just me and my wild imaginations

5.3K 84 7
                                    


Let's take a break from all the heart aches brought to us by the previous chapters,

And lemme share my kabaliwan moments yesterday:

Kahapon habang nakahiga sa kama at nagmumuni-muni (break ko kasi) at iniisip kung maju-justify ko ba yung gusto kong maging ending ng loving you, biglang may kumalabit sa akin.

Hindi ko pinansin.

Hindi ko pinansin dahil alam ko mag-isa lang ako sa kwarto!😂

Baka pagbaling ko, mukha ni Luisa Juaquin ang makita ko.

Hindi nakatiis yung nangalabit, sumitsit pa jusko!

"Pst! Baklang hampaslupa pero ubod ng ganda at seksi!"

Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman yun? Na bukod sa ubod ng ganda at seksi ako ay....bakla pala ako?😂

Pagbaling ko sa kanya. Napatda ako. Bakit? Siya lang pala...wait!

"Bakit ka andito?"

Hi otor-otoran!", ngisi niya sa akin!

"Brixnelle Alfonso Madriaga!", ngisi ko rin.

"At your service ma'am.", yukod pa nito.

"Anong kelangan mo? Nagsawa ka na sa barn?"

"Magrerequest sana ako."

"Hindi ako dj!"

"Alam ko. Sakit kaya sa tenga boses mo."

"Aba't, gusto mu bang mamatay sa ending?!"

"Ikaw naman bakla di na mabiro!"

"Bat ka ba nangungulit. Kita mong may iniisip ako."

"Merun ka?"

"Namo!"

Tinawanan lang ako ng gago.

"Since malapit na matapos yang unang story mo. Pwede magrequest?"

"Anu yun?", tirik ang mga mata kong tanong.

"Storya ko naman sunod puede?", ngiti pa niya labas pati gilagid

"Ayoko!"

"Bakit?"

"Ang landi-landi ng character mo! Hindi pa ako ready sayo. Pang hard core ka ei!"

"Grabe ka sa akin!"

Napahalakhak ako.

"Umuwi ka na!", utos ko pa. "At magpalakas ka pala."

"Bakit?"

"Magtutulak ka ng wheelchair sa ending!"

"Sa guapo kong to pagtutulakin mo lang ako ng wheelchair?!", angal pa ng hinayupak!

"Oh sige patayin ko na lang character mo!"

"Oo na payag na!", nakanguso pa

Sabay abot ko sa planner ko.

"Aanhin ko to?"

"Shunga aramedem nga pagilom ngelngel!" 😂😂😂

"Namo kang bakla ka! Bal baleg so bagtit mo!"

"Isulat mo jan pangalan mo para alam ko kelan kita gagawan ng storya mong hayerp ka!"

"Sus! Gusto mo lang ng autograph ei!"

"Nagbago ng isip ko amin na yan!"

"Biro lang! Ang pikon mo! Nireregla ba ang mga baklang kagaya mo?"

"Wala akong matris ngayon. Pinaupahan ko!"

"Naku! Lobat na yun pag-uwi!"

"Hindi pang-matagalan yun. Nakamotolite!", yabang ko naman.

"Ibang klase! Oh ayan! Sus! May mauuna pa pala kesa sakin!" (Abangan kung sino☺)

"Yiz! Kaya sorry ka na lng!", ngisi ko ulit. "San ka uuwi ngayon?"

"Sa Mandaluyong"

"Sa loob o labas?"

"Sa loob sama ka?"

"Ayoko. Hatid na lang kita. Alam ko sa Boracay ka eh."

"Ayoko dun. Nangangagat sila ng t*t* dun!"

Napahalakhak ako.

"Eh san mu gusto? Sa Chinesse Pavilion?"

"Mukha na ba akong matanda bakla?", asar ng damuho. "Dun ako sa Pavilion 13 noh!"

"Aba! Feeling mu bagets ka pa!"

"Oo naman. Pinapakamusta ka pla ni Jerusalem. Magaling na daw siya kaya makakalabas na. Pero hindi ako naniniwala."

"Bakit naman?"

"Unang tanong ko pa lang kahibangan na ang sagot."

"Ano bang tanong mo?"

"Kung anong capital ng Uganda"

"Oh magaling yun sa ganyan!"

"Mali nga ang sagot!", pinanlakihan pa ako ng mata.

"Bakit ano ba ang sagot?"

"Hmpf! Sinagot niya pangalan mo. Yung tunay mong pangalan. Yung JE-....."

Hindi na niya natuloy yung sinasabi niya. Nahablot ko kasi yung plantsa kaya naihambalos ko sa kanya.😂😂😂

"Lumayas ka sa harap kong hinayupak ka!",singhal ko.

Humalakhak lang ang buset!

"Bawasan kaya kita ng exposure?"

"Wag naman. Magpapalakas na nga ako para magtulak ng wheelchair eh. Sino ba uupo dun?"

"Secret!"

"Daya mo otor!"

"Ganern talaga! Tsupi na! Layas!"

Saka ko siya tinalikuran, nahiga at pumikit.

After few minutes, napabalikwas ako. Kelangan ko na nga atang bumisita sa Mandaluyong! Sama kayo mga beshy??😂😂😂

...

Dang! Seryoso ako sa wheelchair scene!😆
Hulaan niyo sino uupo dun!😄

P.S

Maalala ko. 22 ngayon!
Eeee.....

Ibig sabihin...

Happy mot-mot Shinrei and Zoey!😍😍😍

*sabog confetti!*
😄😄😄

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now