Chapter 28

9.3K 175 3
                                    

Kinaumagahan, nakipagkita ako kay Anjie sa rooftop ng HEDA Building dito sa school. Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin habang hinihintay siya.

Maya-maya, narinig ko si Officer Reyes sa gilid ko. "Nandito na 'yong kaibigan mo."

Nilingon ko ang pinto at ngumiti kay Anjie na dali-daling tumakbo palapit sa 'kin.

"Girl!" Niyakap ko siya habang hinahampas niya ang braso ko. "Napanood ko sa balita! Naaresto na 'yong mag-tatay! Umamin 'yong gunman? Paano na lang biglang umamin 'yon?"

Nagkatinginan kami ni Officer Reyes.

"'Tsaka bakit may kasama kang pulis?" bulong pa ni Anjie.

Sabay kaming humarap sa malawak na quadrangle sa gitna ng school habang nakahilig sa railings. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang mga tao sa baba. "Alam mo namang mamamatay-tao sila, kaya may kasama ako lagi in case na, alam mo na."

Napanganga siya at saka tinakpan ang bibig. "Ibig sabihin, may chuchugi sa 'yo anytime?!"

"Kaya nga ako binabantayan."

"E, si Eric? Nag-usap na kayo?"

"Hindi kami magkasama no'ng inaresto siya kaya hindi kami nakapag-usap."

Marahan siyang tumango. "Murder 'tsaka money laundering eme eme so habangbuhay na kulong 'yon. Akalain mo, biglang naghulog ng hustisya ang langit!"

Ngumiti ako at tumanaw sa malayo. Sa mundo ng mahihirap, hindi hinihintay ang hustisya. Kailangan mong paghirapan. Kailangan mong sumugal. Kung swerte ka, makakamit mo ang hustisya nang buhay ka pa.

Bumalik kami sa klase habang naghihintay lang sa labas si Officer Reyes. Medyo nahihiya na ako pero trabaho niya naman daw 'yon. Wala nang klase sa hapon kaya pumayag akong makipagkita kay Officer Gino sa sinabi niyang lugar.

Pagdating namin sa coffee shop, nakatanaw siya sa labas habang may envelope sa harap niya. Nang makalapit kami ni Officer Reyes, nagtanguan sila habang naupo naman ako.

"Kumusta? Wala ka bang napapansing umaaligid?"

Umiling ako. "Wala naman."

Tumango siya at inusog ang isang envelope sa lamesa patungo sa tapat ko. Inilabas ko ang laman nitong mga pictures, mga mugshot ng mag-amang Delvan, nina Peter, Jack at ang huling larawan, mugshot ni Wilson. Agad na nangilid ang luha ko sa tuwa habang pinagmamasdan ang miserable nilang mukha. Inilapag ko ito at bumaling kay Officer Gino.

"Salamat."

Marahan siyang umiling at sumandal sa upuan niya habang nakalapat ang palad sa lamesa. "Ikaw ang trumabaho sa pinakamalaking lead ng kaso at nagawa mo pang mapasuko ang gunman. Ibinigay niya lahat mula sa mga bank transactions at palitan nila ng mga Delvan ng emails at texts. 'Yong murder weapon at 'yong motor, itinago nila sa basement ng warehouse kung saan sila huling nakita sa CCTV. Nag-match ang mga fingerprint na nakuha sa motor at baril sa fingerprint nina Alejo at Dorias."

Tumango ako at ngumiti. "May schedule na ba ng arraignment?"

"May entrapment operation pa kami sa iba pa nilang hitman pero magsisimula ang arraignment sa susunod na linggo. Taon ang history ng contract killing nila kaya marami-rami kaming hahanapin base sa mga nakuha naming impormasyon kay Dorias."

Pagkatapos ng pag-uusap namin, bumalik ako sa school para kunin ang listahan ng pwede naming pag-apply-an ng OJT at saka pumasok sa klase ko. Excited pa rin ang mga kaklase ko kaya mukhang ako pa lang ang nakakaalam na hindi na papasok si Sir Eros.

Nang pumasok sa room si Ma'am Danghay, isa-isang nagsigawan ang mga kaklase ko,

"Ma'am!"

"You're back!"

When Liars PlayWhere stories live. Discover now