Undying Love: Chapter One

18.2K 352 5
                                    

"I love you" she whispered and glance to him. Pero mukhang hindi nito narinig ang bulong niya dahil nakatutok ito sa binabasang libro.

Mapait siyang napangiti at umiwas ng tingin. Tumingala sya sa kalangitan at marahas na napabuga ng hangin para pakalmahin ang damdamin. She's in the verge of crying but she doesn't want him to see her cry.

Pinagmasdan na lang niya ang malawak na field sa loob ng campus nila kung saan may mangilan-ngilan ding nakatambay sa lilim ng mga puno kagaya nila.

Siya si Zoey Eris de Madrid. Labing pitong taong gulang at nag-iisang anak ng isang kilalang businessman sa bansa na si Ernest de Madrid. Ang mama naman niya ay sa ibang bansa nakapirmi mula pa noong limang taong gulang pa lamang sya. Hiwalay na ang mga ito dahil hindi magkasundo sa halos lahat ng bagay. Palibhasa ay arrange marriage lang ang nangyari sa mga magulang nya.

Lumingon ulit siya sa lalaking katabi niya na busy pa rin sa pagbabasa.
"Shinrei", usal niya sa pangalan nito.

Tinignan sya nito at ngumiti sa kanya. "Yes babe?"

Gusto niyang ulitin ang binulong niya kanina pero nagbago ang isip. Nginitian na lang niya din ito at umiling siya na ikinanuot naman ng noo ng binata.

"Is there any problem babe?" Shinrei asked.

Actually narinig niya ang binulong ng dalaga kanina. Nagkunwari lang siyang hindi narinig at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Mahal niya ito. Mahal na mahal. Pero alam niyang sa pagsapit ng ika-labing walong kaarawan ni Zoey ay ang pag alis naman ng dalaga sa bansa.

Kaya kahit gusto niya itong sagutin ay hindi niya magawa dahil natatakot siya. Natatakot siyang iwan nito.

Shinrei Vaughn Fortalejo. Unico hijo ng alkalde sa kanilang bayan. Guapo, mabait, mayaman at hindi gaya ng ibang anak mayaman na barumbado at brat!

Mag-iisang taon na silang magkasintahan. At hindi lingid iyon sa kanilang mga pamilya. Kahit mga bata pa sila ay boto ang mga ito sa kanila. Palibhasa ay hindi naman sila nagpapabaya sa pag-aaral at alam ang kanilang limitasyon.

"N-nothing babe", sabay iling na sagot ni Zoey.

Napahinga naman ng malalim si Shinrei at tinitigan ang dalaga. "You sure?"

Zoey nodded and starred away from him. She couldn't look at him too long. She knew there's this unfinished business that they must resolve.

Hindi lingid sa kaalaman ng nobyo ang pag-alis niya ng Pilipinas pagsapit ng debut nia. Napagkasunduan ng kanyang mommy at daddy na sa poder naman siya ng ina mamalagi.

"You want to go home now?", muling tanong ng nobyo.

"Shin...n-next month na ang...."

"Babe...can we just drop that subject for now?"

"Pero babe.."

"Fine! So what do you want me to do? Magtatatalon dahil sa wakas magdedebut ka na?", napipikang saad ng binata.

Napamaang na tumitig si Zoey sa kasintahan. Kapagkuwa'y naluluhang nagsalita. "That's not what I mean babe. Please dont be like that..."

"Tss! Come on. Ihahatid na kita..", ani Shinrei at iniligpit na ang kanilang gamit sabay marahas na tumayo at nagsimulang maglakad papuntang parking lot ng kanilang paaralan.

Napahingang malalim si Zoey at patamad na tumayo at sinundan ang binata.

Wala silang imikan habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Zoey. Pagkadating dun ay ni hindi na rin bumaba ang binata at paharurot na umalis. Naluluhang pinakatitigan na lamang ni Zoey ang sasakyan ng nobyo hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.

She doesn't want to leave but she misses her mother too. Even if her mother's not with her physically, hindi yun naging hadlang para mawalan sila ng komunikasyon. Her mother made sure of that.

Kaya every holidays and vacation silang dalawa ang magkasama.
She just hope na sana maintindihan din ni Shinrei ang dilemma na kanyang pinagdadaanan.

Though mahal na mahal niya ito ay hindi naman niya mapahindian ang kahilingan ng mommy niya na makasama sya ng matagal.

After ng debut niya ay tatapusin na lang niya ang semester na naienroll niya ngayon at aalis na siya ng bansa.

Napabuntong hininga na lang siyang pumasok sa kanilang bahay at dumiretso sa kanyang silid. Tinignan niya ang kanyang cellphone at nagpadala ng text sa binata.

Zoey: Drive carefully babe. I love you.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now