Special Chapter

9.1K 255 2
                                    

Ito pong chapter na ito ay about kina Bridget at Khyel. Hindi ko alam kung makakatulong ito pero try to read it.
¤~¤~¤~¤

Bridget's POV

Ito nanaman tayo. Pi-null out ako sa klase dahil sa mga lalaking yan!

Isa kasi akong manager ng basketball team ng school namin. At dahil hindi ako pwedeng humindi sa mga ipapagawa sakin dahil isa po akong scholar ng school na ito, kaya lahat ng ipapagawa nila sa akin susundin ko na lang.

Tumatakbo na ako papuntang headquarters dahil may sasabihin daw si Coach.

Dahil nga sa tumatakbo ako hindi ko na namamalayan yung mga tinatapakan ko at hindi ko na pinpanasin yung mga taong nababangga ko.

"Hoy tumingin-tingin ka nga sa dinadaan mo."

"Sorry po!" Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating na ako sa headquarters ng crows.

"Good Morning Coach sorry ngayon lang po ako."

Tuloy tuloy ako sa ref para makainum ng tubig at after nun umupo na ako sa sofa.

"Hello Captain nandito ka na pala."

Ang baba talaga ng presensiya ni Captain kahit nasa court sila kaya hindi nalang siya napapansin ng kalaban nila.

"Good Mornong Coach. Good Morning Captain."

Aba! Hindi man lang ako binati ni Khyel!

"Hoy Khyel! Hindi ka man lang ba mag-good morning sakin?"

Tinignan niya lang ako at naka poker face lang ang ugok.

"Nung nakita kasi kita, naramdaman ko na mas maganda ka kesa sa morning kaya hindi na ako bumati."

"Warak!! Naka 3 points dun si Carter!"

Psssshhhh. Lagi na lang nila ako inaasar kay Khyel pero tinatawanan nalang ni Khyel yung mga asar nila.

Nang matapos sila magtawanan nagsimula na yung meeting namin.

Lagi nalang akong inaasar kay Khyel. Wala yatang araw na hindi ako inasar kay Khyel.

Minsan parang aso't pusa kami kung mag-away dahil lang kung anong mga inaasar sa akin katulad ng ang taba taba ko na daw kaya nacoconcious na ako sa akin minsan eh.

May time talaga na muntik na akong mahulog sa kanya pero dahil nalaman kong maypagka-playboy itong si Khyel, na turn off ako sa kanya.

Minsan pa nga nakita ko siyang may kausap at nakikipagtawanan pa nga eh.

Pero yung bestfriend niya, si Captain wala pang naging gerlpren yan pero may bali-balitang meron daw.

Natatakot naman akong magtanong sa kanya dahil hindi kami ganun nag-uusap.

Nagiging madaldal na rin ako kaya shut up muna.

~|~|~
Khyel's POV

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganun ako bumanat at inaasar nila ako kay Bridget.

Ang totoo niyan kasi may gusto ako kay Bridget. Pero ako itong torpe ay hindi masabi-sabi ang nararamdaman ko.

Naghahanap ako ng ibang babae para mabura ang nararamdaman ko kay Bridget, pero wala pa rin.

Alam siyempre ng lahat na gusto ko si Bridget pero hindi pa rin alam nung mismong taong nagugustuhan ko. Manhid yata eh.

May kasama ako ngayong babae at siya ang babae ko ngayon. Nandito kami ngayon sa club at umiinom ako.

"Hi Babe. Inom ka pa. Then mamaya dun na tayo sa Unit mo."

Tumingin ako dun sa babae at akma na niya akong hahalikan. Pero iniwas ko ang mukha ko sa kanya.

"What's wrong babe?"

Hinarap ko na siya at sinabing....

"Don't call me babe. Hindi naman tayo at wag kang mag expect ng kung ano."

Tumayo siya at bigla akong sinampal.

"Walang hiya ka. Matapos mo akong lambingin at kung ano ano ganito lang ang makukuha ko."

Napa-smirk na lang ako sa mga sinasabi niya.

"Bakit ba kasi nag expect ka ng mas hihigit pa?"

Hindi na siya sumagot at tumalikod na siya sa akin.

May dinump nanaman akong babae ngayong araw na ito.

-End of Special Chapter-

Please don't forget to like and leave your comment. Mag UD ako kapag bumilis-bilis na yung internet.

Thank you!

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now