Undying Love: Chapter Twenty-Four

6.9K 205 15
                                    


"Baby..tulala ka na naman dyan.", pansin ni Ernest sa anak. "Galit ka pa rin ba sa pagtakas ko?"

Hindi man pinapahalata pero nag-aalala na si Ernest sa nakikitang gawi ng anak mula ng dumating siya galing ng Cebu. Dalawang araw na itong laging wala sa sarili. Ni hindi siya kinagalitan nito ng magkita sila.

Gaya ngayon, nasa sala sila nanonood ng t.v ngunit napapansin niyang wala naman sa pinapanood ang atensyon ni Zoey.

At mukha ring hindi siya narinig nito kaya hindi niya napigilan iwagayway ang mga kamay sa harap ng mukha nito pero ni hindi man lang kumurap kaya pinisil na niya ang ilong ng anak.

"Dad!", angal ni Zoey habang hinimas himas ang ilong.

"Kinakausap kita pero ni hindi ka na naman kumikibo. Ano bang problema mo anak?"

"W-wala dad.", iwas ni Zoey saka umayos ng upo at nagkunwaring engrossed sa pinapanood.

Flashback

Hindi mapakali si Zoey ng makaalis sila ni Skylar sa coffee shop. Kaya naman makalipas ang ilang oras ay bumalik siya doon hoping na maabutan pa niya si Luisa. May gusto siyang malaman at linawin mula dito.

Pagkadating dun ay dumiretso siya sa counter ng makita si Joyce na hinuha niya ay siyang may-ari ng shop.

"Miss, uhm...andito pa ba si Luisa?", tanong ni Zoey.

Tinignan naman siya ni Joyce. "Ikaw yung babaeng kasama ni Shinrei kanina di ba?"

Tumango naman si Zoey saka ngumiti.

"Si Luisa nasa locker room na. Magpapalit na kasi ng shift. Antayin mo na lang lalabas na rin yun."

"Ok. Salamat.", saad ni Zoey saka naghanap ng mauupuan.

Maya-maya naman ay nakita na niya ang babaeng hinahanap at dahan-dahang naglalakad palapit sa kinauupuan niya.

"H-hinahanap mo raw ako?"

Tinapunan ni Zoey ng tingin ang babae bago sinenyasang maupo.

"May gusto sana akong malaman.", umpisa niya.

"Ano yun?", tanong naman ni Luisa.

"Bakit takot na takot ka kay Shinrei kanina? Anong nangyari? Anong ibig sabihin ng mga narinig ko?"

Para namang nalito si Luisa kaya natigilan siya.

"Please tell me everything", patuloy ni Zoey saka hinawakan ang mga palad ni Luisa na nanlalamig na. "I need to know why."

"Im....I'm sorry Zoey. Sorry sa nagawa ko dati. H-hindi totoong may nangyari sa amin ni Shinrei n-nung nakita mo kami sa barn.", naluluhang titig ni Luisa kay Zoey.

"N-nagawa ko lang yun kasi....kasi gusto kong mabaling ang atensyon ni Shinrei sa akin. May...m-may gusto ako kay Shinrei dati.", patuloy ni Luisa.

Hindi naman makuhang magreact ni Zoey dahil pinoproseso pa ng utak niya ang mga sinasabi ni Luisa.

"Kaya gumawa ako ng plano. Ang paghiwalayin kayo at paniwalain si Shinrei na may nangyari sa amin.", saka bumuntong hininga si Luisa.

"Nung nalaman kong nag-iinuman sila sa barn ni Iñigo, palihim akong pumasok. At umayon sa akin ang pagkakataon, naiwang tulog si Shinrei sa couch. H-hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Sabihin ng desperada na ako ng mga oras na yun kaya nagawa kong hubaran si Shinrei. At kuhanan kami ng larawan. S-saka ko sinend sayo.", yukong pag-amin niya.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now