Chapter 7

16.4K 331 47
                                    

"Stay away from her," banta ni Mr. Delvan kay Sir Eros. "She's a daughter of those parasites—"

"I said enough!" sipat ni Sir Eros.

Mabilis kong nilakad ang distansya palapit sa lamesa ni Mr. Delvan. Pinulot ko ang sign pen at itinutok sa mukha niya ang talim nito.

Sumigaw si Mrs. Delvan sa likod, "What the hell!"

Hinablot ni Sir Eros ang braso ko pero hindi ako nagpatinag. Tinapatan ko ang tingin ni Mr. Delvan, hindi makakurap dahil sa gulat. "Babagsak sa harap mo lahat ng pinaghirapan mo. Lahat-lahat," bulong ko.

"Clariz . . ." tawag ni Sir Eros bago ako hinila nang tuluyan.

Ibinagsak ko ang ballpen sa lamesa at binawi ang braso ko kay Sir Eros.

"You, bitch!" Sumugod sa 'kin si Mrs. Delvan pero pinanood ko si Sir Eros na iharang ang braso niya.

Tinaasan ko ng kilay ang babae at saka ngumisi. "You can't even get your son to be on your side. Who's the real bitch?" tanong ko.

Unti-unti niyang nilingon si Sir Eros nang matanto ang sinabi ko. Tinulak niya ang braso ng anak niya at saka umatras. "Ilabas mo rito ang babaeng 'yan," utos niya. Nanggigigil pero walang magawa.

Lumabas ako sa silid at dire-diretsong naglakad pabalik sa hagdan.

"That was unnecessary," bulong ni Sir Eros sa likod ko.

Hinarap ko siya. Saglit kaming nagtitigan bago nangilid ang luha ko. Kuhang-kuha niya ang mukha ng tatay niya. Nasasaktan ako sa nakikita ko. "Gusto ko silang magdusa."

"Rage is toxic, Clariz."

Ngumisi ako. "But injustice is deadly, isn't it?"

Hindi siya nakasagot.

Paglabas ko ng mansyon, huminga ako nang malalim habang nagpupunas ng luha. Para akong nanggaling sa lungga ng demonyo. Literal.

Tinitigan ko lang ang kotse niya nang makalapit ako. Nagdalawang-isip ako kung sasabay pa ba ako pagkatapos ng nangyari.

Binuksan niya ang pinto. "Let's not fight, please," sabi niya.

Kumirot ang dibdib ko. Bakit niya pa naging magulang ang mag-asawang 'yon? Ang sakit magkagusto sa kaniya. Sobra.

Sumakay ako sa kotse niya at tahimik na tumanaw sa labas. Maya-maya, huminto kami sa tapat ng isang ice cream parlor. Nilingon ko siya agad pero mabilis siyang bumaba. Pinagbuksan niya 'ko kaya sumunod naman ako sa labas.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.

Ngumiti lang siya at saka hinila ang pulsuhan ko. Parang kuryenteng dumaloy ang haplos niya.

"Large. Isang mocha at cookies and cream. Dine in," sabi niya sa cashier.

Naupo ako sa bakanteng lamesa at pinanood siya. Inabot niya ang card sa kahera.

"May gwapo," bulong ng isang babae sa kabilang lamesa, may kasama siyang tatlo pa. Sinulyap-sulyapan nila si Sir Eros habang nangingiti.

"Ang tangkad pa."

"Ta's maganda 'yong tindig."

Inisa-isa na nila ang mga kapuri-puri kay Sir Eros.

"Nandiyan 'yong kasama," bulong ng isa. Tumigil sila sa pag-uusap at tumingin sa 'kin. Lumingon ako sa labas para iwasan ang tingin nila.

Naupo na si Sir Eros sa tapat ko. Nakatalikod siya sa mga babae kaya hindi niya napansing sumusulyap pa rin sila.

Hinuhuli niya ang tingin ko kaya tinignan ko na rin siya. "I hope this makes you feel better," sabi niya.

When Liars PlayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt