Undying Love: Chapter Eight

7.3K 202 12
                                    


"Hep!Hep!Hep!", pigil ni Iñigo sa kanila sabay hawak sa balikat ni Shinrei ng muli sanang maghahalikan ang magkasintahan.

Shinrei sends his best friend a dagger look but Iñigo just smiled at him.

"Mamaya na ang kiss the bride", natatawa namang sabad ni Cyric.

"Sige na Father", baling naman ni Anary sa lalaking nakaputi. "Umpisahan na ang sakalan este kasalan pala", nakangisi pa niyang saad.

"Anary?", kunot noong tanong ni Zoey. "You're here?"

"Of course we're here.", Skylar smiled as she answered Zoey.

"Oh you too? And...", bahagyang ipinilig ni Zoey ang ulo pakanan para makita ang lalaking katabi ni Skylar. "Ian! Hi!", nakangiti niyang bati dito.

Maluwag na ngiti naman ang isinagot ni Ian. "Hi!"

.......

"Before you kiss the bride", pagtatapos ng Pari sa kasal-kasalan ng dalawa. "Sign this document first", sabay abot nito ng papel sa dalawa.

"Para saan naman to?", kunot noong tanong ni Shinrei sabay baling sa mga kaibigan.

"Para makatotohanan ang kasal ninyo", tudyo namang sagot ni Iñigo.

"Dali na pirmahan na ang dapat pirmahan at ng makaalis na tayo dito. Nagugutom na ako", reklamo naman ni Marion.

"Kahit kelan patay-gutom ka talaga Marion", buska ni Skylar.

Binilatan lang ni Marion si Skylar na ikinairap naman ng huli.

Dahil sa pamimilit na mga kaibigan ay pinirmahan na rin nila Shinrei at Zoey ang papel at hindi na pinagkaabalahang basahin.

Hindi na rin nila napansin ang tinginan at pagpapalitan ng makahulugang mga ngiti ng kanilang mga kaibigan.

.....

They can go on kissing forever kung hindi lang sa malakas na tikhim kasunod ng hagikgikan ng kanilang mga kaibigan.

"Dinaig niyo pa ang mga ibon sa pagtutukaan Mr. Fortalejo, Ms. de Madrid", saad ng isa sa Dean ng kanilang unibersidad na si Dean Crie (read: Cry) Palisoc.

Napamulat bigla si Zoey sa pagkakapikit at agad na pinamulahan ng pisngi.

Shinrei on the other hand doesn't want to end the kiss at kung hindi lng sa banayad na pagtulak sa kanya ni Zoey ay hindi niya ito pakakawalan.

Shinrei take a look at their dean and smirk and stand straight.

"Dont look at me like that Mr. Fortalejo",nakangiting sabi ni Dean Palisoc.

Pakiramdam ni Zoey ay pulang pula ang kayang mukha kaya naman sumubsb na lang siya sa dibdib ni Shinrei.

Natatawa namang niyakap ni Shinrei ang dalaga bago bumaling kay Dean Palisoc.

"Ma'am naman...sabi kasi ni Father kiss the bride so I kissed my ever beautiful bride.", pilyong ngiti ni Shinrei.

"Sinobrahan mo naman ng halik", natatawa namang sabad ni Iñigo.

Natawa rin si Dean Palisoc. "Anyway, alis na ako. Naglilibot ako sa mga booth ng makita ko kayo dito. Have a good day everyone.",

"Have a good day too Ma'am Crie", sabay sabay naman nilang sagot bago umalis ang magandang dean.

"Oh tapos na ang palabas. Tara na sa cafeteria", saad ni Marion sabay kiskis pa ng kanyang mga palad.

"Tara na sa reception", natatawa namang gatol ni Ian.

At sabay sabay na silang naglakad papunta ng cafeteria.

Magkahawak kamay sina Shinrei at Zoey habang naglalakad at halos mapunit na ang labi ni Shinrei sa kakangiti.

Napansin naman siya ni Zoey. "Ano bang iniisip mo at kanina ka pa ngumingiting mag isa babe?"

Tumingin si Shinrei sa dalaga at inakbayan habang nakangiti pa rin. Kapagkuway bahagya siyang yumuko at bumulong. "Ang sarap kasi ng halik mo babe.", pilyo niyang bulong.

Namula naman agad si Zoey at magaang pinalo ang dibdib ng binata. "Napakapilyo mo talaga", nahihiyang bulong din niya sa nobyo na ikinatawa ni Shinrei.

......

Kasalukuyan na silang kumakain sa cafeteria ng dumating si Brix. Agad itong lumapit sa mesa nila at tinapik si Cyric na kumakain ng lasagna.

"Larican! Tawag ka sa Dean's office", ani Brix kay Cyric.

Nagtataka namang nag angat ng tingin si Cyric. "Bakit daw?"

"Malay ko", kibit balikat namang sagot ni Brix.

Agad namang tumayo si Cyric at umalis kahit hindi pa ito tapos kumain.

Umupo naman si Brix sa binakanteng upuan ni Cyric at masayang nakipagkwentuhan sa mga kaibigan.

Maya-maya pa ay bumalik si Cyric na hindi maipinta ang mukha at binatukan ng malakas si Brix.

Imbes naman na magalit ay biglang tumawa ng malakas si Brix.

"Anyare?", takang tanong ni Marion sa dalawa.

Humahagalpak pa rin si Brix na napahawak na sa tiyan.

"Ang gagong to. Pinagtripan na naman ako. Hindi naman daw ako pinapatawag sa dean's office! Walangya kang bakulaw ka!", nabubwesit na paliwanag ni Cyric.

Nagtawanan naman ang magkakaibigan dahil dun.

"Hahahahah sorry na brad", sabay peace sign namang sabi ni Brix.

"Peace your face", patuyang saad ni Cyric sabay siksik sa gitna ni Iñigo at Anary.

"Grabe naman to makasiksik.", protesta ni Anary.

"Usod ka na lang Simang", pabalewala namang sagot ni Cyric.

"Anong Simang?!", angal ni Iñigo. "Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya niyan!"

"At bakit pag-aari mo ba ako?!", mataray na turan ni Anary.

"Hindi. Pero pwede rin.", mapang asar na sagot ni Iñigo.

"Ewww!", tila nandidiring saad ni Anary. "Kahit sa panaginip hindi mangyayari yan noh! Duh?"

"Maka-eww naman to. Hoy Simang para sabihin ko sayo, maraming nagkakandarapang babae sa pagmumukhang to noh!", mayabang namang sabi ni Iñigo.

"Lakompake", umiirap namang sagot ni Anary.

Napapailing na lang si Zoey sa pagbabangayan ng kanyang mga kaibigan.

Si Shinrei naman ay nakatukod ang kanang siko sa mesa at nakapatong ang ulo sa mga palad habang pinagmamasdan si Zoey. Inipit niya ang ilang takas na buhok sa tenga nito.

"Uy Shinrei..baka matunaw naman si besh sa ginagawa mo?", sita ni Skylar.

"Hindi ko naman hahayaang matunaw ang babe ko", nakangiti namang sagot ni Shinrei na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Zoey.

"Aayyyiiieeee", malakas at sabay sabay na tili ng mga kaibigan na nagpabaling ng tingin sa kanila ng mga tao sa paligid.

"T-tumigil nga kayo. N-nakakahiya!", namumulang sabi ni Zoey.

"Oh my God beshy!! You're blushing! Hahahahah!", pilyang saad ni Skylar.

Inirapan na lang ito ni Zoey pero sa loob-loob niya ay hanggang langit na ang lakas ng tibok ng puso niya. Lalo at sa gilid ng mga mata niya ay nakikita pa rin niyang titig na titig sa kanya si Shinrei.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant