Chapter 31

9.9K 185 20
                                    

Four months later

Suot ko pa ang uniform ko sa OJT, pero dumiretso na kami ni Officer Reyes sa mall para bumili ng cake at nagmadaling pumunta sa ospital. Pagpasok ko sa kwarto ni Nico, sinalubong ko siya ng malawak na ngiti.

"Nandito na 'ko!"

"Ate!"

Pumalakpak siya agad habang malawak din ang ngiti. Lumapit ako para yakapin siya pero hindi ko na mayadong hinigpitan.

"Oh, 'di ba, sabi ko sa 'yo, kaya mo 'yong surgery mo, e!"

"Tinuruan n'yo po ako ni Kuya Gino maging strong."

Tumango ako at hinalikan siya sa noo bago inangat ang cake. "Alam kong hinintay mo 'to!"

Pumalakpak siya at excited na inusog ang lamesa sa harap niya. Binalingan ko naman si Gino na abala sa laptop niya. Ngumiti siya sa 'kin at tumango.

Lumapit ako sa lamesa at nag-slice ng cake. Ang isa, inilapag ko sa lamesa ni Nico. "At ito ang reward mo dahil naging strong ka."

"Ate, kailan ka matatapos sa work mo?"

Naupo ako sa harap niya at inabutan siya ng tinidor. "Patapos na rin. Bakit mo natanong?"

"Kapag nakalabas na 'ko rito, tapos pareho kayong may work ni Kuya Gino, saan na po ako dadalhin kung wala na 'kong Mama at Papa at ate 'tsaka kuya?"

Tipid ako ngumiti habang pinagmamasdan siya. "Sige ganito, kapag good boy ka palagi at kapag fully recovered ka na, may surprise si ate."

"Ano pong surprise?"

Natawa ako at ginulo ang buhok niya. "Surprise nga, e. Kumain ka na. Matutunaw na 'yong icing niyan."

Hinalikan ko siya sa pisngi at saka naupo sa sofa katabi ni Gino. "Cake?"

Ngumiti siya at marahang umiling. "Mamaya."

"Masarap 'to. Ako pumili nito, e."

Lumingon siya sa 'kin habang nangingiti. "Wala kang ka-stress stress, bukas na 'yong verdict."

Bumuntonghininga ako at tipid na ngumiti. "Pwede bang kalimutan muna natin ang ibang bagay at mag-focus sa mas mahalaga?" Nilingon ko si Nico. "Katatapos lang ng surgery niya at wala siyang mga magulang sa tabi niya." Saka ako bumaling ulit kay Gino. "Pwede bang magpaka-nanay at tatay muna tayo sa kaniya? Kahit ilang oras lang." Pinagmasdan niya ako nang mabuti kaya tumaas-baba ang kilay ko. "Deal?"

Kinuha niya ang cake at tinidor sa kamay ko habang nagpipigil ng ngiti. "Masarap 'to, ha?"

Lumapit ako sa lamesa at nag-slice din ng cake para ibigay kay Officer Reyes at sa iba pang nagbabantay na pulis. Nanood kaming tatlo ng movie at hinayaan si Nico na mag-storytelling dahil gusto niya raw mag-practice na magsalita sa harap ng maraming tao. Inayos namin ang mga stuff toy niya sa tabi ng kama niya para magsilbing audience.

Katabi ko si Gino sa sofa habang sabay naming pinanonood si Nico. Hindi ko maiwasang matuwa dahil napakabibo niya na kahit kagagaling lang sa surgery.

Hindi perpekto ang buhay ko at hindi ko naisip na makakakilala ako ng mga bagong taong pahahalagahan ko pero masarap sa pakiramdam na may iniingatan ako ulit.

Pagdilat ko, naramdaman ko agad nna akasandal ako sa braso ni Gino. Pareho kaming nakahiga sa sofa pero halatang nahihirapan siya dahil siya ang nasa gilid. Dahan-dahan akong naupo at hinila siya palapit sa 'kin para hindi siya mahulog. Saglit ko siyang pinagmasdan. Nakikita ko ang pagod sa itsura niya kahit hindi siya nagpapahalata. Minsan, naririnig ko siyang napa-frustrate sa kausap niya kapag walang lead sa mga hinahanap nila pero nagagawa niya pang mag-stay dito sa ospital.

When Liars PlayWhere stories live. Discover now