Chapter 14

11.8K 220 3
                                    

Maghahapunan na kaya nagpaalam na ako sa mga kalaro ko para umuwi. Pagpasok ko sa bahay, nagulat ako nang makita sina Mama at Papa na may hawak na cake. "Happy Birthday, Isay!"

Napangiti ako agad at tumakbo palapit sa kanila. Pinagmasdan ko ang hawak nilang cake na may Snow White na design. "Wow! Akala ko po hindi tayo maghahanda ngayon, e."

Hinalikan ni Mama ang noo ko. "Pwede ba 'yon? Siyempre, dapat nating i-celebrate ang bawat birthday mo. Happy birthday! Mahal ka ni Mama!"

"I love you too, Mama!"

"O, paano naman ako?"

Natawa ako nang ngumuso si Papa na tila nagtatampo. Sinundot ko ang icing sa gilid ng cake at pinahid sa ilong niya habang nagpipigil ng tawa.

"Aba, aba." Tumawa nang malakas si Papa at siya naman ang sumundot ng icing sa cake.

"Aaah!" Naghabulan kami sa lamesa at napuno ng tawanan naming tatlo ang sala ng aming bahay. 'Yon ang pinakamasayang birthday ko dahil binalita nina Mama na makakapag-aral na ako sa gusto kong school.

"Mama!" Tumakbo ako palapit sa bahay dala-dala ang maliit na tuta. Bumukas ang pinto at sinalubong ako ni Mama. "Kaninong tuta 'yan, anak? Saan mo 'to nakuha?" Kinuha niya sa 'kin ang tuta at pinagmasdan niya ang paa nitong may sugat.

"Nakita ko po siya sa may kalsada."

"Naku, hindi sa atin ang tutang ito. Baka hanapin siya ng may-ari."

"Ma, tulungan n'yo na lang po akong gamutin ang sugat niya." Saka ko itinuro ang paa ng tuta.

Ngumiti si Mama sa akin at saka kami sabay na pumunta sa likod ng bahay kung saan may poso. "Hugasan muna natin ang sugat niya."

Hinahaplos ko ang ulo ng tuta habang hinahugasan ni Mama ang sugat nito. Medyo pumipiglas pa ito dahil sa sugat pero inaamo ko siya.

"Shh, behave 'yan... 'Di namin ikaw sasaktan. Huhugas lang."

Pagkatapos malagyan ng benda ang paa ng tuta, binuhat ko siya at niyakap. Malambing siya at sanay sa tao kaya nakakatuwa. "Mama, ampunin na lang po natin. Aalagaan ko po siya, promise." Ngumuso ako para magpa-cute.

Ngumiti lang si Mama at binuhat ako patungo sa kusina. "Anak, malay mo hinahanap siya ng amo niya."

"Pero gusto ko po itong tuta."

"Hmm, alam mo, Isay. Kahit may gusto kang kunin, hindi mo pwedeng basta na lang angkinin, kasi kung kukunin mo ang hindi sa 'yo, may tao namang mawawalan."

Naputol ang pag-iisip ko nang mapansing hindi na pamilyar sa 'kin ang nadadaanan ng jeep. Shit. Bumaba ako agad at napagtantong lumagpas ako sa Crystal. Tumawid ako agad sa kabilang kalsada para pumara ng jeep pabalik. Pagdating ko sa locker, saktong nandoon si Ma'am Aby.

"Grabe, Clariz. 30 minutes kang late. Inaawas sa sweldo 'yan ha."

"Opo, pasensya na. Hindi na mauulit. Lumagpas po ako. Pagod lang po siguro kaya hindi ko napansin."

"Siya nga pala, 'di ba sinabi mong malapit ka nang mag-OJT? Sabihin mo lang kung kailan ang huling araw mo rito para maipadala agad 'yong galing sa agency."

Tumango ako at nagpunas ng pawis. "Opo."

Pagdating ko sa unit ni Sir, wala siya roon kaya sinulit ko nang maglinis nang walang iniisip. Habang pinupunasan ko ang estante kung saan nakapatong ang TV, bumukas ang pinto kaya nilingon ko 'yon.

Nang magtama ang tingin namin, napagtanto ko agad na nakainom siya. Wala siyang imik hanggang sa sumalampak siya sa sofa at pumikit habang nakasandal ang ulo.

When Liars PlayWhere stories live. Discover now