Undying Love: Chapter Thirty-Eight

7.5K 191 1
                                    

Masayang pinagmamasdan ni Zoey ang photo album ng kasal nila ng mister dalawang buwan na ang nakakaraan.

Dalawang buwan na ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari.

Naalala niya ang ginawang surprise number ng asawa at ng mga kaibigan nilang lalaki sa reception ng kasal nila.

Nag sing and dance ang mga ito sa harap niya. Nag mala-One Direction ang mga magkakaibigan na ikinaenjoy naman ng mga bisita at hindi lamang siya.

Napapangiting hinaplos niya ang may kalakihan na niyang tiyan. Nasa first month na siya ng last trimester niya. Dalawang buwan na lang at masisilayan na nila ni Shinrei ang kanilang unang supling.

A week after their wedding ay nagpaultrasound siya para malaman nila ang gender ng baby.

Gusto nga sana niyang gawing sorpresa ngunit KJ ang asawa at ito pa talaga ang excited na malaman ang kasarian ng anak nila.

Ang ending tuloy, hind pa man lumalabas si baby ay puno na ang nursery na sadyang pinagawa ni Shinrei malapit sa master's bedroom ng mga gamit para sa baby nila.

Nang malaman nga ng mga kaibigan at magulang nila ay kanya-kanyang bili at bigay ito ng mga regalo para sa baby sa kabila ng pagpoprotesta niya.

Nahihinuha na niyang magiging spoiled ang anak niya hindi pa man lumalabas.

She continued to flip the photo album until she saw a group picture of them with their friends.

Who would have thought na ang mga aso't pusa kung mag-iringan noon ay nagtuturingan ng magkakapatid ngayon.

Natuon ang tingin niya sa mag-asawang Anary at Iñigo na magkatabi sa larawan, she silently wished for them to have a baby soon.

Ramdam niyang sabik na ang dalawa na magka-anak. Lalo sa tuwing dadalaw si Anary sa kanya dito sa isla ay panay ang haplos nito sa tiyan niya.

Bihira na rin kasi siyang makapasyal sa mga ito, kahit ang pumunta sa barn o ang mamasyal man lang sa mall ng bayan nila. Maski ang pumunta sa bahay ng daddy niya ay bibihira na rin niyang magawa. Ayaw kasi ni Shinrei ang lagi niyang pagparoo't parito dahil kinakailangan pa niyang sumakay ng bangka sa tuwing aalis siya. Kaya naman kung gusto siyang makita ng mga kaibigan at ng daddy niya ay sila ang dumadayo sa isla.

Sometimes she felt suffocated. Pero pag naiisip niya na masasaktan niya ang damdamin ng asawa pag sinabi niya ditong nababagot siya ay ipinagsasawalang bahala na lang ni Zoey ang nararamdaman.

She diverted her attention by sketching new gowns for her portfolio. Hindi pa niya alam kung ipagpapatuloy pa niya ang pagiging fashion designer. Hindi pa kasi nila napag-uusapan yun ni Shinrei.

As per her modelling career, si Shinrei na mismo ang kumausap sa mommy ni Zoey na hinding hindi na babalik sa pagmomodelo ang asawa na sinang-ayunan naman agad ni MariDel.

Updated pa rin naman siya sa fashion world. Salamat sa malakas at mabilis na internet connection sa isla. Kaya hindi na siya umangal sa naging desisyon ng mister.

Nakangiting tumayo at ibinalik ni Zoey ang album sa filing cabinet. Saka lumabas ng kwarto at hinanap ang asawa.

Nahalughog na niya ang buong resthouse ay hindi pa rin niya ito makita kaya nagtungo siya sa resort.

Nakasalubong naman niya sa receiving area si Jen.

"Jen.", tawag ni Zoey dito.

"Ma'am Zoey!", nakangiti ring bungad nito sa kanya.

"Si Shinrei ba nandito?"

"Ay opo! Nasa office po niya."

"Ah ok sige salamat. Puntahan ko na lang dun ha?"

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin