Undying Love: Chapter Thirty-Three

6.5K 159 9
                                    


Walang tigil ang pag paroo't paritong paglalakad ni MariDel sa labas ng emergency room.

Kipkip niya ang kanyang cellphone na para bang dun nakasalalay ang kaligtasan ng anak at ng apo.

Nasa isang tabi at nakaupo naman sa silya si Jam na siyang kasama niyang nagdala kay Zoey sa hospital.

Nasa labas naman ang driver nila at nag-aantay sa kotse.

Nakita niyang pahangos na tumatakbo si Jace. Tinawagan niya ito habang asa daan sila kanina papuntang hospital. Napatigil siya sa paglalakad at hinantay ang binatang makalapit.

"What happened?", alalang bungad ni Jace sa ina ni Zoey.

"She's bleeding."

"Oh God.", napasapo sa batok na saad ni Jace saka tumingala.

"What does the doctor say?", muling tanong ng binata.

Umiling lang si MariDel. "They are still checking up on her."

Napabuntong hininga si Jace at sinilip ang medyo nakaawang na pinto ng emergency room ngunit nakasara ang kurtinang pinaglagyan kay Zoey.

Sumulyap muli si MariDel sa kanyang cellphone. May gusto siyang tawagan kanina pa ngunit nagdadalawang isip siya.

Sabay-sabay ang tatlong bumaling sa umawang na pinto at sabay ding lumapit si MariDel at Jace sa doktor habang napatayo naman si Jam.

"How is she?"

"How's my daughter doc?",

Halos magkapanabay na tanong ng dalawa. Nag-alis naman muna ng face mask ang doktor bago nagsalita.

"She nearly lose the baby.", iling na saad ng doktor na ikinasinghap ni MariDel. Napatiim bagang naman s Jace habang tahimik na nakikinig si Jam.

"Good thing you came at the right time. She suffers spotting.It is normal during pregnancy but if this will occur frequently Im afraid this might result to miscarriage.", saad ng doktor.

"I suggest try to avoid giving her stress. Anyway I will prescribed medicines for her and for the baby to reduce the risk of miscarriage."

"O-okay thank you doc!", pasalamat ni MariDel.

"And talk to her always. Never leave her alone. Im afraid she also suffers depression. That might be a big factor why she's stressed. We will admit her tonight and for the following days to further assess her condition and to monitor for possible bleedings.", tango ng doktor saka nagpaalam.

"I will coordinate with the staff Ma'am to get Ms. Z's private suite.", boluntaryo ni Jam na tinanguan lang ni MariDel.

Muling sinulyapan ang cellphone at hindi na napigilang tawagan ang kanina pa gustong makausap.

"Hello Ernest"

........

Umagang-umaga pa lang ay nasa mansyon na ng mga Fortalejo si Ernest. Tinawagan siya ng dating asawa kaninang madaling araw upang ipaalam ang kalagayan ng kanilang anak....at ng kanilang apo.

Masaya siya sa balitang magkakaroon na siya ng apo ngunit dagli din itong napalitan ng pag-aalala dahil sa posibilidad na makunan ang anak.

Kaya naman nais niyang makausap ang mag-asawang Fortalejo upang ipaalam sa kanila ang balita.

"Sir,", magalang na sabi ng kasambahay. "Nasa likod bahay po sila Mayor at Madam. Sunod na lang po kayo sa akin"

Tumango lang si Ernest saka tahimik na sinundan ang kasambahay.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now