Undying Love: Chapter Seven

7.3K 198 7
                                    


Isang linggo na mula ng iwan si Zoey ng nobyo sa duyan. Isang linggo ng hindi sila nagkikita at ni hindi man lang magparamdam ang binata sa kanya.

Malungkot na naglalakad si Zoey sa corridor ng makitang makakasalubong niya si Brix. Lumiwanag ang kanyang mukha at patakbong lumapit sa binata.

"Brix!", nakangiting tawag ni Zoey kay Brix.

Mukha namang nagulat si Brix pagkakita sa kanya at bahagyang umilap ang mga mata sa dalaga. "Oh,ikaw pala Zoey! Kamusta?", kiming bati rin ni Brix.

"Ok lang naman. Nakita mo ba si Shinrei?"

"Ahh...ehh...hindi eh."

Matamang tinitigan ni Zoey si Brix. Inaarok kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.

"Tsk! You're lying", nakasimangot na puna ng dalaga.

Napakamot naman sa ulo si Brix. "Of course not.", anito.

Napailing naman si Zoey. "Never mind. Just tell him always be safe and I missed him already", saad ng dalaga at pilit ang ngiting nilampasan si Brix.

Naaawa namang tinignan na lang ni Brix ang papalayong dalaga. Alam niya kung nasaan si Shinrei pero matigas siyang sinabihan ni Shinrei na huwag na huwag magsasabi kay Zoey.

Napailing na lang ang binata at ngpatuloy na rin sa paglalakad.

.......

Nagmamadaling pumasok sa gate ng campus si Zoey. Foundation Day ngayon sa kanilang unibersidad. Madami-daming nagkalat na booth pero wala siyang panahon para silipin ang mga ito dahil may programa din ang kanilang department at kailangan nilang magperform dahil ang mahaderang si Propesora Gurang-Gurang ay nanakot na mangbabagsak sa klase kung walang representative ang kanilang block. Kaya naman napilitan silang magkakaklase na magperform. Napagkasunduan nilang bumuo ng banda na siyang tutugtog habang ang iba ay sasayaw.

"Kung bakit naman kasi ang laking paepal ng Gurang-Gurang na yun!", nabubwiset na anas ni Zoey habang mabibilis ang hakbang papunta ng gym.

Nang walang anu-ano'y may humarang sa kanyang dalawang lalaking estudyante at pinosasan siya sa kanang kamay.

"Wait..what are you doing?!",pagalit na sita ni Zoey sa dalawa.

"Wedding booth ate pasensya na", nakangiti namang paliwanag ng isang lalaki.

"No...hindi ako pwede! May program ang department namin ngayon sa gym at magpeperform kami."

Sa narinig ay nilagyan din ng isa pang lalaki ang kaliwang kamay niya ng posas. Kaya naman magkabilaang kamay nia ang may posas ngayon.

"Fcuk", mahinang mura ni Zoey.

"Dont worry ate, kami na bahala sa professor mo."

"Ate pasensya na pero kelangan po namin kayo lagyan ng blindfold"

"What?! Nakaposas na nga may blindfold pa?!", naaasar ng sigaw ni Zoey.

"Part of the game po", magalang namang tugon ng mga estudyante.

......

"Mga gago kayo! Iñigo palabasin nyo ako dito ano ba!", nagwawalang sigaw ni Shinrei sa mga kaibigan.

Kasalukuyang nasa loob ng improvised cell si Shinrei na nasa wedding booth.

"Wag kang mainip pare", nakangiti namang sagot ni Iñigo. "Parating na ang bride mo."

"Ipagdasal mong hindi kita mahahabol oras na makalabas ako dito dahil babangasin ko talaga yang pagmumukha mo Iñigo Marcos!", galit pa ring sabi ni Shinrei.

"Kung magagawa mo pa akong habulin", nang-aasar ding sabi ni Iñigo.

Pabagsak na umupo at sumandal na lang si Shinrei sabay pikit. Kung bakit naman kasi nagpahila pa siya sa tukmol na kaibigan niya di sana ay wala siya dito ngayon sa bwiset na seldang to.

Maya-maya ay narinig niya si Iñigo na may kausap sa cellphone nito.

"Hello?....Asan na kayo?", balisang tanong ni Iñigo. "Aba'y dali-dalian nyu naman! Kasama kayo dito tapos kayo pa wala! Mga panget na Monay!", natatawang sabi pa nito.

Nang biglang may bumatok dito ng malakas.

"Anong sabi mo?!", mala-dragonang asik ni Anary kay Iñigo.

Biglang napatayo si Shinrei pagkakita kay Anary at Skylar na kasama na ulit si Ian Alcan. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Tigilan mo yang pagtitig mu kay Ian Shinrei!", nakapameywang at nanlalaki ang mga matang sita sa kanya ni Skylar.

"Tsk!", pairap na turan ni Shinrei at muling umupo.

Lumapit sa kanya si Cyric. "Pare,cooperate. Kelangan ka namin iblindfold."

"Wag niyo nga akong isama sa mga kalokohan niyo.", naiirita pa ring asik ni Shinrei.

"Dali na para matapos na", pamimilit naman ni Cyric.

Gustuhing mang umayaw pero wala na ring nagawa si Shinrei ng pati si Anary at Skylar ay pinandilatan na siya.

"At ano ang ginagawa ng kambal na mangkukulam na gaya niyo dito?", mapang asar na lang na tanong ni Shinrei sa dalawang dalaga.

"Paki mo!", mataray namang sagot ni Anary. "Hoy ikaw unggoy", baling nito kay Iñigo.

"Bakit Simang?", nakangisi namang sagot ni Iñigo.

"Yung papel, ok na?", tanong ni Anary

"Oo naman ako pa!", nagmamalaki namang sagot ni Iñigo.

"Yabang!! Wag mo lang kalimutang papirmahin ang ikakasal mamaya. Sasamain ka sa aking unggoy ka!"

"Yes Simang my labs", sabay kindat pa ni Iñigo sa dalaga.

"Yuck! Kadiri ka!!", patili namang bulalas ni Anary.

.....

"BABE?!", sabay na bulalas ni Shinrei at Zoey ng maalis ang kanilang mga blindfolds.

Nakatayo sila pareho sa arko na napapalamutian ng iba't ibang bulaklak at mga lobo.
Sa gilid nila ay may nakatayong lalaki na magsisilbing Pari na siyang mangkakasal kuno sa kanila.

Nanatili namang magkatitig ang magkasintahan. Hindi alam kung ano ang sasabihin.

Hindi na napigilan ni Zoey ang mapaiyak pagkakita sa nobyo. Mahigit isang linggo itong hindi nagparamdam sa kanya.

"Babe...", masuyo namang alo ni Shinrei at niyakap ang dalaga. "I-im sorry"

Patuloy namang umiiyak si Zoey. Hindi pa niya napapansin na nasa paligid lang nila ang kanilang mga kaibigan.

"Im sorry...",muling bulong sa kanya ni Shinrei. "Hindi ko dapat ginawa ang pagtaguan ka. Pero babe nagpalipas lang ako ng sama ng loob. Para makaya ko ang mapasaya ka bago ka man lang umalis at iwan ako. Patawarin mo ako babe", naluluha na ring saad ni Shinrei.

Tumingala si Zoey at pinakatitigan ang nobyo. Sinapo niya ng dalawang palad ang mukha ng nobyo at dinampian ng mabilis na halik sa mga labi.

"Forget it babe. Just dont do it again.", nakangiti pero lumuluhang sambit ni Zoey.

Napangiti na rin si Shinrei at niyakap ang kasintahan. Muli silang nagharap at akmang hahalikan niya ang dalaga ng biglang may pumigil sa kanya.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora