Chapter 25

9.8K 181 1
                                    

"Good evening, everyone." Nilingon namin ang host ng party na nasa stage. "Mr. Domingo will now enter the hall. Let's give him a warm round of applause."

Lumakas lalo ang tugtog at saka kami sabay-sabay na lumingon sa entrance. Pumasok ang matanda kasama ang asawa niya at dalawang bodyguard sa likod. Kumaway siya sa mga kakilala bago huminto sa lamesa namin. Hindi niya pa ako napapansin hanggang sa makaupo siya sa tabi ni Eric.

Agad na napawi ang ngiti niya at sinamaan ako ng tingin. "Paano ka nakapunta rito?"

Hinawakan ni Eric ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "Ako ang nagdala sa kaniya rito, Pa. It's your birthday, kalimutan na muna natin ang away."

Pinilit kong ngumiti.

Hindi madaling kalimutan ang lahat.

Hinaplos ko ang tainga ko para pawiin ang bulong.

"Get her out of here."

Lumapit agad sa 'kin ang dalawang bodyguard pero humigpit ang kapit ni Eric sa kamay ko. "Kung paalisin n'yo siya, aalis na rin ako."

Natigil ang dalawang bodyguard kaya nilingon ko sila, pero napaigtad ako nang matanaw ang suot na singsing ng isa. Agad akong lumingon sa isa pang lalaki at nakita din ang suot niyang singsing.

"Are you okay?" bulong ni Eric sa gilid ko. Lumunok ako agad at pinilit na ngumiti.

Hindi ko sigurado kung tama ang naiisip ko pero kapareho nila ng singsing ang sa riding in tandem na pumatay kay Mama. Naupo ako nang diretso habang si Eric, bumaling sa tatay niya.

"Get your bodyguards out of here, Pa."

Wala ring nagawa ang matanda kaya pinaalis niya ang dalawang bodyguard. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa huminto sila sa gilid ng pader at parehong nakatanaw sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at bumaling na sa host nang magsalita ito,

"Dinner will now be served but we also have a buffet around."

Lumapit ang mga waiter para magdala ng pagkain. Maya-maya, napako ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki. Anong ginawa niya rito? Lumapit siya agad sa matandang Delvan.

"Good evening, Sir."

Naupo siya sa tabi ni Sir Eros at saka ako napansin. Pareho kaming natigilan kaya lumingon din sila sa 'kin. Itinuro ni Eric si Wilson habang nakangiti.

"Do you know him?"

Marahan akong tumango. "He's my..."

"Ex," dugtong ni Wilson sa sasabihin ko.

Suminghal ang matanda habang nakatingin sa 'kin. "Bakit ba hindi ka maalis-alis sa buhay namin? Para kang linta na pilit kumakapit."

Lumaban ka, Clariz. Marami ka nang nagawa para magpatalo pa ngayon.

Ngumiti ako sa matanda at saka bumaling kay Wilson. "Hindi ko naman po kasi alam na..." Pinasadahan ko ng tingin si Wilson. "Na mapapadpad siya rito."

"Siya ang personal assistant ni Papa," ang sabi ni Eric sa gilid ko.

Mas lumawak ang ngiti ko nang hindi inaalis ang tingin ko kay Wilson. "Akala ko ba pangarap mong maging businessman? Bakit assistant ka lang ng businessman ngayon?"

Bumuntonghininga ang mag-asawa habang tahimik naman ang magkapatid. Sinamaan ako agad ni Wilson ng tingin. "May dangal sa pagigising assistant."

Ng mamamatay-tao? Marahan akong tumawa at tumango.

"You're right. Nice to see you again, Wilson."

Tumango lang siya at pare-pareho na kaming nagsimulang kumain. May mga nagperform din na mukhang anak ng mga kasosyo nila sa negosyo. Habang nagpa-piano sa harap ang isang teenager na lalaki, tumango si Wilson at nagtungo sa isa pang pinto.

When Liars Playजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें