Undying Love: Chapter Thirty-One

5.4K 147 2
                                    


Hindi pa nakakapag-usap si Zoey at Jace ng matino mula ng malaman ang pagdadalantao ni Zoey.

Nakalabas din agad ng hospital si Zoey ng gabing iyon at agad na tumungo ng hotel upang makapagpahinga ng maayos ang dalaga.

Pagkatingin ni Zoey sa kanyang cellphone ay agad ang pagdagsa ng mga mensahe at notifications niya sa kanyang mga social media accounts ngunit ipinagkibit balikat niya lang lahat ng ito.

Sa halip ay ang kanyang mommy ang unang-unang tinawagan upang ipaalam ang kanyang kondisyon. Halos mapaiyak ito at ang gusto ay umuwi na siya ng Paris agad-agad.

Natatawang tumanggi siya dahil hindi pa tapos ang show niya sa Milan subalit nagmatigas ang ina.

Sinabi nitong siya ang manager niya kaya dapat makinig siya sa kanya.

Inassure na lang niya itong nasa okay naman siyang kalagayan para kahit papano ay mapanatag ito.

Pagkatapos siyang kausapin ay humiling itong ipasa ang telepono kay Jace. Hindi na niya inalam kung ano ang mga pinag-usapan ng dalawa dahil iniwan na niya kay Jace ang cellphone niya at tumuloy ang dalaga sa kwarto para matulog.

"Love.", masuyong yugyog ni Jace sa balikat ni Zoey.

"Hmmm...", ungol ni Zoey dahil antok na antok pa siya.

"Dinner time love. Gising na."

"Mamaya na Jace! Im still sleepy.", palatak ni Zoey sabay takip ng unan sa mukha.

"Come on love. You need to eat. Remember may gamot ka pang iinumin.", kulit ni Jace sa dalaga.

Nakabusangot na inalis ni Zoey ang unan saka bumangon.

Nakangiti namang inilahad ni Jace ang mga palad para tulungang tumayo si Zoey.

"What's for dinner?", tanong ni Zoey habang inaabot ang kamay ni Jace.

"Your favorite. Beef brocolli."

Agad nanubig ang bagang ni Zoey at siya na ang nanghatak sa binata palabas ng kwarto na ikinatawa naman ni Jace.

Masayang nilantakan ni Zoey ang pagkaing nakahain sa mesa habang panaka-naka naman siyang pinagmamasdan ni Jace.

Walang pakialam na ipinagpatuloy ni Zoey ang pagkain. Tila ba isang linggo siyang hindi kumain sa gana niya ngayon.

Pero ng maalala na naman niya bigla si Shinrei ay nawalan siya agad-agad ng gana.

Nakanguso niyang itinulak palayo sa harap niya ang plato.

"What's wrong? Hindi ba masarap?", kunot noong tanong ni Jace.

"Ayoko na. Wala na akong gana", nakasimangot na saad ni Zoey.

Napatiim-bagang naman si Jace. Saka tumayo at kinuha ang niresetang vitamins ng doktor ni Zoey.

"Your mom is convincing me to bring you home ASAP.", imporma ni Jace sa dalaga habang inaabot ang vitamins ni Zoey saka inasikaso ang pagtitimpla ng gatas ng dalaga.

"Im not yet done here.", apila ng dalaga.

"I know but your mom is freaking worried.", saad muli ni Jace.

Napasimangot na naman si Zoey dahil dito.

"So maybe tomorrow we can go back to the hospital to ensure if you can travel without compromising you and the baby's safety.", patuloy ni Jace na inilapag na sa harap ni Zoey ang tinimplang gatas-pambuntis.

"Bat ang dami?", reklamo ni Zoey.

"Ubusin mo yan.", utos naman ni Jace.

"You know I'm not a fan of milk.", naiiritang saad ni Zoey.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now