Undying Love: Chapter Thirty-Eight

Start from the beginning
                                    

"Sige po ma'am. Walang problema.", nakangiti namang sabi ni Jen at sinamahan pa si Zoey hanggang pinto at pinagbukas ito.

Nagpasalamat naman si Zoey sa sekretrya bago tuluyang pumasok.

Nangunot ang noo niya ng walang Shinrei sa loob.

Lalabas na sana siya ng maulinigan ang boses nito sa banyo na tila ba may kausap.

Lumapit siya sa pinto at nagpasalamat ng lihim na bahagyang bukas iyon.

Tahimik siyang nakinig sa asawa.

"Ano ka ba wala yun.... What are friends are for.... Hah? Bat naman siya magagalit eh wala naman tayong ginagawang masama.... hahahah siraulo! Of course I will always be here for you. You must always remember that."

Nagsalubong ang kilay ni Zoey sa mga narinig. Sino na naman ba ang kausap ng malandi niyang asawa?

Nagsawa na ba agad ito sa kanya? Naghahanap na ba ng iba para mapagbigyan ang init ng katawan?
Nagkukulang na ba siya dito?

Can she blame him anyway?
And then it hits her! The last time they made love to was during their honeymoon night!

Sa takot niyang baka kung ano ang mangyari sa baby nila ay limitado lang ang pagbibigay niya sa asawa.

Knowing her husband's intense love making, plus his king's size of a monstrous sex, baka nga bigla na lang syang mapaanak ng maaga kung hahayaan niyang panay-panayin siya nito.

And because of her hormonal changes, hindi niya mapigilan ang papasibol na selos at galit sa dibdib niya ngayon.

Lalo pa siyang nagimbal sa sumunod na narinig mula sa asawa.

"You know I love you Cady. You can always depend on me."

Natutop ni Zoey ang bibig sa takot na makagawa ng ingay. Nanghihina siyang naglakad palapit at napahawak sa office table ni Shinrei.

Pinilit niya pakalmahin ang sarili ngunit pakiramdam niya nadudurog ang kanyang pagkatao. Bahagya ring may kirot siyang naramdaman sa bandang puson.

"Relax Zoey. Isipin mo si baby", kausap ni Zoey sa sarili habang hinihimas himas ang tiyan.

Napaunat siya ng pagkakatayo ng bumukas ang pinto ng banyo.

Pareho silang nagkagulatan ni Shinrei at walang may gustong maunang magsalita sa kanila.

"B-babe!", gulat na saad ni Shinrei. Bigla ang pagdagundong ng kaba sa dibdib.

Hindi na niya kailangang magtanong pa. Based on his wife's aura, nasisiguro niyang narinig nito ang pakikipag-usap niya kay Cady.

Napalunok na lang siya ng malakas. Lalo na ng tumalim ang tingin nito sa kanya.

Hindi naman napigilan ni Zoey ang sarili. Kaya ng maramdamang humupa ang kirot sa puson ay mabilis na nadampot ni Zoey ang unang unang nahagip ng kanyang mga mata. Ang lagayan ng ballpen ng mister na nasa lamesa.

Nagpupuyos na ibinato niya ito sa asawa na agad naman nakailag kaya tumama lang iyon sa pader.

"Babe!!", sigaw ni Shinrei upang pigilan si Zoey. "Let me explain babe!!"

"Explain?!", bulyaw naman ni Zoey habang ang stapler naman ngayon ang nadampot. "Puny*ta ka! Hayop ka!", sabay bato na naman kay Shinrei.

Muling nakailag si Shinrei. "Babe. Its not what you think. Pakinggan mo ako.", mahinahong samo ni Shinrei sa asawa.

"P*t*ng'na naman Shinrei!", galit pa ring saad ni Zoey. Hindi na nakontento at pinagbabato na lahat ng makita sa ibabaw ng mesa ng asawa.

Lalong nag-init ang ulo niya ng makakita ng babasaging ashtray na may upos pa ng sigarilyo.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now