Chapter 34

10.8K 194 10
                                    

I was making breakfast for two nang marinig kong may nabasag sa kwarto ni Nico. Pinatay ko agad ang stove at tumakbo papunta sa kwarto niya.

"What ha—"

Naabutan ko ang dalawa na nagpupulot ng basag na salamin sa sahig habang pareho pang nakasuot ng pantulog. Agad silang kumilos para ituro ang isa't isa.

"It's Dad."

"It's Nico."

Hindi ko na napigilang idantay ang kamay ko sa baywang ko habang pinagmamasdan sila. "Pang-ilang salamin na 'yan?"

They both laughed kaya lumapit na ako para tumulong pero pareho nilang hinarang ang kamay nila sa paa ko.

Ngumiti sa 'kin si Nico. "Kami nang bahala rito, Mama. Hindi ka pwedeng masugatan."

Ngumuso ako at ginulo ang buhok niya. "So ikaw, pwede?"

"Yes, I'm strong now. 'Tsaka gagaling naman ako agad sa magic ihip mo, e."

Tumawa naman agad si Gino kaya saglit kong kinurot ang tainga niya. "Sige na, clean this up tapos mag-breakfast na."

The media pestered us with ambush interviews after what Dexter did pero ilang araw na pananahimik lang, tumigil din sila. Now I got to take Nico to school dahil walang paparazzi na sumusunod sa 'kin.

"Bye, Ma!" Tumayo siya mula sa backseat para mahalikan ako at ma-fist bump naman si Gino. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa gate.

Nilingon ko naman si Gino habang nangingiti sa cellphone niya. "Is that a girl?" tanong ko.

Umiling siya agad at itinago ang cellphone. "Wala na 'kong oras para diyan."

Tumawa ako habang inililiko ang sasakyan. "One way or another, you know you're gonna have to find one."

"I have Nico, at kuntento na 'ko. Pero ikaw, you should find someone. Iba-iba tayo ng fulfillment sa buhay."

Ngumiti ako at tumanaw sa labas. Hmm, fulfillment.

Nang maihatid ko si Gino sa station, pumunta na ako sa isang hotel kung saan gaganapin ang audition para sa isang restaurant. Ilang araw kong hinintay ito at ngayong malapit na, hindi ako makapaniwalang kinakabahan na naman ako.

Naghahanap ng brand ambassador ang chain restaurant ni Eros para gumanap sa isang commercial at um-attend ng mga event. Nang malaman ko 'to kay Tana, sinigurado ko agad na makapagpapadala kami ng talent.

Si Beila, ang half-Filipina at half-Thai artist namin ang pinili naming mag-audition para dito. Bukod sa kinakabahan ako para sa kaniya, kinakabahan din ako dahil makikita ko si Eros ngayon.

Pagdating ko sa hall, puno na ng mga staff ang paligid, nakaayos na ang long table kung saan uupo ang mga judge at sa likod naman, may mga upuan para sa mga bisita. Natanaw ko agad si Tana na iginiya ako sa isang upuan.

"Ma'am after this, kapag nakuha si Beila, celebration's on her daw."

Tumango ako habang nakatanaw sa mga judge na isa-isang dumarating. "Count me in."

"Noted, Ma'am."

Nakapasa si Beila sa unang screening at ngayon na sasabihin ang mapipiling ambassador. Lahat ng gagawin dito ay ginawa na sa unang screening pero ngayon, mga judge na ang magde-decide kung sino ang gusto nila.

Maya-maya, natanaw ko si Eros na nakipag-kamay sa iba pang judge. Lumakas ang bulungan ng mga tao sa paligid habang pabalik-balik ang tingin nila kay Eros. Nangingiti ang halos lahat ng babae rito habang pinagmamasdan siya.

When Liars PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon