Chapter 34: Upcoming Matches

5K 136 13
                                    

Yung about kina Kerwin at Diana, naka linya na siya 😂. Mas inuuna ko kasi yung nasimulan ko na.
~~~~~
Camille's POV

"Huwag kang aalis ng school ng wala ako." Ang kulit kamo nitong boyfriend ko.

"Opo!"

"Tsaka yung sinabi ko sayo, wag mo ng lapitan--"

"Opo, pumunta ka na nga sa room mo." Tinulak-tulak ko pa siya para umalis na siya.

Pumasok na ako sa classroom habang hinihintay pa namin yung teacher namin.

"Huy bespren, purket nagka boyfriend ka na ganyan ka na ah!" biglang pagtabi ni Bridget sa akin. Ang tagal na rin naming hindi nag-uusap. Nakakamiss din pala itong babaitang 'to.

"Bakit ikaw? Musta kayo ni Khyel?" Biglang nagbago yung mood niya. Realquick bessy!

"Okay na. Alam ko na yung sagot." Masasabi mo agad ang sagot sa mga actions ng isang tao.

Sakto naman ang pagpasok ng teacher namin na may nakasunod na estudyante sa kanya.

"Ms. Chrade and Ms. Velasco. Pinapatawag kayo ni Sir Ramil." Agad naman kaming tumayo ni bespren at lumabas na ng room.

Hingal na hingal kami ng makarating kami sa headquarters. Bakit ba kasi tumakbo? Ang aga aga haggard na ako.

"Umupo muna kayo. May mahalaga akong sasabihin sa inyo."

Ginawa naman agad namin ni Bespren ang sinabi ni Coach. Nakaupo na kaming dalawa at hinihintay na lang ang mahalagang anunsyo ni Coach.

"Mag i-start na ang competition this coming friday. Ang unang makakalaban ng team natin ay ang Red Canids. Me and Bridget will go to their school and you Camille, if wala kang laro sa friday sumama ka dapat sa amin."

"Yes Coach." sabay na sabi namin ni bespren.

"Let's go. You can join us Camille if you want."

Hindi na ako sumama kina Coach. Umalis na kami sa headquarters at sinabi sa akin ni Coach na tingnan ko raw ang Crows sa training nila.

Habang naglalakad ako papuntang gym ay may nararamdaman akong sumusunod sa akin pero hindi ko ito pinansin. Diretso lang ako sa paglalakad ng may naramdaman akong humawak sa pulsuhan ko, agad ko itong hinarap at nakita ko ang isang hingal na hingal na ka team mate ko sa volleyball.

"Ate Camille, may meeting daw. May upcoming match tayo."

"Sige Vasquez. Hinga ka muna bago tayo tumakbo ulit." Natatawa kong sabi sa kanya. Haggard na haggard na kasi siya.

Nang nakahinga na siya ng maayos ay tumakbo ulit kami pero yung takbong medyo mabagal na dahil nag-aalala ako sa kanya.

Nang makarating kami duon ay kami na lang hinihintay. Nakaramdam ako bigla ng hiya dahil nagpapaka-VIP ako.

"Let's start. There's no time to waste." Agad kaming umupo sa mga sofang nanduon.

"This Friday we have a match against Echo Fox. For those who are new, they are underdogs but they have a new player which is 2 meters."

Nagulat kaming lahat sa nabalitaan namin. 2 meters yun! Ang pinaka matangkad namin ay around 180 cm.

"But, we have a solution."

******
"Sweetheart, hindi kita masusuportahan sa una mong laro. Sorry." Kanina pa sinasabi yan ni Jayce. Nakukulitan na nga ako eh.

"Kapag ako nakulitan Jayce ah! Sinasabi ko sayo."

"Anong sinasabi mo sa akin?" Aba't mamimilosopo pa ang boypren ko.

"Mag be-break tayo. Ako rin naman hindi kita masusuportahan kaya sorry din." Para matahimik na siya. Mukhang effective naman dahil instant ang pagtahimik niya. Real quick!

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now