Undying Love: Chapter Forty

9.7K 305 48
                                    


AFTER THREE YEARS

"Dada!!", sigaw ng tatlong taong gulang na batang babaeng tumatakbo palapit sa nakatalikod na si Shinrei. Nakasunod naman dito ang yaya nito.

Agad ang pagbaling dito ni Shinrei at napangiti ng maluwag ng mabistayan ang cute na cute na anak.

"Excuse me", ani Shinrei sa kausap saka mabilis na naglakad upang salubungin ang anak.

"Hello there pumpkin!", malambing niyang sabi sa bata bago ito binuhat at inikot-ikot ng tatlong beses sa ere.

Tawa naman ng tawa si ShiRis. Mabilis na hinalikan sa pisngi ang ama saka humarap at tumitig sa mukha ni Shinrei.

"Not pumpkin dada. Rhoanne ShiRis.", animo'y matandang pangaral ng bata sa ama na may paangat angat pa ng hintuturo saka niyakap ni ShiRis ang leeg ng ama.

"But you are my pumpkin!", natatawa namang sagot ni Shinrei. "Where's um-mhie?", hanap niya sa asawa.

Kumalas ang anak sa pagkakayakap sa leeg ni Shinrei saka tinuro ang bangkang nakatigil sa pantalan kung saan inaalalayang bumaba ang kanyang mahal na asawa.

Nakaangat ng bahagya ang sun dress nito hanggang sa baba ng tuhod marahil sa takot na masabit sa kung saan.

Napalingon si Zoey sa kinatatayuan ng mag-ama ng lumapat ang mga paa sa buhanginan at hindi niya mapigilan ang pagsilay ng kanyang mga ngiti.

Tumaba naman ang puso ni Shinrei pagkakita sa matamis na ngiti ng kanyang misis at nag-umpisang magrigodon ang kanyang dibdib.

"Darn! Im so lucky to have her!", anas ni Shinrei sa sarili. She still captures his heart with just her sweet smile.

Nag-umpisa namang maglakad si Zoey palapit sa mag-ama na hindi inaalis ang titig at ngiti kay Shinrei.

Napahawak siya sa bilog na bilog na tiyan.

Yes! After three years, buntis na ulit siya. And her husband was so ecstatic when he learned that she is having a twins! An identical twins. His heirs!

Sinalubong ni Shinrei ang asawa at mabilis niya itong hinapit palapit sa katawan niya at siniil ito ng halik na nagpahagikgik naman sa anak nila.

Tinampal ni Zoey ang braso ng mister ng pakawalan siya. "I said no kissing in front of your pumpkin!", reklamo niya.

"Forgive me babe. I just cant help it. You are so irresistable!", pilyong ngiti ni Shinrei.

"Bolero!", natatawang iling ni Zoey. Saka ikinawit ang kanang kamay sa bewang ng asawa.

Inakbayan naman ni Shinrei si Zoey saka iginiya papunta sa harap ng hotel.

"Are you okay? Hindi ka ba pinapahirapan ng kambal?", masuyong tanong ni Shinrei sa misis.

Nakangiting umiling si Zoey. "Nope. Behave sila eh.", saka muling hinaplos ang tiyan gamit ang kaliwang kamay.

"Baka kasi mapagod ka babe. Okay lang namang kung sa rest house ka na lang.", alala pa ring saad ni Shinrei. Eight months pregnant na kasi si Zoey at takot na takot siyang nagkikikilos ito dahil pakiramdam niya sasabog ang tiyan nito sa sobrang laki.

"And missed the grand opening of this island? No way! Ang kj mo talaga kahit kelan babe."

"Im just worried.", sagot naman ni Shinrei.

Iningusan lang ni Zoey ang mister at muling napangiti ng maluwang ng makita ang mga kaibigan.

Akay-akay ni Iñigo ang unang anak nila ni Anary na si Kyle. Magtatatlong taong gulang na rin ito. Buntis na pala noon si Anary ng mga panahong naglalabor siya sa hospital. Mabuti na lamang at safe na nagbuntis si Anary.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now