Undying Love: Chapter Twenty

6.2K 235 12
                                    


Mabilis na naisugod nina Zoey at Jace sa hospital si Ernest at ipinagpasalamat sa Diyos ni Zoey na ligtas na ang ama.

Kasalukuyan silang nasa private room ng hospital dahil hindi pumayag ang dalaga na hindi nasisigurong okay na nga ang ama.

"I told you baby, I'm fine now. No need na para ipa-admit pa ako dito.", protesta ng ama.

"No dad. Wag matigas ang ulo mo.", sansala naman ni Zoey sa ama.

Habang tahimik namang nakaupo si Jace sa upuan.

"I have a lot of documents to sign", muling saad ni Ernest.

"That can wait dad! Tsaka mas iisipin mo pa yun kesa sa health mo?"

Napabuntong hininga naman si Ernest.

Nakarinig sila ng katok at bumukas ang pinto. Pumasok ang doktor at isang nurse.

"Dr. Campado pakisabi nga dito sa anak ko na ayos lang ako at pwede na kaming umuwi.", agad na sabi ni Ernest at pinangunahan pa ang doktor.

"Hindi ka pa rin nagbabago Ernest. Ayaw mu pa rin ng minamanduhan. Im sorry to tell you this pero kelangan mo ng mahaba-habang pahinga kung ayaw mong matuloy sa heart attack yang paninikip ng dibdib mo.", natatawang saad ni Dr. Marlbien Campado. Matalik na kaibigan ni Ernest.

"Sus! Tigilan mo ako Marl! Mas malakas pa ako sa kalabaw!", angal naman ni Ernest.

"Ikaw ang tumigil dad. Kung kinakailangang igapos kita sa kama gagawin ko makapagpahinga ka lang. Di ba tito Marl?"

"Precisely, Zoey.", sang-ayon naman ni Dr. Marl.

Napasimangot naman si Ernest ngunit hindi na nagsalita.

Humahangos na Shinrei naman ang biglaang pumasok sa kwarto at diretso agad sa kama para kamustahin si Ernest.

"What happened to you old man?", tanong agad ni Shinrei. "Itinawag sa akin ni Manang Yas ang nangyari. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakabalik ng isla."

"You worry too much young man.", panggagaya naman ni Ernest kay Shinrei. "Ayos lang ako. Kaya ko pang mag-alaga ng magiging apo ko. Kaya bilis bilisan mo naman ang pagkilos at nasasabik na ako sa apo.", walang pakundangang saad pa nito.

"Hahahah Dad! Hindi naman ganun kadali yun.", tawang sagot naman ni Shinrei.

Naguguluhan, naiinis at nagsasalubong ang kilay ni Zoey sa naririnig na pag-uusap ng dalawa. "Since when did he start calling my dad a dad?? Apo?! Ganon na ba sila ka-close para dito siya manghingi ng apo eh ako ang anak??", bubulong-bulong na wika ni Zoey.

"Bweno Ernest. Magra-rounds pa ako. Zoey iha, sa'yo ko na ibibilin ang daddy mong may matigas na bungo. Bawal ma-stress, bawal magpagod okay?", ani Dr. Campado.

"Okay tito Marl! Thanks!"

Tumango lang ang doktor saka tinapik sa balikat si Shinrei bago lumabas.

"May gusto ka bang kainin dad?", pagkuwa'y tanong ni Shinrei kay Ernest na nagpataas ng isang kilay ni Zoey.

"Excuse me?", agaw pansin ni Zoey. "Ako po ang anak dito.", mataray niyang sabi.

Natahimik naman si Shinrei saka tumingin kay Ernest.

"Dont be rude iha.", agad namang sagot ni Ernest.

"I am not. Besides I did not even invite him to come. I know you're a busy man Mr. Fortalejo so you may go now.", masungit pa ring sabi ni Zoey.

"Zoey Eris!", hindi na napigilang sita ni Ernest.

Napairap naman sa hangin si Zoey. Tumayo at lumapit sa kasintahang matamang nakikinig lang sa kanila.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now