Undying Love: Chapter Thirty

5.6K 155 13
                                    


Nasa isang VIP section ngayon ng isang restaurant si Shinrei at hinihintay ang nirekomendang abogado ni Marion na nag-i-specialize ng annulment cases.

Ramdam niya ang pagtutol ng mga kaibigan sa bigla-biglaan niyang desisyon ngunit wala sa mga ito ang naglakas-loob na awatin siya sa gusto niyang mangyari.

Hindi naman niya talaga intensyong gamitin si Cady. In fact, determinado siyang turuan ang pusong ibaling ang pagtingin dito. Though he admits that one will be hard as fcuk but he will give it a try.

Apat na araw. Apat na araw na mula ng mangyari ang lahat sa barn.

Bago niya hinatid ng araw na yun si Cady sa bahay nito ay dumaan sila sa mansyon nila.

Pormal niyang ipinakilala si Cady sa mga magulang bilang babaeng pakakasalan niya once masettle ang annulment niya kay Zoey.

Halos maghysterya ang kanyang mommy ngunit wala naman itong magawa sa huli kundi ang pumayag na rin.

Siguro nga ay halata na ang kadesperaduhan niyang maka-move on sa pasakit na dala ng pagmamahal niya kay Zoey.

Kahapon ay magkasama ulit sila ni Cady at nagpasya siyang dalawin si Ernest.

-flashback-

"Oh Shin napasyal ka?", bungad ni Ernest sa binata saka pinasadahan ng tingin ang dalagang kiming nakaupo sa tabi ni Shinrei.

"Opo tito. Gusto lang kitang kamustahin."

"Okay naman ako. Im good. Thank you for paying a visit."

"Uhm...tito...si Cady nga po pala.", pakilala ni Shinrei sa dalaga.

"H-hello po.", nahihiyang bati ni Cady at pinagsalikop ang mga kamay. "Kamusta po kayo?"

"Ayos naman ako iha. Salamat", tipid na ngumiti si Ernest sa dalaga.

"Gusto ko lang sanang magpaalam ng pormal sa'yo tito", lakas loob na sabi ni Shinrei.

"What do you mean iho?"

"Ipapawalang-bisa ko na po ang kasal namin ni Zoey.", walang gatol na saad ni Shinrei saka hinawakan ang mga kamay ni Cady. "Magpapakasal po kami ni Cady."

Napaawang naman ang mga labi ni Ernest.

"I know Im being inconsiderate kasi sinasabi ko ngayon to sa inyo. But I want to pay respect po sa inyo tito kaya pormal ko pong hihingin ang blessings niyo."

"You dont have to Shinrei.", malumanay namang sabi ni Ernest. "I wont blame you if you made this decision. You deserves to be happy."

"Thank you tito."

"Pero...", kunot noo ni Ernest. "P-papaano kung may n-nabuo..", hindi matapos-tapos ni Ernest ang sasabihin.

Napabuntong hininga si Shinrei saka sinulyapan ang dalagang nakayuko sa tabi niya. Dinampian niya ito ng magaang halik sa sentido.

"Na kay Zoey na po ang desisyon kung ipapaalam sa akin kung magkakaanak man kami o hindi tito.", baling niya sa ama ng asawa.

Si Ernest naman ngayon ang nagpakawala ng buntong hininga.

"Kung may mabuo man po at ipaalam niya, hinding-hindi ko po tatalikuran ang obligasyon ko bilang ama sa magiging anak namin. Pero kung wala naman po mas mabuti, at least wala pong inosenting madadamay sa gulo naming mag-asawa."

Napatango-tango naman si Ernest. "You can do whatever you want Shinrei. As long as you are happy. No need to have my blessings, though Im happy you choosed to informed me about this. Congratulations son!", tipid ang ngiting nakipagkamay si Ernest kay Shinrei at masuyong tinapik sa balikat si Cady.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now