Chapter 32

9.8K 188 9
                                    

Four years later

It's been four years since I lost my parents and since the Delvan father and son were convicted. They filed an appeal but justice reigned. We won, and I get to live the life that I deserve.

Kung nandito sina Mama at Papa, alam kong masaya sila para sa 'kin.

"Are we late?" tanong ko kay Gino.

Ngumiti siya habang nagmamaneho. "Hindi nga, 4 P.M. pa 'yon."

"Talaga ba? Akala ko 3?"

Natawa siya at pinisil ang pisngi ko. Pagdating namin sa school ni Nico, dumiretso kami sa venue kung saan gaganapin ang results night ng Mr. and Ms. Fort Stane. Grade 5 na siya ngayon at siya ang representative ng batch nila. Pagdating namin, naupo kami agad sa bakanteng pwesto at naghintay. Nilingon ko si Gino na abala sa cellphone niya.

"I thought we'll give our 100% to Nico today?"

Ngumiti siya at bumuntonghininga. "Sorry, sorry."

Nang magsimula ang program, maraming nag-perform. Ni-replay rin ang video ng talent portion at muli silang rumampa habang suot ang national costume na napili nila. Pumalakpak ako agad nang makita si Nico habang confident na naglalakad. Hinanap niya kami sa crowd at nangilid ang luha ko nang ngumiti siya sa 'kin.

"Tumatanda na talaga siya."

"At tumatanda siyang mabait at masunurin dahil sa 'yo."

Nginitian ko si Gino at muling bumaling sa stage.

"Good evening, Fort Stane, parents and teachers. Tonight, we will crown our Mr. and Ms. Fort Stane! May we call on stage Mr. Sandoval to announce our winners."

Nagpalakpakan kami habang umaakyat ang isang lalaki sa stage.

"Good evening, Fort Stane. Our Mr. Fort Stane 2nd placer..."

"... Nico Angelo Fernan!"

Pumalakpak kami lalo at inilabas ko ang cellphone ko para makunan siya ng picture.

"Congrats, Nico!" sigaw ko mula rito.

Pagkatapos ng program, inabangan namin siya sa labas ng venue.

"Mama!"

Nilingon ko siya nang tumakbo siya galing sa isang pinto. Niyakap ko siya agad at pinisil ang ilong niya. "Ang galing-galing mo!" Pinanggigilan ko na ang pisngi niya habang naglalakad kami.

"Sorry po, 2nd place lang."

Nagkatinginan kami agad ni Gino habang hindi ko mapigil ang ngiti ko. "Kami ng Papa mo, hindi nanalo-nalo sa ganiyan kaya be proud of yourself."

Hinalikan ko siya sa pisngi pero umiwas siya habang natatawa. "Mama, big boy na 'ko."

Sarkastiko akong ngumiti. "Ako nga, 26 lang ginawa mong mama kaya bakit hindi kita pwedeng ituring na 10 years old lang?"

Tumawa lang siya kaya ginulo ko lalo ang buhok niya. Nang humarap ako sa daan, natigilan ako nang matanaw ang isang pamilyar na pigura.

Nakasuot siya ng faded jeans at kulay puting polo shirt. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang braso niyang mas nahubog at ang panga niyang may kaunti nang balbas.

Eros matured... very well.

Napansin ko rin ang bitbit niyang batang babae habang inaayos ang clip nito sa buhok. Nang matanaw niya kami, natigilan din siya at dahan-dahang humarap sa 'min.

"Una na kami sa sasakyan?" bulong ni Gino sa tabi ko pero umiling ako.

"Hintayin n'yo na 'ko. Saglit lang 'to."

When Liars PlayWhere stories live. Discover now