Undying Love: Chapter Thirty-Nine

8.1K 215 40
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay kabuwanan na ni Zoey. Pansamantala na rin silang nakatira sa bahay ng mga de Madrid para mas mabilis ang pagpunta nila ng hospital sa oras na manganganak na siya.

Naglalakad-lakad sa hardin ng hapong yun si Zoey ng makaramdam ng paghilab ng tiyan. Kinakabahang hinawakan niya ang kanyang tiyan.

Wala pa man din si Shinrei sa bahay dahil sumaglit ito sa resort para bilinan muli ang mga staff lalo at puno na naman ng guests ang isla.

Kampante naman si Zoey na umalis ang mister dahil next week pa naman ang due date niya. Ngunit excited na ata ang anak nila at gusto ng lumabas ng maaga.

Napahugot ng malalim na hininga si Zoey ng muling humilab ang tiyan.

"Dad!!", sigaw niya habang dahan-dahang naglalakad papasok ng bahay.

"Daddy!!", muli niyang sigaw ng hindi sumagot ang ama.

"Wala ang daddy mo Zoey.", sagot ni Manang Yas na humahangos mula sa kusina pagkarinig ng tawag niya. "Bakit, manganganak ka na ba?", nanlalaki ang mga matang tanong nito ng makitang sapo-sapo ni Zoey ang tiyan."

"Sumasakit na Manang Yas.", nakangiwing sagot ni Zoey.

"Aba'y tawagan na natin ang asawa mo at ng madala ka na agad sa hospital."

Hindi pa man nakakasagot si Zoey ay bumungad naman sa pintuan ang kanyang mga kaibigan.

"Besh! May dala akong dvd. Fifty Shades Darker!", bungad ni Skylar na iwinawagayway pa ang hawak na dvd.

"Halla. Naglalabor ka na?", gulat namang tanong ni Anary ng mabistayan ang itsura ni Zoey.

"Ay! Tara na sa hospital!!", mukhang excited namang yaya ni Brix na nakasunod sa dalawa.

"Asan si Shinrei?", takang tanong din ni Iñigo na palinga-linga pa.

Habang si Cyric ay puno ang bunganga sa kinukutkot na chichiria.

Si Marion malamang ay nakaduty sa hospital kaya hind nila ito kasama ngayon.

Hindi naman alam ni Zoey kung matutuwa ba siya o maiinis sa presensya ng mga kaibigan.

"Ano dalhin ka na namin sa hospital?", muling tanong ni Anary.

Bumaling muna si Zoey kay Manang Yas bago sumagot sa kaibigan. "Manang pakibaba po dito yung mga gamit namin ni baby.", agad namang tumalima ito.

"False labor pa lang naman beshy. Maya-maya na konti.", kalmang saad ni Zoey.

"Kahit na!", giit naman ni Skylar. "At least pag andyan na talaga si baby, nasa hospital ka na."

"Kaya ko pa. Magpapadala ako pag masakit na masakit na talaga. Pakitawagan na lang si Shinrei please. Nasa isla kasi siya ngayon."

"Hay ano ba naman yang asawa mo!", palatak ni Brix habang nilalabas ang cellphone para tawagan ang kaibigan.

"Hello!", malakas na sabi ni Brix! "Hoy mister! Yung misis mo manganganak na!", walang pakundangang imporma nito.

"Uhm!", dagok ni Cyric sa kaibigan.

"Aray naman!", angal ni Brix. "Bakit?"

"Gusto mo bang languyin ni Shinrei mula resort niya hanggang dito?", nanlalaki ang mga matang sita ni Cyric.

"Eh ano ba? Dapat ba pasweet?", nakangising sabi ni Brix saka muling nilagay ang cellphone sa tenga. "Hello Shinrei. Halika na dito pare ko. Naglalabor na ang misis mo at ayaw pang magpatakbo sa hospital kasi hindi pa naman daw siya masakit na masakit.", super hinhin na na bigkas ni Brix sa kausap.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now