Chapter 27

9.5K 167 1
                                    

Huminga ako nang malalim habang dina-dial ang number ni Jack. Nginitian ko ang anak niyang abala sa pagkain ng prutas habang hinihintay kong sagutin niya ang tawag.

"Hello?"

Tumango ako kay Officer Reyes at kay Officer Sy na nakasuot ng headset habang nakaharap sa isang monitor. Nag-thumbs-up si Officer Sy kaya tumayo ako at lumapit sa binata. "Hello, Jack."

"Sino 'to?"

"Belleza."

Hindi na siya nakasagot kaya nagsalita ako agad. "Huwag kang magsasabi kay Domingo Delvan."

Saglit pang tumahimik ulit bago siya nagsalita. "Anong kailangan mo?"

"Grapes pala ang favorite na prutas ng anak mo."

Natahimik siya ulit habang naririnig ko ang malalim niyang paghinga. "Paano mo... nalaman?"

Lumapit ako kay Nico at nginitian siya. "Nico, mag-hi ka sa Papa mo."

Nagliwanag ang mukha niya at tinapat ang bibig sa cellphone ko. "Papa? Hello, Papa! Nagdala si Ate Clariz ng fruits!"

Nginitian ko si Nico at bumalik sa bintana. "He's cute."

"Ano ngang kailangan mo?!"

"Sumuko ka, Jack," mabilis kong sagot.

Narinig ko ang pag-ismid niya. "Sumuko para saan?"

Humakbang ako palapit sa bintana at bumulong. "Pinatay mo ang mama ko."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Hindi ako tumawag para mag-interrogate, Jack. Tumawag ako para mag-alok. Kapag nalaman ng mga Delvan na nahanap ka ng mga pulis, sa tingin mo, hahayaan ka pa nilang mabuhay? Kapag namatay ka naman, paano ang anak mo? Kapag nagtago at tumakas ka, paano siya maooperahan? Kaya..." Hinarap ko si Nico at nginitian bago bumulong. "Kung susuko ka, itatago ko ang anak mo para hindi siya madamay."

"Tanga! Hindi mo mapoprotektahan ang anak ko. Hindi mo siya dapat idinamay rito!"

Napawi ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Nico. "Kapag hindi ka sumuko, ibibigay ko siya sa mga Delvan."

Nag-angat ng tingin sina Officer Reyes at Officer Sy pero tipid ko silang nginitian.

Narinig ko ang ingay sa kabilang linya bago sumigaw si Jack. "Hindi damay dito ang anak ko! Putangina ka!"

"Pero damay na siya, Jack. Kapag nahuli ka ng mga pulis, kukunin siya ng mga Delvan para ipanakot sa 'yo. Pero dahil pinababantayan ko siya, hindi siya magagamit ng mga Delvaa. At ikaw, pwedeng pwede ka nang umamin at sabihin lahat ng alam mo." Natahimik siya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Masyado na 'tong tumagal, Jack. Nasa dulo na tayo at kailangan mo nang magmadali dahil ilang minuto lang, malalaman na ng mga Delvan na hinahanap ka ng mga pulis, at kapag nainis ako, iiwan namin dito ang anak mo—"

"Susuko ako."

Napasinghap ako habang nangingilid ang luha. Humarap ako ulit sa bintana nang tumulo ang luha ko. Nanginginig ako habang nakatanaw sa malayo. "Tine-trace 'tong tawag. Mamaya, may darating na mga pulis sa kung nasaan ka man at sasama ka nang tahimik."

"Ipangako mong poprotektahan mo ang anak ko."

"Wala kang karapatang mag-demand—"

"Mangako ka!"

"Goodbye, Jack."

Tumanaw ako sa labas ng bintana habang naninikip ang dibdib ko sa tuwa.

"Nandoon na si Gino."

When Liars PlayWhere stories live. Discover now