Undying Love: Chapter Thirty-Six

Beginne am Anfang
                                    

Napahalakhak naman si Shinrei. "You are so cute Mrs. Fortalejo.", amused na palatak niya.

Matalim na irap naman ang isinagot ni Zoey.

"Drop the subject babe. She is a friend. No need to be too harsh on her."

"Am I?!", naiiritang singhal muli ni Zoey. "A friend na may lihim na pagnanasa sayo? Fcuk it!"

"Babe!!"

Zoey just tsked. But then she grinned. "So if you and Cady are friends, ibig sabihin no big deal din yung friendship namin ni Jace? Na ok lang kaming magkita?"

"Hell no!!!", biglang angat ng boses ni Shinrei.

"You are being unfair!", protesta ni Zoey.

"If I say no,its a no! And that's final!",salubong ang kilay na saad ni Shinrei. "And what is this?", pagpapalit ni Shinrei sa pinag-uusapan nila.

"What?", patay malisyang tanong ni Zoey.

"What what your face babe. Bakit ka pumayag mag-pose with this skimpy costumes?!", sabay ladlad pa nito sa magazine na hawak sa pagmumukha ni Zoey.

"What? Your gorgeous wifey happens to be a model.", depensa naman ni Zoey saka marahang inagaw ang magazine at pinagmasdan ang kanyang larawang naka-bikini. "Aren't you supposed to be proud of it?", panggagatong pa ni Zoey sa nakikitang inis ng asawa.

Dumilim naman ang mukha ni Shinrei. "You let them see your bare skin?!"

"Babe! Ang tagal-tagal na nito!", natatawang sabi ni Zoey.

"Kahit na! Tatawa-tawa ka pa dyan!"

"Bat ba ang init ng ulo mo?", kunot-noong tanong ni Zoey.

"Wala!", pasupladong sagot naman ni Shinrei.

"Pangit!", bulong naman ni Zoey.

"Narinig ko yun babe."

"Whatever!"

.......

Mahimbing na natutulog isang hapon si Zoey ng dahan-dahang tumabi si Shinrei.

Pinagsawa niya ang mga mata sa maamong mukha nito. Hindi nakatiis at dinapian niya ng magaang halik ang bahagyang naka-awang na mga labi ng asawa.

Hindi naman nagising si Zoey. Pero may plano si Shinrei para sa gabing yun. Kaya kailangan na niya itong gisingin dahil alam niyang magtatagal na naman itong mag-ayos ng sarili.

"Babe...", anas niya sa tenga ni Zoey. Hindi pa siya nakuntento ay hinipan-hipan ang palibot ng tenga.

Zoey just tsked, stir and continue sleeping.

"Babe...", muling anas ni Shinrei. He leaned closer and nibbled his wife's earlobe.

Zoey groan her protest. "Antok pa.", she mumbled.

"Wake up sleepyhead!", malamyos ang tinig na sabi ni Shinrei.

Muling umungol ng protesta si Zoey. Hinagilap ang unan at itinakip sa mukha.

Natatawang pilit inaalis ito ni Shinrei.

"Isa babe!", napipikon ng bulyaw ni Zoey sa asawa.

"Bangon na kasi babe.", lambing naman ni Shinrei, isiniksik pa ang mukha sa leeg ng nakatalikod na si Zoey at sininghot-singhot ito.

"Naiinis na ako Shinrei!", nakanguso na namang sikmat ni Zoey saka tumihaya.

Dinampian lang ni Shinrei ng halik sa labi ang asawa. "Bangon na babe. Labas tayo."

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt