Undying Love: Chapter Twenty-Nine

5.4K 148 13
                                    


Nagising si Shinrei kinabukasan dahil sa mga mahihinang kaluskos at sa bulong-bulungan sa paligid.

Napamulat ang kanyang mga mata at bahagyang itinaas ang ulo mula sa pagkakalugmok.

Nasilayan niya ang kanyang mga kaibigan na nakatunghay sa kanya.

He was about to nag his friends for interrupting his deep slumber when he felt the soft body under him.

He harshly get up when he saw Cady sleeping like a baby. At agad ding ibinaba ni Shinrei ang damit ng dalaga na bahagyang nakalilis hanggang sa ilalim ng dibdib nito.

Pupungas-pungas namang nagising si Cady dahil sa marahas at biglaang pagbangon ni Shinrei.

Wala sa loob na iginala ang paningin at nanlalaki ang mga matang bumangon at umayos ng pagkakaupo ng mapagtantong pinagmamasdan sila ng anim na pares ng mga mata.

Blanko ang ekspresyon ang mga mukha ng mga ito ngunit pakiramdam ni Cady ay nakagawa siya ng malaking kasalanan.

"G-guys...i-its not what you think.", mahinang usal ni Cady sabay yuko.

Napatingin naman sa kanya si Shinrei. "Oh God ano bang nangyari kagabi?", sabi ng binata sa sarili.

"W-walang nangyari!", baling ni Cady kay Shinrei na para bang nabasa ang nasasaisip nito.

Tumikhim naman si Anary. "I'll just prepare some breakfast.", sabay talikod at tinungo ang pinto.

"Sama ako!", sabi naman ni Skylar at agad sumunod sa kaibigan.

"Can I join too?", alanganing ngiti ni Cady sa dalawa.

"Sure!", kibit balikat na tugon ni Anary na nakalingon kay Cady mula sa pinto.

Agad namang tumalima si Cady at maliksing sumunod sa dalawa.

Matagal na katahimikan ang lumukob sa loob ng bar ng makaalis ang tatlo. Pare-parehong napaupo sa sofa ang apat na lalaki paharap kay Shinrei.

"What happened last night Shin?", basag ni Iñigo sa katahimikan nila.

Isinandal naman ni Shinrei ang ulo sa sofa at mariing pumikit. Inaalala ang mga nangyari kagabi.

"I was drunk. I...i...i think...", hindi maapuhap ni Shinrei ang sasabihin. "I kissed her."

Napanganga naman ang mga kaharap niya.

"Wow man!", hindi makapaniwalang bulalas ni Brix.

"I dont know what came to my mind last night.", amin ni Shinrei.

"You kissed her alright. Now what's your plan?", tanong naman ni Marion.

Napatingin si Shinrei kay Marion saka umiling. "I dont know. I cant think straight."

"What the heck dude!", palatak naman ni Cyric.

"I know okay?", sansala naman ni Shinrei sa kaibigan.

"Dont make her your rebound Shin. That's so unfair!", akusa naman ni Iñigo.

"I'm not okay? Just let me think!", asik naman ni Shinrei.

......

Kasalukuyang nasa kusina ang tatlong babae at walang imikan na naghahanda ng almusal.

Si Anary na nasa harap ng kalan at nagpiprito ng hotdog, bacon at itlog.

Si Skylar na naghahanda ng mga prutas sa bowl.

At si Cady na nagsasalansan ng mga plato at iba pang dadalhin sa barn.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें