Chapter 19

10.1K 163 6
                                    

Lumingon ako sa paligid dahil talagang dito pa kami sa gitna ng hallway huminto sa paglalakad. "Maniningil ako."

Natahimik siya habang nakatingin sa 'kin. "Paano ka naman makakasingil sa pagsama mo sa kaniya mag-lunch?"

"Magtiwala ka na lang sa 'kin."

"Girl, nume-next level 'yon sa tatay niya 'di ba? Paano kung mamamatay-tao rin 'yon?"

"Walang usad sina Officer Gino. Nagmamanman na sila sa mga Delvan pero hindi 'yon sapat dahil siguradong hindi naman magpapahuli basta-basta ang mga 'yon. Kailangan kong makalapit at makapasok kung gusto kong may malaman."

Wala rin siyang nagawa kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Pagbaba namin sa building, natanaw ko agad si Eric sa lobby kaya natigilan ako. Pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng dumadaan dahil siguradong naguguluhan sila. Kamukha ni Sir Eros pero hindi niya kapareho ng tindig at pangangatawan.

Nilingon ko si Anjie. "Ayokong ipakilala ka. Doon ka na sa kabilang exit dumaan papunta sa cafeteria."

"Clariz naman, e. Mapapahamak ka sa ginagawa mo."

"Sige na, malilipasan ka na ng gutom." Nauna na 'kong maglakad at nagtungo palapit kay Eric.

Tipid siyang ngumiti. "Ang dami ko nang napagtanungan para lang malaman kung nasaan ka." Hindi ako umimik kaya tumikhim siya. "Hahayaan mo ba 'kong magpaliwanag?"

"Nagugutom na 'ko. Kumain na muna tayo."

Tumango siya agad at saka iginaya ang daan palabas. Habang naglalakad patungo sa parking area, itinuro niya ang direksyon ng pinanggalingan namin. "Kaibigan mo?"

"Sino?"

"'Yong kasama mo kanina."

"Ah, hindi. President sa isang org, nire-recruit ako."

Tumango siya at pinagmasdan ang paligid habang sabay kaming naglalakad. "Wala ka bang malalapit na kaibigan?"

Tumikhim ako at pinanatili ang tingin sa harapan. "Meron. Pero naiwan sila sa probinsya. Hindi ko na rin sila masyadong nakakausap. Dito, nakakausap ko naman 'yong mga kaklase ko kahit papano. Hindi kasi ako mahilig makipag-socialize."

Lumingon siya sa 'kin habang nilalaro ang hawak niyang suki. "Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano."

Marahan siyang tumawa kaya napalingon ako. Sa ganitong view, kamukhang-kamukha niya si Sir Eros. Agad akong umiling para iwaksi ang iniisip.

"Mahirap yatang lutuin ang kahit ano."

Napangiti ako agad at muling napailing. Kung pakuluan kaya kita sa tubig at ilaga?

Habang nasa biyahe, inabala ko ang sarili sa paggawa ng origami gamit ang resibong nakuha ko sa dashboard niya. "Ilang babae na ang naipagluto mo?"

"Ikaw pa lang kung sakali."

Saglit ko siyang nilingon habang nakatitig siya sa daan. "Hindi mo man lang pinagluluto ang Mama mo?"

"Sino, 'yong nasa bahay?"

Nilingon ko siya ulit. "May nanay ka pa ba sa ibang bahay? Sa dalawang pwerta ka ba lumabas?"

Tumawa siya agad at umiling. "'Yong nakilala mo, hindi siya ang biological mother ko."

Itinigil ko ang pagtitiklop ng papel at pinagmasdan siya. "Talaga?"

"Namatay ang totoong nanay namin noong ten years old kami ni Eros. Unfortunately, hindi pa ako marunong magluto no'n."

"So galit ka sa stepmother mo?"

Kumuyom ang panga niya bago pumihit para iliko ang sasakyan. "She seduces old men bago niya nakilala si Papa. Si Papa na ang huling biktima niya." Marahan akong tumango. Hindi ako makapaniwalang magiging bukas siya nang ganito tungkol sa parteng 'yan.

"I hate users," dugtong pa niya.

Umismid ako at pinagpatuloy ang paggawa ng origami. Kung magsalita siya, akala mo kung sinong santo.

Bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan sa tapat ng isang matayog na building bago tinahak ang daan patungong basement. Bumaba na kami at sabay na nagtungo sa elevator habang pinapawi ko ang nararamdaman kong kaba. Ang nag-iisang condo na napuntahan ko ay kay Sir Eros lang at ngayon, papasok ako sa condo ng kambal niya, pero mas nakakakaba ito.

Lumingon siya agad sa 'kin pagpasok namin sa elevator. "Komportable ka bang samahan ako sa condo ko?"

Umismid ako at tumingala sa nagbabagong numero sa itaas. "Nandito na tayo, ngayon mo lang naisipang itanong? Bakit, may gagawin ka ba?"

Agad siyang umiling. "Bukod sa ipagluto ka, wala na. Kung meron pa, siguro kapag ni-request mo na."

Pinilit ko na lang ngumiti nang hindi lumilingon.

Papunta ka sa lungga ng leon, Clariz. Sana makalabas ka nang buhay.

When Liars PlayWhere stories live. Discover now