"A-no ba l-lumayo ka nga," Nauutal kong ani sa kanya at tinulak ko siya ng bahagya pero ang abs niya ang pinuntirya ko. Shh, tsatsansing ako. Tigas mga bes'.

Pero nagtataka lang ako. Ano ba ang kinain ng isang ito at bakit ito nagkakaganito? Ang wierd niya, pramis.

Noong isang araw lang ang sama ng tingin nito sa akin tapos ngayon. Anyare, bes'?

"Tsk! I just want a kiss from my wife is this difficult to give?" Masama na naman akong tinitigan nito.

Oh, tignan niyo, sinumpong na naman. Hindi ko siya maintindihan.

Magsasalita pa sana ako ng may suno-sunod na kumatok sa pinto. Dahilan para mabaling ang atensyon ko roon. Sinulyapan ko si Dark na nakatitig parin sa akin.

"May kumakatok," ani ko. "a-ako na ang magbubukas." Maharan ko siyang tinulak at tinungo ang pinto.

"Tss."

Pinihit ko siradura at binuksan ito. Pagbukas ko ay lumawak ang ngiti sa aking mga labi. Sabihin niyo nga, destiny ba itey o sadyang ito talaga ang nakatadhana sa aming dalawa.

Bebelabs, "Kidd," masayang sambit ko.

"Magandang umaga, Miss." Bati nito sa akin at binigyan na naman ako ng makapanlaglag panty-ng ngiti.

"Good morning, anong sadya mo dito?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya.

Sasagot na sana siya ng may nilingon siya sa gawing likuran ko. Kaya napalingon rin ako rito at natagpuan ko si Dark na ang sama-sama na naman ng tingin sa akin.

Nakasout na ito ng white long sleeve na nakatupi ang manggas nito hanggang siko tapos naka-pants ito itim na sapatos. Nasa mga balikat rin nito ang itim na suit nito.

Pero tignan mo, may pagkabaliw din ang isang ito 'e. Kanina parang batang nagmamaktol tapos ngayon parang si Naruto-ng kinuhanan ng ramen sa sama na makatingin sa akin.

Akala niya siguro hindi ko makakalimotan ang ginawa niya sa akin kahapon at noong bagong punta ko rito? Nevah, 'nong binagsak niya ako sa sahig ng napakalaki niyang library? Hanggang ngayon masakit parin ang puwet ko.

Inirapan ko nga at ibinalik ang tingin kay Kidd my bebelabs. Ningitian ko siya na ginantihan naman niya.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Dark at nagulat akong hinapit niya ang malalaking braso niya sa beywang ko at mas inilapit niya ako sa kanya. Sinamaan ko ito ng tingin pero ang lapastangan nasa harap lang ang atensyon niya.

"What are you doing here?" Kahit kailan hindi ko siya naririnig na iba ang tono ng pananalita niya. Malamig at walang kabuhay-buhay itong magsalita pwera lang kanina.

"Sir Austine wants to talk with you, sire." Sagot nito.

"What he wants?"

Sino kaya ang pinag-uusapan nila? Importanteng tao kaya ito?

Nakatitig lang ako kay bebelabs Kidd at hindi ko na alam kung ano pa ang pinag-uusapan nila dahil sa ibang planeta na ang utak kakaisip kay Dar ---Kidd.

Doon lang bumalik sa kasalukuyan ang utak ko ng malakas na sumara ang pinto. Hala! Teka, ano na ang nangyayare?

Nilingon ko si Dark na inaayos na ang sout nitong damit.

"Ahm, Dark?" Tawag ko sa atensyon nito at hindi ma lang nilingon ang kagadahang taglay ko? Nakakainsulto 'ha. "Oy, Dark!" Wala pa rin.

Para lang akong hangin na nakatayo rito sa apat na sulok ng kwartong ito. Napakamot ako sa batok ko. "Dark!? May problema ka ba?" Nakakunot-noo kong tanong. Ang bipolar niya.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now