Undying Love: Chapter Two

9.6K 258 5
                                    


Pabalibag na ibinaba ni Shinrei ang kanyang cellphone sa side table at marahas na ibinagsak ang katawan sa kanyang higaan.

Kahit ayaw niyang magalit ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Ayaw niyang maging makasarili pero alam niya sa sarili niyang ayaw niyang mapalayo sa dalaga.
Marahas siyang napabuga ng hangin at tumitig sa kisame ng kanyang kwarto.

"What should I do?", kausap nito sa sarili.

Napabaling siya sa kanyang cellphone ng tumunog ito. Wala sana siyang balak sagutin pero patuloy lng ito sa pagtunog. Inabot niya ito at tinignan ang tumatawag.

Iñigo calling...

Patamad niyang sinagot ang tawag ng kanyang matalik na kaibigan. "Hey Nigs"

"Yow Shin! Where are you?", agad na bati ni Iñigo

"Home.."

"Come over. We're here in the barn"

"Nah! Baka mamaya kasama nyo na naman ang kulto ng mga mangkukulam!", napapailing niyang sagot sa kaibigan.

"Hahahahahah! Can you blame them? Ei patay na patay sila sayo. Come on dude. Naggagandahang mga chikababes pero dinidedma mo."

"Igaya mo naman ako sayo na halos lahat ng babae niyayari",natatawang saad niya

"Can't help it man. Sila naman ang lumalapit hindi ako", mayabang na sagot naman ni iñigo.

"Ewan ko sayo pare."

"So are you coming over?"

"Tell me first who are you with? Ayokong magkarun ng problema with Zoey, Iñigo...alam mu yan.."

"So faithful bf eh", nang-aasar na saad ni Iñigo sabay tawa neto. "Anyway...no girls! Just the rest of the gang. I promise!"

"Okey, give me a minute...", sagot niya at ibinaba na ang tawag. Pumasok siya sa banyo na nasa loob din ng kwarto niya at naligo.

Ilang sandali pa ay nasa daan na siya papunta ng barn kung saan ang tambayan nilang magkakaibigan.

Pag aari ito ng pamilya ni Iñigo.
Naabutan niyang masayang nag iinuman ang mga ito. Napangiti siya. Parang kelan lang ay mga bata pa lang silang bagong tuli. Ngaun ay mga binata ng walang alam kundi ang magbilang ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanila.

Sila ni Iñigo ang magkaibigan na mula pa pagkabata. Nakilala nila sina Cyric, Brix at Marion nung nasa high school na sila. At hanggang ngayong college ay sila pa rin ang magkakatropa!

"Shinrei,my boy!", masayang bungad ni Brix sa kanya.

Habang initsahan naman siya ni Marion ng canned beer na agad naman niyang nasalo gamit ang isang kamay lang.

"Woah! Still got them good reflexes huh", nakangising sabi ni Cyric.

Napangisi lng siya at umupo na sa bakanteng upuan sa tabi ni Iñigo.

"So what's our agenda for today?", tanong niya habang binubuksan ang lata ng beer.

"Wala naman..pamparelax lng",saad naman ni Iñigo.

Nagkibit balikat na lang si Shinrei sabay lagok sa hawak niyang beer.

......

Napatingin sa orasan si Zoey pagkapasok niya ng kwarto pagkatapos niyang kumain ng dinner. Alas otso na pero wala pa ring txt ni isa si Shinrei sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan ang binata pero ring lng ito ng ring. Naka ilang subok siya pero wala pa ring sumasagot hanggang sa napagod na rin siya at inihagis ang kanyang cellphone sa kama.

Narinig niyang may kumatok sa pinto bago ito bumukas. Bumungad dito ang kanyang ama na kadarating lang mula sa kanyang opisina.

"Hey baby", nakangiting bungad nito sa kanya.

"Hi Dad!", masaya naman niyang bati at magiliw na nilapitan ito at hinalikan sa pisngi.

"Have you eaten your dinner yet?", tanong ng ama.

"Katatapos lang Dad. How about you?"

"Im done. I had a dinner meeting with the Montefalcos. Anyway, an event planner will come over tomorrow for your bday celebration. What time will you be available?"

"Uhm...I..uhm...maybe in the afternoon Dad. Around 4pm?", she hesitantly answered which made her father frown.

"Are you alright baby?"

"Yes Dad", pabuntong hininga niyang sabi at naupo sa gilid ng kanyang kama. "Its just that....", pambibitin pa niyang sabi.

"Baby...you should be happy. You will be introduce to the society as a lady now."

"I am Dad. Im just kinda sad kasi after that I'll be leaving for Paris na", malungkot na sagot niya.

Napabuntong hininga naman ang ama at lumapit sa kanya at umupo sa tabi.

"Anak...if you dont want to go, you can say no. Maybe your mother can understand."

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now