Undying Love: Chapter Eighteen

6.1K 181 5
                                    


"Uhmp...Cady ano ba...", pabulong na angil ni Shinrei at pilit na inilalayo sa kanya si Cady.

"Shinrei, honey. I missed you", malanding sambit naman ni Cady at mas nangunyapit sa braso ni Shinrei. "Ako ba hindi mo namiss?"

Hindi sinagot ni Shinrei ang tanong ng dalaga at sa halip ay inakay ito paupo sa mahabang sofa na gawa sa rattan dahil nakakakuha sila ng atensyon sa mga taong nandoon.

"How did you know this place?", tanong ni Shinrei.

Malagkit namang tumingin si Cady sa binata. "Nagdududa ka pa rin ba sa kapasidad ko Shin?", saka ngumiti ng matamis.

"At ano naman ang nakain mo at matapos ang ilang taon mo sa Australia ay nagbalik ka?", muling tanong ni Shinrei.

Mahinang natawa naman si Cady. "Relax honey!", aniya at humawak sa collar ng polo shirt ni Shinrei saka inayos. "Do you still hold grudges for what I did years ago during your graduation day?"

"Of course not. I already forgave you. Besides we're friends now. Unless may pagnanasa ka pa rin sa'kin. Hindi tayo talo honey!", Shinrei grinned while mimicking Cady's endearment.

"Naughty!", nakangiting usal ni Cady ngunit banaag sa mga mata ang kislap ng pagnanasa sa kinakapatid.

Totoong nagkaayos na silang dalawa at naging mabuting magkaibigan. Nang makita ni Cady si Shinrei sa miserableng kalagayan nito dahil sa pagkikipaghiwalay ni Zoey ay doon napagtanto ni Cady na mahal na mahal talaga ni Shinrei ang dalaga.

Sinubukan ni Cady na ipakitang mahal niya ang binata ngunit si Shinrei na mismo ang nagsabing walang makakapantay kay Zoey sa buhay niya.

Nag-usap sila at nagkasundong maging magkaibigan na lang. Its better that way na rin at least malapit pa rin si Cady sa binata.

Pero dahil sadyang mahal niya ang binata, at nasasaktan din siya sa tuwing nakikita niyang tulala ito at wala sa sarili, napagpasyahan niyang manirahan muna sa Australia. To heal her own wounds.

"So what makes you come back to town?", untag ulit ni Shinrei sa dalaga.

Cady just shrugs her shoulders. "Nothing. I just wanted to experience Shin's Paradise. I heard super succesful daw ito.", pilyang sagot nito.

"Well, be my guest!", ngiti ring saad ni Shinrei na tila sanay na sa ugali ng kinakapatid na may pagka flirtatious.

.........

Mabilis na lumipas ang mga araw.
Isang linggo na lang at kasal na ni Anary at ni Iñigo.

Kung ang lahat ay excited habang papalapit ang kasal, kabaliktaran naman ang kay Shinrei.

Kinakabahan siyang nananabik na akala mo matatae ang pakiramdam. Daig pa niya si Iñigo na siyang tunay na ikakasal!

Hindi tuloy mapigilan ng mga kaibigan niyang pagtawanan siya sa pagpaparoon at paritong palakad-lakad habang ang isang kamay ay nasa kanyang beywang at ang isa ay nasa likod ng ulo at pasimpleng minamasahe ang batok.

Kasalukuyan silang nasa barn at nag-iinuman.

"Tigilan mo nga yang kakalakad mo pare at ako ang nahihilo sayo!", sita ni Brix sa kanya.

"Ano ba kasing pinagpuputok ng butse mo?", tanong naman ni Cyric.

"Dinaig mo na si Iñigo niyan pare!", pang-aasar naman ni Marion.

Habang nanunudyo naman ang tingin ni Iñigo.

Tumigil naman sa kakalakad si Shinrei at hinarap ang mga kaibigan saka nagpameywang!

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now