Chapter 17

10.8K 223 10
                                    

Pagkatapos niyang manitig, nagkibit-balikat siya. "Hmm, bakit ikaw? Siguro, dapat nating sisihin ang curiosity ko."

"Bakit?"

Tumikhim siya at umayos ng upo. "It was summer. Noong hindi pa nabibili ang lupa ninyo, halos isang buwan akong pabalik-balik sa inyo para i-assess ang property. Tapos lagi kitang nakikita sa palayan doon lang sa likod ng mga kabahayan n'yo. At 'yong isang buwan, na-extend sa dalawa hanggang tatlo, para lang makita kita roon. Until you stopped coming. Nagsimula na pala ang klase mo no'n."

Suminghal ako at tinitigan siya. "Mukha ba akong nakikipaglokohan, Eric? I want the truth."

Ngumiti siya. "Chill, it's the truth. Take it or leave it."

Napasandal ako sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan siya. "Ano ba talagang kailangan mo sa 'kin?"

Ngumuso siya na tila nag-iisip. Napakurap ako nang maisip na parang si Sir Eros talaga ang kasama ko. Tumikhim ako at uminom ng tubig.

"Hindi ko pa pwedeng sabihin, baka matakot ka."

Ibinaba ko ang baso ng tubig. "Hindi ako natatakot sa 'yo. Sabihin mo na ngayon kung ano'ng kailangan mo sa 'kin."

Huminga siya nang malalim habang hindi pinuputol ang tingin namin. "I want your love, Clariz. Your soul, your body, all of you."

Hindi ako nakapagsalita agad habang nakatitig sa kaniya. Lumunok ako habang pinagmamasdan ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa 'kin. Sinungaling.

"'Wag mo 'kong gawing tanga. Isang araw, kayo ang umagaw sa lupa namin, tapos sa susunod, nandito ka't nangungulit? Sa tingin mo, maniniwala ako riyan?"

Marahan siyang umiling. "You don't have to. Hayaan mo lang akong patunayan."

Natigilan ako ulit. That's it. Kanina ko pa siya sinusungitan pero hindi siya nauubusan ng pasensya. Malaki ang tiyansang sinasakyan niya lang din itong nangyayari.

Tinapos ko na ang pagkain ko nang hindi umiimik. Maiganti ko lang sina Mama at Papa, aalis na 'ko rito, para hindi ko na makita ang kahit sino sa kanila. Gusto kong magsimula ulit. 'Yong walang nagpapaalala sa 'kin sa masalimuot na nangyari sa mga magulang ko.

Nakarating din kami sa apartment ko nang walang imikan. Hindi ko gusto ang katahimikang ganito pero ayoko nang magsimula ng usapan, dahil nade-drain ang utak ko sa tuwing kausap ko siya.

Nilingon ko siya nang makababa kami sa sasakyan niya. "Salamat."

Tumango naman siya habang nilalaro ang susi. "Pasensya na kung nabigla ka sa mga sagot ko kanina, pero hindi ako nagsisisi. Hindi rin kita minamadali, kaya hayaan mo lang sana akong makita ka paminsan-minsan. Hindi kita iistorbohin sa pag-aaral o trabaho mo. Kapag lang may libre kang oras."

Namungay ang mga mata niya at kahit mukha siyang namamalimos ng atensyon, wala akong maramdamang kahit ano. Wala rin naman akong balak magpatangay sa mga salita niya kaya nagkibit-balikat lang ako at ngumiti.

Pinanood ko ang sasakyan niyang umandar palayo hanggang sa panibagong sasakyan ang natanaw ko. Napasinghap ako agad nang makalapit ito. Huminto ang sasakyan sa mismong harap ko at saka bumukas ang pinto.

Bumaba si Sir Eros at umikot para makalapit sa 'kin. Bumigat agad ang pakiramdam ko nang makita ang pagod sa mga mata niya. Nakakunot ang noo niya at tikom ang bibig habang nakatingin sa 'kin. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. "Anong oras na. Bakit ka nandito, Sir?"

"Nagpalit ka ng damit. Sa'n kayo galing?"

Bumuntonghininga ako at pinantayan ang tingin niya. "Bakit ba... Hindi mo na kailangang malaman."

When Liars PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon