parang wala lang sa kanya yung isang linggo naging kami. Alam kong isang linggo lang yun pero iyon ang pinakamasayang isang linggo na kasama ko siya.

Ayan nanaman ang mga luha ko. Nagsimula nanaman silang magunahan.

~|~|~
Third Person's POV

"Hello boss. Natapos ko na ang po pinapagawa ninyo." sabi ko sa taong kausap ko ngayon sa telepono.

"Sige. Mamaya na lang sa bahay." Tinapos ko na ang tawag at tumingin sa labas ng kotse ko.

Saktong lumabas roon si Jayce kasama ang kanyang mga kaibigan. Mukhang magiging damay damay ang larong 'to.

-End of Chapter 23-

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now