Chapter 1: First Day

16.1K 409 38
                                    

Camille's POV

Nagising ako sa isang unfamiliar na kwarto. Oh my Gosh! Nakidnap ba ako? Abduction?

Hanggang sa naalala ko na lumipat na pala ako sa condo ko.

Tinignan ko na rin yung orasan. Oh My God mga bes. Late ako nagising.

Punta agad CR para maligo. Buti na lang at hindi ako ganun katagal naligo. Mabuti na rin yun para makahabol pa ako sa mga subjects ko ngayong umaga.

Simple lang ang suot ko. Jeans, polo at shoes. Ang boyish ko noh! Lumaki akong kasama yung mga yun eh.

Pagdating sa labas ng condo naghihintay na doon ang pinakamamahal kong bike.

Yes, nagbabike ako hindi dahil sa nagpapanggap akong poor. Kundi dahil gusto ko lang talaga.

~|~|~

Safe akong nakarating dito sa school. Pagkatapos kong i-lock yung bike ko, sinimulan ko ng ihunt yung food court.

Lakad here

Lakad there

Lakad this

Lakad that

So laki pala this skul! Gusto ko ng pumasok pero kailangan kong kumain at pumunta sa Principal.

Sana pala naghanap ako ng mapa nitong Karasei.

"Nice Receive!"

Ahm? Ano yun?

"Connect Connect"

BOOM!

Volleyball yun mga bes! Oh My Gosh!

Papunta na ako sa court nang.....

"You must be Camille Chrade?"

A simple woman appeared infront of me.

Wait lang. BAKIT NIYA AKO KILALA?

"Yes I am Camille Vayne Chrade." Nakasimangot na ako ng sabihin ko yan.

"Sa wakas! Nakita na rin kita! Ikaw yung bagong student dito sa Karasei! Welcome!"

Anong nangyayari? If anyone has an idea, please raise your hand.

"I'm Bridget. Hinahanap kita since nung start pa ng klase, kaso wala ka pa sa room mo. Tsaka, tama rin si Mr. Principal na nagaala Dora ka sa buong campus."

Ang daldal din pala nitong si Bridget.

"Bridget pwede bang punta tayo ng canteen? Hindi pa kasi ako kumakain since kaninang umaga eh."

Natawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Ayun lang siya oh!"

Sabay turo niya sa may bandang likuran ko.

What?! Ilang beses na akong dumadaan jan pero hindi ko yan nakikita.

~|~|~

Pagdating namin sa food court....

"Bridget, bakit ang daming tao?"

Tiningnan ko yung orasan at nakita kong 11:45 na.

Okay! It makes sense. Lunch break na.

"Halika na Camille. Bili na tayo ng lunch natin."

Hinila na ako ni Bridget sa counter para kumuha ng pagkain. Nang bayaran ko na yung mga pagkaing kinuha ko, kukunin ko na sana yung wallet ko.

Kapa.....Kapa.....Kapa.....Kapa

Oh My Gosh! Wala yung wallet ko. Kinapa ko na rin yung bulsa ko, pero wala pa rin! Nasaan na yung wallet ko?!

"Ate isama mo na lang ito sa perang binayad ko."

Why so bait???

"Salamat Bridget ah!"

Tinanguan niya na lang ako. Nang mailapag na namin ang mga pagkain namin at nakaupo, nagtanong na agad sa kanya.

"Bridget bakit nga pala hinahanap mo ako since nung start ng classes?"

Ngumiti siya sakin at sinabing.....

"Kasi pinapahanap ka sa akin ni Mr.Principal"

"Bakit naman ikaw?"

"Bakit bawal Camille? Ayaw mo bang ako na lang ang humanap sayo? Pangit ba ako? Kapalit----"

"Bakit nga Bridget? And please stop that "Pangit ba ako" etc etc."

"Scholar kasi ako. Except sa pagmaintain ng high grades kailangan ko rin makipag-participate sa mga school activities."

Gusto ko maranasan ang buhay na meron siya. Yung simple lang, pero parang hindi ko na siya mararanasan.

"Uhm Camille. Pwede ba kitang maging kaibigan?"

Nagulat ako sa tanong niya. Yung tipong nahulog ko yung spoon ko.

"Kung ayaw mo okay---"

"Siyempre Bridget! It's my pleasure to be your friend."

Mangiyak-ngiyak ko pang sinabi yan.
Nakita ko rin siyang mangiyak-ngiyak na.

"Same here, it's my pleasure to be your friend too."

Nag-shake hands kami at nagtawan sa isa't isa.

~|~|~

Nakausap ko na si Mr. Principal at lumabas na sa office niya.

Nakita ko naman si Bridget na naghihintay sa akin sa labas.

Nalaman ko ring STEM din ang Program niya at parehas kami ng klase. Yehey!!

Masaya kaming pumunta sa room after niya akong hintayin.

-End of Chapter One-

Hello Guys. Sorry kung may mga typos at wrong grammars.

Salamat!

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang