Undying Love: Chapter Thirty-Four

7.3K 179 13
                                    


Naging abala si Shinrei sa nakalipas na mga linggo, supervise sa resort, bidding ng binibili niyang isla at ang pagpaplano sa kasal nila ni Cady.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, natatagpuan pa rin niya ag kanyang sarili na nakatulala at nakatingin sa kawalan.

Pakiramdam niya nasa gitna siya ng kadiliman. Kumakapa.

He felt so empty. Napabuga siya ng marahas na hininga.

Lingid sa kaalaman ni Shinrei ay lihim na siyang pinapakiramdaman ni Cady.

Nasa may dalampasigan silang dalawa ngayon. Pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Parehong nakatayo. Si Cady ay nakakrus ang mga braso sa dibdib habang nakapameywang naman si Shinrei.

Katatawag lang ni Shinrei kanina sa mansyon nila at nalamang hindi pa nakakabalik ang mga magulang.

Its been three weeks! Ano bang pinagkakaabalahan nila doon. Natutukso na si Shinrei na sumunod sa mga ito lalo at nalaman niya kay Iñigo na hindi pa rin nakakabalik sina Anary.

"Iniisip mo ba siya?", walang ano-ano'y salita ni Cady sa katabi. Ilang linggo na niyang napapansing parati na lang itong nawawala sa sarili. At hindi siya manhid para hindi malaman kung bakit ito nagkakaganon.

Nilingon ni Shinrei ang kababata. "What do you mean?"

Natawa ng pagak si Cady. Saka ibinaling ang tingin sa harapan nila. "Lulubog na naman ang araw. Ang sayang pagmasdan 'no? Pero ikaw Shinrei.", baling ni Cady sa mapapangasawa. O mapapangasawa nga ba? "Masaya ka ba?"

The question caught him off guard. Napatda siya at hindi agad nakasagot. "Y-yes! Of course. Oo naman. Bakit hindi?"

Ngumiti ng mapait si Cady. "Hindi ako manhid Shinrei."

"Ano bang sinasabi mo dyan honey?", titig ni Shinrei sa dalaga saka inakbayan.

"Shin..I dont think-"

Hindi natapos ni Cady ang sinasabi dahil sa may sumigaw ng malakas.

"Fortalejo!!"

Sabay na lumingon ang dalawa sa pinanggalingan ng tinig.

At dahil hindi namalayan ni Shinrei ang paglapit ng lalaki ay hindi rin niya napaghandaan ang suntok nito.

Bumulagta siya sa buhanginan na ikinatili ni Cady.

"Fcuk!", mahinang usal ni Shinrei habang pinupunasan ang duguang ilong.

"Get up you fool!!", sigaw muli ng lalaki.

"T*ng in* mo!", galit na napabalikwas si Shinrei. "What's your problem asshole?!"

"You're asking?!", angil din ng lalaki! "My problem is you! You are such a fool!"

"Eh gago ka pala eh!", saad ni Shinrei saka sinuntok din ang lalaki!

Napatili muli si Cady. "Oh my God! Stop it! Shinrei!! JACE!!"

Nagpambuno ang dalawang lalaki sa buhanginan. Walang may gustong magpatalo. Walang pakialam kung mabasagan man sila ng mukha.

Naagaw ng atensyon ng staff ang pangyayari kaya mabilis na lumapit at umawat ang mga ito.

Si Rowell at Gi na hawak-hawak ang boss nilang si Shinrei. At si Chuy, isa sa mga stay-in lifeguard ng resort, na hawak-hawak si Jace.

"Gago ka!!", galit na galit na bulyaw ni Shinrei. "Ang lakas ng loob mong sugurin ako dito sa teritoryo ko. Bitiwan niyo ako't lulumpuhin ko ang lintik na yan!!", saad nito na akmang susugod na naman kay Jace.

"Sir tama na po", awat ni Rowell at mas lalo nilang hinigpitan ni Gi ang pakakahawak sa amo.

"Shin..tama na!!", awat din ni Cady na tumabi sa kasintahan.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now