Undying Love: Chapter Twenty-Eight

5.2K 138 4
                                    


"Oh iho," saad ni Manang Yas kay Shinrei ng mapagbuksan niya ito ng pinto. Pinapasok ito ng guard mula sa gate. "Pasok kayo.", agad niyang utos saka tinanguan din si Iñigo na nasa likuran ni Shinrei.

"Si Zoey ho manang?", usisa ni Shinrei saka napatingin sa taas ng hagdan na para bang makikita niya doon ang asawa. Nakapameywang siyang nakatayo sa gitna ng sala. Tahimik namang umupo sa pang-isaang sofa si Iñigo.

"Hah? Ah eh. S-sandali at tatawagin ko si Ernest", iwas na sagot ni Manang Yas.

Nagkatinginan naman si Iñigo at Shinrei at muli na namang binalot ng kaba si Shinrei.

Bakit pakiramdam niya may mali. Ramdam niya ang kakaibang lungkot na bumabalot sa buong bahay. At bigla siyang nakaramdam ng takot.

"S-shinrei.", agaw-pansin ni Ernest sa kanila na lumabas sa isa sa mga kwarto malapit sa sala. "Bakit ngayon ka lang bumalik?", puno ng pagkadismayang sambit nito.

"A-anong ibig niyong sabihin dad? Asan ang asawa ko?"

Napapayukong umiling si Ernest. "Sumama siya pabalik kay Jace sa Paris."

"Ano?!", hindi makapaniwalang saad ni Shinrei.

Para siyang nabingi at paulit-ulit na nag-echo sa pandinig niya ang sinabi ng ama ng asawa.

"Sumama sa Paris..."

"Sumama sa Paris..."

"Sumama sa Paris..."

Tulala siyang nakatitig lang kai Ernest habang nag-aalalang tumayo at tinapik siya sa balikat ni Iñigo.

"Im sorry Shinrei. Sinubukan ko siyang pigilan."

"Bakit po hindi niyo agad sinabi sa akin?", puno ng hinanakit na sumbat ni Shinrei sa matandang lalaki.

"Pasensya ka na iho. Sa hiya ko sa'yo wala akong lakas ng loob na ipaalam sayo ang desisyon ni Zoey.", mapagpakumbabang saad ng ama.

"Bakit ganun na lang kung magdesisyon ang anak niyo?", sumbat ni Shinrei. "Bakit ginugusto niya ang masaktan ako? Ang pasakitan ako.", napakuyom ang mga palad ni Shinrei. Pinipigilan ang galit na nais lumabas.

"Hindi ko rin alam iho. Hindi ko alam."

Bumuntong hininga si Shinrei at pilit pinpakalma ang sarili. "Alis na po kami Tito!"

"Shin...", pigil ni Ernest.

"Wala na pong dahilan para manatili ako dito. Nagdesisyon na po ang anak niyo. Kaya wala na rin po akong karapatang tawagin kayo ng dad.", pinatigas ni Shinrei ang mukha para hindi tuluyang mapaiyak sa harap ng ama ng asawa dahil sa labis na sama ng loob. "Mag-ingat po kayo parati.", sabay tapik sa balikat ni Ernest at ura-uradang umalis.

"S-sige po tito.", paalam ni Iñigo na noon lang naisipang magsalita.

Mabigat ang loob na tumango at bumalik ng library si Ernest. Hindi naman niya masisisi ang binata kung magalit at magdamdam ito sa kanyang anak. Dahil maski sya ay nahihirapang intindihin si Zoey.

........

Pagkalabas ng magkaibigan sa bahay nila Zoey ay walang habas na pinagsisisipa ni Shinrei ang gulong ng kanyang sasakyan.

"Fcuk! Bakit Zoey! Bakit?!", galit na galit niyang sambit.

"Pare tama na yan.", alo ni Iñigo sabay hawak sa balikat ng kaibigan.

Binalingan naman siya ni Shinrei saka kwinelyuham at isinandal sa kanyang sasakyan. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

"May alam ka ba sa pag-alis ng asawa ko Iñigo?! Umamin ka! Kaya mo ba ako pinuntahan sa resort?! Kaya mo ba sinabing tinangay na ni Jace si Zoey?! Hah?! Magsalita ka?!", galit na galit na singhal ni Shinrei sa kaibigan.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now