Chapter 20

10.7K 205 6
                                    

Pinindot niya ang pass code ng unit niya kaya awtomatikong itong bumukas. Nang maitulak niya ang pinto, pumasok ako at inilibot ang tingin.

"Welcome to my sanctuary," aniya.

Nilingon ko siya at nginitian. "Ang ganda ng ayos nito."

Naupo ako sa sofa habang siya, lumapit sa estante ng TV at pinindot ang remote. "Enjoy yourself. Magluluto lang ako."

Mabilis na dumapo ang paningin ko sa mga magazine na nakapatong sa coffee table sa harap ko. Oh. Naging cover din pala siya ng mga business mag. Kinuha ko 'yon at binasa.

Eric Delvan, Successful at 27. Napangiti ako agad nang sumagi sa isip ko ang cover ng magazine sa condo ni Eros. Mas bagay siyang maging model.

Sumandal ako sa sofa at binasa ang magazine. Isang taon pagkatapos niyang maka-graduate, binuo niya agad ang sarili niyang courier company. Mula sa dalawang palapag na opisina, lumago ito at ngayon, may sarili nang gusali para sa lahat ng logistics at operation ng kompaniya. Pero hindi niya itinanggi na nadala ng privilege niya ang pagpapalago nito dahil kilala ang Papa niya kaya nakahakot agad siya ng investors.

"'No'ng sinabi mo na galing sa hirap ang Papa mo, paano siya yumaman?"

Hindi siya sumagot kaya natigilan din ako. Shit.

Hindi si Eric ang nagkwento sa 'kin no'n.

"Eros must've told you?" tanong niya.

Tipid akong ngumiti. "Nalilito talaga ako minsan."

Ngumiti rin siya at bumaling ulit sa ginagawa. "Mekaniko si Lolo kaya nahirapan si Papa makapagtapos, pero no'ng naka-graduate siya, sa Manila agad siya nagtrabaho kasi mas maraming opportunity."

"So 'yon lang? Yumaman lang siya sa pagtatrabaho?"

Tumawa siya at umiling. "Siyempre hindi. Nag-ipon siya tapos sinimulan niya 'yong sarili niyang talyer. 'Yong talyer naging bus company, tapos nagkaroon na siya ng iba pang negosyo pagkatapos no'n."

Marahan akong tumango at tiniklop ang magazine.

Saglit niya akong nilingon. "Napag-isipan mo na ba 'yong offer ko?"

Kinuha ko ang isang throw pillow at niyakap. "Hindi pa. Saka na kapag nakita ko na 'yong offer ng school. Sine-seminar pa 'yong ibang course sa college namin, kaya hindi pa nila binibigay 'yong listahan."

Sumandal ako sa sofa at pumikit saglit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod mula sa mga subject ko kanina.

"Clariz..."

Dumilat ako at kinusot ang mata. Nang mapagtanto kong nakatulog ako, naupo ako agad nang diretso at tumingin sa paligid. "Pasensya na, napagod lang ako."

Marahan siyang umiling. "It's okay. Tapos na 'kong magluto, kumain na tayo?" Sobrang malumanay ng boses niya at agad na kumirot ang puso ko habang iniisip na baka hindi na ako kausapin ni Sir Eros tulad nang ganito.

Iginiya niya ako sa lamesa kaya naupo ako at pinagmasdan ang luto niya. Kare-kare at adobong manok. Ngumiti ako agad at hinayaan siyang ipagsandok ako.

"Mukhang masarap."

"Tikman mo muna. Baka ma-disappoint ka."

Lalo akong napangiti at sinimulan nang kumain. "Hmm, tama naman ako. Masarap nga." Huminga siya nang maluwag habang nangingiti rin bago sinimulan nang kumain. Nilingon ko siya at pinagmasdan. "Nagka-girlfriend ka na ba?"

"I don't do commitments. Sex lang paminsan-minsan."

Marahan akong tumango at bumaling na sa pagkain.

"Noon," dugtong niya.

When Liars PlayWhere stories live. Discover now