Undying Love: Chapter Thirty-Six

8.1K 187 5
                                    


Kahit gusto ng iuwi ni Shinrei ang kanyang asawa sa Pilipinas ay hindi pa pwede hangga't walang clearance ng OB ni Zoey.

Kaya naman nanatili pa sila sa Paris hanggang sa matapos ang first trimester ng pagbubuntis ni Zoey para makasigurado sa kaligtasan ng mag-ina.

Samantalang si Ernest ay nauna ng umuwi ng Pinas at nasa isip na naman ang mga negosyo nito.

Kasalukuyan silang nasa teresang mag-asawa at nagpapahangin ng mapadako ang usapin nila sa biglaang desisyon ng pagpapakasal ni Shinrei kay Cady.

"Babe I have a question.", says Zoey.

"What?", tanong naman ni Shinrei na hindi inaalis ang mata sa magazine n hawak-hawak.

"Why the sudden decision to marry Cady?", usisa ni Zoey na tinitigan ang reaksyon ng asawa.

Blangko namang napatingin si Shinrei kay Zoey. "I was hurt. Out of desperation maybe. Iwanan mo ba naman ako ng walang paalam.",saka muling itinuon ang mata sa magazine na binabasa.

Napatda naman si Zoey. Ano yun nagbackfire agad yung tanong niya?

"I-i was left with no choice."

Patamad na muling sumulyap si Shinrei sa katabi. "That's not an acceptable reason babe. Asawa mo ako pero sa kanya ka pa rin sumama."

"Im sorry.", anas ni Zoey sabay yuko. "Maybe it was all my fault.", saka nag angat ng tingin sa asawa. "Even yung kay Luisa dati. She was right, if I really love you, dapat pinakinggan kita at hindi itinaboy."

"Nagkausap kayo?", tanong ni Shinrei.

Tumango naman si Zoey. "Binalikan ko siya noon sa coffee shop. Why did you do those things to her family babe?"

Nagsalubong naman ang kilay ni Shinrei. "She deserves it! Nanggulo siya ng relasyon so suffer the consequences."

"Forgive her babe."

Napabuntong hininga naman si Shinrei. "Forget it! It all belongs to our past. At least we've learned our lessons. But...you do love me right? You do trust me this time right?", kunot noong tanong niya.

"Of course! Magpapabuntis ba ako sayo kung hindi", nakalabing saad ni Zoey.

Shinrei just grin from ear to ear. "Good."

Umingos lang naman si Zoey.

Akala ni Shinrei tapos na ang pagtatanong ng asawa pero may kasunod pa pala ito.

"Pumayag naman siya knowing na magiging panakip-butas lang siya?"

"Uh-uhm", sagot lang ni Shinrei.

"Bakit?", kulit naman ni Zoey.

"I dont know. Maybe because pinilit ko siya."

"Pinilit mo?!", napataas ng bahagya ang boses ni Zoey.

Nagtataka namang napasulyap muli si Shinrei sa asawa. "Why?"

Umirap lang si Zoey saka sumandal sa kanyang upuan.

"Are you jealous?", manghang saad ni Shinrei.

Napanguso naman si Zoey at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Napapangiti si Shinrei habang pinagmamasdan ang nakangusong asawa. Lately napapansin niyang nagiging mannerism na nito ang pagnguso-nguso. And he finds it so cute. So Zoey!

"Tss! You dont have to, babe. Besides siya naman ang umayaw. Siya na ang nagpalaya sa akin."

"So kung hindi siya nag let go magpapakasal ka talaga sa kanya?!", nanlalaki ang butas ng ilong na singhal ni Zoey sa mister.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now